You are on page 1of 18

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

PANLAPI
TULANG PANUDYO
isang uri ng akdang patula na kadalasan ang ay
manlibak, manukso o mang-uyam.
awiting ito ay karaniwang pumapaksa sa pag-
ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-
asa, at kalungkutan o maaaring ginawa upang
maging panukso sa kapuwa.
TUGMANG DE GULONG
mga paalala na maaaring makita sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at
traysikel. Karaniwa’y ito’y batay sa nakatutuwa, lalo
na’t ang karamihan sa mga tugmang ito ay nakabatay
sa mga kasabihan o salawikain na dati nang batid ng
mga Pilipino.
HALIMBAWA
And di magbayad walang problema, sa karma pa lang,
bayad ka na.
BUGTONG
Ito ay binubuo ng isa o dalawang
taludtod na maikli na may sukat at
tugma.
 Ang pantig naman nito ay maaaring
apat hanggang labindalawa.
BUGTONG
riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na
pangungusap na may nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan.
HALIBAWA
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
PALAISIPAN
Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga
tagapakinig. Sa una akala mo’y walang sagot o puno
ng kalokohan ngunit kung susuriin, ang palaisipan ay
nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng
kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.
Halimbawa:
May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda.
Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.
PALAISIPAN
binabalangkas ito sa anyong tuluyan ginagawa
ito upang subukin ang katalasan nang isipan sa
paraang upang masagot agad ang katangan.
HALIMBAWA
SUDOKU
CROSSWORD
SALAWIKAIN
nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang aral o
gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.
Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng
katotohanang hindi mapasusubalian na naging
bahagi na ng ating tradisyong Pilipino na ang
karamihan ay mula sa ibang bansa at ang iba
nama'y mula pa sa ating mga ninuno na
nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.
PAGPAPALAWAK NG
TALASALITAAN
PANLAPI - o morpemang di-malaya ay isang morpema na
ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang
salita.
UNLAPI
GITLAPI
HULAPI
KABILAAN
LAGUHAN
Pangkatang Gawain
Bumuo ng bidyo n nagpapakita ng mga sumusunod.
Unang pangkat: awiting panudyo
Ikalawang pangkat: tulang panudyo
Ikatlong pangkat: tugmang de gulong
Ikaapat na pangkat: palaisipan
Ikalimang pangkat: bugtong
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang suprasegmental ay makabuluhang yunit
ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng
titik o letra sa pagsulat.
Inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga
notasyong ponemik upang matukoy ang paraan
ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Diin – ginagamitan ito ng simbolong
dalawang magkahiwalay na bar (//) o
tuldok (.) upang matukoy ang pantig ng
isang salita na may diin na
nangangahulugan ng pagpapahaba ng
naturang pantig na may kasamang patinig.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Tono – ito ay paraan ng pagbigkas na
maaaring malambing, pagalit, marahan, o
kaya’y waring laging aburido kundi man
nasasabik.
Halimbawa: Ikaw pala! (nagulat)
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Antala – nangangahulugang paghinto o pagtigil ng
pagsasalita na maaaring panandalian (sa gitna ng
pag-uusap) o pangmatagalan (katapusan ng
paguusap). Ito ay sinisimbolo ng tuldok (.) at kuwit (,).
Halimbawa:
Maria/ Rhodora Antonio/ ang tawag sa kanya./
Maria Rhodora/ Antonio ang tawag sa kanya.//
May pagkakaiba ba sa kahulugan?
Salamat sa pakikinig!

P.S
Maghanda para sa unang pagsusulit sa ikatlong markahan
SANGGUNIAN
https://prezi.com/yfv_pxqdy0q9/tulangawiting-panudyo/
https://filipinojournal.com/palaisipan/
https://www.pinoyedition.com/salawikain/
www.rexinteractive.com

You might also like