You are on page 1of 7

Republic of the Phillipines

STA. IGNACIA HIGH SCHOOL


Pob. East, Sta. Ignacia, Tarlac 2303

1. Ano ang buong pangalan ng ating Pambansang bayani?


- Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
2. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).
- Andres Bonifacio
3. Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng
rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.
- Heneral Antonio Luna
4. Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga
bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.
- Apolinario Mabini
5. Siya ang unang pangulo ng unang republika ng Pilipinas.
- Emilio Aguinaldo
6. Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas
na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas
bilang Utak ng Katipunan.
- Emilio Jacinto
7. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William
Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang
Pilipino.
- Francisco Balagtas Baltazar
8. Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego
Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa
himagsikan laban sa mga Kastila.
- Gabriela Silang
9. Sinu-sino ang mga tatlong pari ng Katolikong Pilipino na pinatay noong Pebrero 17,
1872 sa Bagumbayan ng mga kolonyal na awtoridad ng Espanyol sa paratang ng
pagpapabagsak na bunga ng 1872 Cavite mutiny.
- Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
10. Isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at sa
Labanan ng Tirad Pass sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. 
- Gregorio del Pilar
11. Kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at tagapagtatag ng Girl Scouts of the
Philippines (GSP). Sa panahon ng pananakop ng Hapon, siya ay pinapatay sa hinala ng
pagiging isang taga-simpatya ng mga gerilya.
- Josefa Llanes Escoda
12. Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang
dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa
Roma.
- Juan Luna
13. Itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Isa siya
sa unang lumaban sa pananakop ng Espanya dahilan upang napatay niya si Ferdinand
Magellan.
- Lapu-Lapu
14. Kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng
Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng
pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.
- Manuel L. Quezon
15. Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya
ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para
sa kanyang mga kontribusyon.
- Melchora Aquino
16. Ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "Presidente ng Masang Pilipino".
- Ramon Magsaysay
17. Ano Pambansang dahon ng Pilipinas.: Anahaw 
18. Ano Pambansang prutas ng Pilipinas.: Mangga 
19. Ano Pambansang puno ng Pilipinas.: Narra
20. Ano Pambansang bulaklak ng Pilipinas.: Sampaguita 
21. Ano Pambansang kasuotan para sa mga Babae sa Pilipinas.: Baro’t Saya 
22. Ano Pambansang kasuotan para sa mga Lalaki sa Pilipinas.: Barong Tagalog
23. Ano Pambansang sayaw ng Pilipipinas.: Tinikling
24. Ano Pambansang tirahan ng Pilipinas.: Bahay Kubo
25. Ano Pambansang pagkain ng Pilipinas.: Litson
26. Ano Pambansang isda ng Pilipinas.: Bangus
27. Ano Pambansang hayop ng Pilipinas.: Kalabaw
28. Ano Pambansang ibon ng Pilipinas.: Agila/Haribon
29. Ano Pambansang sasakyan ng Pilipinas.: Kalesa
30. Ano Pambansang hiyas ng Pilipinas.: Perlas
31. Ano Pambansang sapin ng Pilipinas.: Bakya
32. Ano ang tawag sa tubig na tumalsik sa puwet pagkahulog ng tae.: Bultokatsi
33. Ano ang tawag sa libag sa ilalim ng suso/boobs.: Kukurikapu
34. Ano ang tawag sa buhok sa puwet kung saan minsan sumasabit ang tae.: Burnik
35. Ano ang tawag sa taong nuknukan ng katangahan.: Ispongklong
36. Ano ang tawag sa maitim at nanlilimahid na libag sa batok.: Barnakol
37. Ano ang tawag sa amoy ng mabantot na paa o medyas.: Kachichas
