You are on page 1of 5

Easy Round

1. Ang wikang pambansa ay halaw sa mga magagandang wika ng


mga ____________.

a. Ivatan, ifugao, maranao

b. Mangyan at Pangasinense

c. Aeta, Pangasinense, Tagalog

2. Ano ang pambansang wika natin?

a. Cebuano

b. Tagalog

c. Filipino

3. Sino ang ama ng “Balarila ng Wikang Pambansa’’?

a. Lope K. Santos

b. Manuel L. Quezon

c. Severino Reyes

4. Kelan nagsimula ang buwan ng wika?

a. 1935

b. 1936

c. 1937

5. Sino ang pangulong nag deklara ng buwan ng Agosto bilang


“Buwan ng Wika’’?

a. Diosdado Macapagal

b. Ferdinand Marcos

c. Fidel Ramos

MODERATE ROUND

1. Kung ang tagalog ng book ay aklat, ano namn ang tagalog ng


petals?

TALULOT

2. Kung ang tagalog ng throat ay lalamunan ano naman ang tagalog


ng window?

DURUNGAWAN

3. Ito ay nangangahulugan na malawak at madamong lupain.

- KAPARANGAN

4. Kanino galing ang pangungusap na ito, "Ang hindi magmahal sa


sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda"

- Jose P. Rizal

5. Bukod sa pagbibigay ng mga kahulugan ng salita. Ito rin ay


nagbibigay ng iba pang mahalagang impormasyon.

- DIKSYUNARYO

HARD ROUND

1. Kailan ginaganap ang Buwan ng Wika

Buong buwan ng Agosto

2. Ano ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon?

Wikang katutubo; Para sa Isang Bansang Filipino

3. Noong taong 1937, ano ang wikang idineklara ni Manuel L.


Quezon bilang wikang pambansa?

Tagalog

4. Ayon sa Kautusan Bilang 7 na ipinalabas ng Edukasyon Kalihim


Jose Romero, ano ang naging opisyal na tawag sa wikang pambansa
noong taong 1959?

Pilipino

5. Anong mga letra ang idinagdag sa alfabetong Tagalog?


f, j, q, v, at z.

EXTREME ROUND

1. Ito ay mga bagay na ginagamit sa isang talinghaga upaang maibigay


ang mas malalim na kahulugan o mensahe ng salita o kabuuang paahayag.

- SIMBOLISMO

2. Saan ipinaganak si Manuel Luis Quezon?

- Baler Tayabas

3. Bakit sa Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?


Dahil Agosto 19 ipinaganak si Manuel Luis Quezon.

4. Ano ang pambansang wika na ipinalit sa Pilipino ng Saligang


batas 1973? (Filipino)

5. Sinong pangulo ang lumagda sa batas na nagpapahayag na


ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Mula Marso 29 hanggang
Abril 4?

Ramon Magsaysay-siya rin ang lumagda ng proklama bilang 12


na ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa ay Mula Agosto 13 -19,
noong 1954)

6. Sinong pangulo ang nagtadhana na ang lahat ng gusali at


tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino?

Ferdinand Marcos

7. Anong katutubong pagsulat ang ginamit na maaring pinag ugatan ng


kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino.

- BAYBAYIN

8. Unang libro naiambag sa Filipinas na may mga bersyon ng mga dasal at


tuntuning Kristyano sa paraang baybayin

- DOCTRINA CHRISTIANA

9. Ilan ang simbulo ang bumubuo sa baybayin?


- 17 simbulo (14 katinig at 3 patinig)

10. Sino ang bumuo ng ABAKADA

- LOPE K. SANTOS

TIE BREAKER

1. Ano ang isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng pagsulat.

GRAPEMA

2. Ito ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita.

-titik

Dahil itinuturing buhay at mayaman ang wikang Filipino, patuloy ang pag-usbong ng mga
bagong salita. Alam niyo ba kung anong mga salita ang nakapasa sa unang SAWIKAAN na
ginanap noong 2004?

Inilunsad noong 2004 ang SAWIKAAN o pagpili ng salita ng taon na itinataguyod ng Filipinas
institute of translation (FIT). Layunin nito na kilalanin ang mga salita o parirala na lumaganap sa
bansa bawat taon.

Noong 2004, umabot sa 14 na salita ang naging nominado. Ito ay ang “ukay-ukay" ni Delfin
Tolentino; “kinse anyos" ni Teo Antonio, “text" ni Sarah Raymundo; “jologs" nina Alwin Aguirre
at Michelle Ong; “otso-otso" ni Rene Villanueva; “salbakuta" ni Abdon Balde, Jr.; “fashonista" ni
Jimmuel Naval; “dating" ni Bienvenido Lumbera; “tapsilog" ni Ruby G. Alcantara; “tsugi" ni
Roland Tolentino; “tsika" ni Rene Boy Facunala o Ate Glow; “dagdag-bawas" ni Romulo
Baquiran, Jr.; “terorista at terorismo" ni Leuterio C. Nicolas; at “canvass" ni Randy David.

Sa huli, itinanghal na panalo ang "canvass", na sinundan ng "ukay-ukay", "tsika" at "tsugi".

Alpabetong Filipino (1987)

• Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-Ingles maliban sa ñ (enye) na


tawag-Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dzi, eyts, ay, dzey, key, el, em, en, enye, endzi, o, pi,
kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobol yu, eks, way, zi).

Kautusang Pangkagawaran blg. 45, s. 2001 (2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa


Ispeling ng Wikang Filipino)

• may 28 letra pa rin sa 2001 alfabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at


gumaganap bilang pagpapatuloy ng 1987 Patnubay…. Ang binago ay mga tuntunin sa
paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang
pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006

• pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at


Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang paggamit
at pagsangguni sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang KWF ay
nagsasagawa ng mga konsultasyon

Mayo, 2008

• ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa,


nakabatay ito sa 1987 Patnubay…, tinapos na ang pagkalito sa maluwag na paggamit ng
2001 Revisyon….

You might also like