You are on page 1of 4

KARUNUNGANG BAYAN

Salawikain-> patalinhaga na may kahulugang


nakatago. May sukat at tugma. Itinuturing
itong batas ng buhay sapagkat nagtuturo ng
aral.
Halimbawa:
1. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay
Kahulugan: huwag mong sabayan ang galit ng iyong
mga kaaway
2. Ang tumakbo ng matulin, pag masusugat ay malalim
Kahulugan: matutunong pag isipan at intindihin ang
kalalabasan ng iyong desisyon
3. Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.
Kahulugan: habang nagagamit ang utak ay mas
lumalawak ang kaalaman.

Kasabihan-> hindi gaanong gumagamit ng


mga talinhaga kaya't payak ang kahulugan
nito. Ang kilos, ugawi at gawi ng isang tao
masasalamin sa mga kasabihan.
Halimbawa:
1. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makakarating sa paroroonan.
Kahulugan: ang sinuman na hindi marunong tumanaw
ng utang na loob at magbigay ng pasasalamat sa mga
taong nakatulong sa kanya sa maliit o malaking bagay
man ay hindi kailanman magiging matagumpay sa
buhay.
2. Walang lihim na hindi nabubunyag
Kahulugan: walang lihim ang nananatiling lihim
sapagkat minsan ang mga taong ating
pinagkakatiwalaan ang siyang nagsisiwalat nito sa iba.
3. Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.
Kahulugan- Wag mo munang pagkatiwalaan yung mga
tao na hindi mo pa kilala dahil hindi mo pa alam kung
mapagkakatiwalaan ba talaga sya at kung anong
intensyon nya sayo na maaaring magdulot ng
masamang epekto.

Sawikain-> hindi gumagamit ng mararahas


na salita upang maiwasan ang makasakit. Mga
salitang eupemistiko, patayutay o
idyomatikong pahayag upang maging
maganda at masining ang maririnig.

Halimbawa:
1. Balat sibuyas
Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang
damdamin
2. Bilang na ang araw
Kahulugan: malapit ng mamatay
3. Butas ang bulsa
Kahulugan: walang pera

Bugtong-> isang pangungusap o tanong na


may doble o nakayagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan.
Halimbawa:
1. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: dahon ng gabi
2. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
3. Malambot na parang ulap, kasama ko sa
pangangarap.
Sagot: unan

FILIPINO
ANNE MARIE C. REVAMONTAN
8-ANDROMEDA
SANNY PINTO
(GURO)

You might also like