You are on page 1of 2

1.

Kung ikaw ang hihiranging Lakan / Lakambini, ano sa tingin mo ang maiaambag mo sa ating
panahon para mas sumikapan pa nating tangkilikin ang ating sariling wika?

2. Sa tingin mo ba ay dapat ipaglaban ang isang batas na magtutulak sa patakarang ang gagamiting
lenggwahe sa akademya at sa mga paaralan ay Filipino.

3. Kung may mga English Zones Only, sa tingin mo ba ay dapat magkaroon din ng mga “Lugar ng
Pakikipagtalastasan sa Filipino” sa mga paaralan?

4. Sa tingin mo ba ay magagaling ang mga kabataang Filipino sa paggamit ng sariling wika nila?

5. Para sa iyo, gaano kahalaga ang mapag-aralan ang sariling wika?

6. Sa iyong palagay, paano mo mahihikayat ang mga kabataang Filipino na tangkilikin ang wikang
Filipino?

7. Dapat ba ay gawin na nating nasa Filipino ang mga sabjek sa paaralan gaya ng Science, Home
Economics o Technology at Mathematics

8. Ano ang pinakahuli mong binasang libro na isinulat o may akda ng isang Filipinong manunulat?

9. Mahalaga ba na alam natin kung kailang gagamitin ang dito at rito maging pati ang “ng” at ang
“nang”

10. Kung isa ka sa hihingan ng suhestyon ng ating gobyerno na magbigay ng ideya ng isang batas
kaugnay sa mga wika sa Pilipinas, ano ang batas na iyon?

11. Sino ang paborito mong manunulat na Filipino at bakit?

12. Sa tingin mo ba ay mababa ang tingin ng mga Filipino sa kanyang sariling wika?

13. Bakit kaya Filipino Wika ng Saliksik ang tema ngayong taon ng ating Buwan ng Wika?

14. Bakit gusto mong manalo bilang isang Lakan o Lakambini?

15. Sino ang paborito mong nilalang ayon sa ating mitolohiya at bakit?

16. Nanaisin mo bang pag-aralan ang mga wika ng ating mga katutubo at isama ito sa kurikulum sa
mga paaralan?

17. Ano ang pinakapaborito mong salita sa Filipino at bakit?

18. Anong wika pa sa Pilipinas pa ang gugustuhin mong matutunan?

19. Bakit mahalaga ang mga ganitong klaseng patimpalak?

20. Ano ang mensahe para sa mga kabataan para tangkilikin pa ang ating wika?

You might also like