38. Ano ang tawag sa buhok sa utong.: Weneklek
39. Ano ang tawag sa mataas na antas ng anghit.: Baktol
40. Ano ang tawag sa halunaw na peklat.: Bakokang
41. Ano ang tawag sa nakasusukang amoy ng kili-kili ngunit hindi anghit.: Kasi-kasi
42. Ano ang tawag sa makapal na libag sa kamay.: Isprikitik
43. Ano ang tawag sa libag na nanuot sa panty o brief.: Agihap
44. Ano ang tawag sa buhok sa gitna ng nunal.: Mulmul
45. Ano sa Filipino ang Mathematics.: Sipnayan
46. Ano sa Filipino ang Arithmetic.: Bilnuran
47. Ano sa Filipino ang Science.: Agham
48. Ano sa Filipino ang Biology.: Haynayan
49. Ano sa Filipino ang Chemistry.: Kapnayan
50. Ano sa Filipino ang Thermodynamics.: Initsigan
51. Ano sa Filipino ang Statistics.: Palautatan
52. Ano sa Filipino ang Calendar.: Talaarawan
53. Ano sa Filipino ang Dictionary.: Talahulugan/Talailigan
54. Ano sa Filipino ang Airplane.: Salipawpaw
55. Ano sa Filipino ang E-mail.: Sulatroniko
56. Ano sa Filipino ang Hyperlink.: Kawingan
57. Ano sa Filipino ang Browser.: Panghinain/Panginain
58. Ano sa Filipino ang Charger.: Pantablay
59. Ano sa Filipino ang Website.: Pook-sapot
60. Ano sa Filipino ang Telephone.: Hatinig
61. Ano sa Filipino ang Window.: Durungawan
62. Ano sa Filipino ang Switch.: Gaptol
63. Ano sa Filipino ang Germs.: Kagaw
64. Ano sa Filipino ang Toothbrush.: Pangaso/Panghiso
65. Ano sa Filipino ang Compass.: Paraluman
66. Ano sa Filipino ang Amplifier.: Panghibayo
67. Ano sa Filipino ang Headset.: Pang-ulong hatinig
68. Ano sa Filipino ang Carpenter.: Anluwage
69. Ano sa Filipino ang Honeymoon.: Pulo’t gata
70. Ano sa Filipino ang Eclipse.: Duyog
71. Ano sa Filipino ang Infinity.: Awanggan
72. Ano sa Filipino ang Pupil(Eyes).: Balintataw
73. Ano sa Filipino ang Unbelievable.: Balintuna
74. Ano sa Filipino ang Grumpy Woman.: Di Mahapayang-Gatang
75. Ano sa Filipino ang Selfish person.: Hidhid
76. Ano sa Filipino ang Clue.: Himaton
77. Ano sa Filipino ang Wallet.: Kartamuneta/Kalupi
78. Ano sa Filipino ang Hyperlink.: Kawingan
79. Ano sa Filipino ang Pure.: Lantay
80. Ano sa Filipino ang Microphone: Miktinig
81. Ano sa Filipino ang Amplifier.: Panghibayo
82. Ano sa Filipino ang Diary.: Talasarili
83. Ano sa Filipino ang Gravity.: Dagsin
84. Ano sa Filipino ang Addicted.: Gumon
85. Ano sa Filipino ang Collection.: Napangilakan
86. Ano sa Filipino ang Kitchen.: Paminggalan
87. Ano sa Filipino ang Fork.: Sambat
88. Ano sa Filipino ang Sharpen.: Yakis
89. Ano sa Filipino ang Electromagnetic wave: Dagibalniing liboy
90. Ano sa Filipino ang Thermodynamics.: Initsigan
91. Ano sa Filipino ang Mercury.: Asoge
92. Ano sa Filipino ang Department of Social Welfare and Development
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
93. Ano sa Filipino ang Department of Public Works and Highways
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
94. Ano sa Filipino ang Department of Environment and Natural Resources
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan
95. Ano sa Filipino ang Department of Education
Kagawaran ng Edukasyon
96. Ano sa Filipino ang Department of Labor and Employment
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
97. Ano sa Filipino ang Department of Health
Kagawaran ng Kalusugan
98. Ano sa Filipino ang Department of Agrarian Reform
Kagawaran ng Reporma ng Pansakahan
99. Ano sa Filipino ang Department of Budget and Management
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
100. Ano sa Filipino ang Department of Energy
Kagawaran ng Enerhiya
101. Ano sa Filipino ang Department of Finance
Kagawaran ng Pananalapi
102. Ano sa Filipino ang Department of Foreign Affairs
Kagawaran ng Ugnayan ng Panlabas
103. Ano sa Filipino ang Department of Science and Technology
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
104. Ano sa Filipino ang Department of Agriculture
Kagawaran ng Pagsasaka

105. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Mga paa
106. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
107. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
108. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
109. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
110. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
111. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
112. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
113. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
114. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
115. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
116. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
117. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing
118. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
119. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
120. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
121. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
122. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas
123. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat
124. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
125. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
126. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
127. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
128. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang
katuray.
Sagot: Talong
129. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
130. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
131. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
132. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
133.Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
134. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: Pluma o Pen
135.Isang daan ng pakikipag-ugnayan na kinakailangang may maayos na pag-unawa sa
kausap. Komunikasyon
136. Ito ang tawag sa mga salita na napagkasunduan ang gamit at kahulugan sa isang wika.
Arbitraryo
137.Kinikilala bilang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa.
Wikang Pambansa
138.Sumisimbolo sa ating pambansang pagkakilanlan.
Wikang Pambansa
139.Ito ay salitang namumukod tangi at yunik.
Idyolek
140. Salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Dayalek
141. Uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo.
Sosyolek
142. Isang uri ng barayti ng wika na nadedebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Etnolek
143. Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob na ating tahanan.
Ekolek
144. Ano ang pangalan ng Ama ng ating Pambansang bayani.
Francisco Mercado (Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandra II)
145. Ano ang pangalan ng Ina ng ating pambansang bayani.
Teodora Alonso (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos)
146.Pang ilan sa magkakapatid si Dr. Jose Rizal.
Pang Pito(7)
147. Ano ang pangalan ng anak ni Dr. Jose Rizal at Josephine Bracken.
Francisco/Francisco Rizal (nabuhay lamang ng tatlong oras)
148. Siya ang puppy love ni Dr. Jose Rizal.
Segunda Katigbak
149. Awit sa pagpapatulog ng bata ay tinatawag na_______. Oyaye
150.Awit ng pag-ibig ay tinatawag na _______. Kundiman
151.Awit sa pakikidigma ay tinatawag na _______. Kumintang
152.Awit ng pagtatagumpay ay tinatawag na _______. Sambotani
153.Awit sa araw ng mga patay ay tinatawag na _______. Pangangaluluwa
154. Ano ang dalawang uri ng sanaysay. Pormal o Maanyo at Impormal o Personal
155.Isang kaisipan na tanging laman lamang ay ang buhay ng isang tao na isinulat nito o
isinulat niya para sa buhay ng iba. Talambuhay
156.Ito ay salaysaying mahabana hinahati sa bawat kabanata. Nobela
157. Isa itong larong pahulaan. Ito ay binubuo ng dalawang taludtod na maikli. Bugtong
158. Isang matandang katawagan sa orasyon na ginagamit sa panggagamot, pangkukulam, o
pang-eengkanto. Bulong
159. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao. Kasabihan
160. Ito ay isang uri ng tagisan ng talino na kung saan ay pahuhulaan sa mga kasali kung ano
ang pinakamabuting gawin o ang wastong pamamaraan sa paglutas ng suliranin.
Palaisipan
161. Ito ay butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng
mabubuting payo tungkol sa kagandahang asal. Salawikain
162.Isang paraan ng pananalita o pagpapahayag na hindi gumagamit ng marahas na salita
upang hindi makasakit ng damdamin. Sawikain
163.Ito ang mga pahayag na karaniwang hanog sa mga aral sa Bibliya. Kawikaan
164. Isang maikling katutubong tula ng ating mga ninuno na hitik na hitik sa pangangaral ng
matatanda sa pagpapagunita sa kabataan. Tanaga
165. (1)Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at siya ang unang
pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. - Emilio F. Aguinaldo
166.(2)Ika-pangalawang Pangulo ng Pilipinas at Unang Pangulo ng Komonwelt. - Manuel L.
Quezon.
167. (3)Siya ay naging pangulo matapos italaga ng mga Hapones. - Jose P. Laurel
168. (4)Bago siya naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama
siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling
maibangon ang bansa sa pinsala ng Digmaang nagdaan. - Sergio Osmen͂a
169. (5)Bago siya naging pangulo nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnotcher siya
sa Bar Exam noong 1912. - Manuel A. Roxas
170. (6)Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika. - Elpidio R. Quirino
171. (7) Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika at namatay siya sa pagbagsak ng kanyang
eroplano. - Ramon Magsaysay
172. (8) Siya ang nagpasimula ng katawagang “Pilipino Muna” bilang simbolo ng pagiging
makabayan .- Carlos P. Garcia
173. (9)Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang “poor boy from Lubao”. - Diosdado
Macapagal.
174. (10)Ikasampung Pangulo ng Pilipinas at nagpatupad ng Batas Millitar. - Ferdinand
Marcos
175. (11) Unang Pangulo ng Ikalimang Republika at kauna-unahang babaeng presidente ng
bansa. - Corazon Aquino.
176. (12) Ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas at Ikalawang Pangulo ng Ikalimang
Republika. - Fidel V. Ramos
177. (13) Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika at isang popular na aktor at pulitiko.
Ngunit iniwan niya ang pwesto ng pagkapangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng
korapsiyon. - Joseph E. Estrada
178. (14) Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas at Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang
Republika .- Gloria Macapagal Arroyo
179. (15) Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas at kilala sa tawag na “P-Noy”.
-Benigno S. Aquino III
180. (16) Unang pangulong nagmula sa Mindanao. - Rodrigo R. Duterte.

You might also like