You are on page 1of 3

TAGISAN NG TALINO SA FILIPINO

Antas 10
Qualifying Exam

_______________1. Ang nagpapahayag ng nangyayari sa isang pangungusap.


- Pandiwa
_______________2. Ito ay itinuturing bilang komunikasyong pinakagamitin sa lahat ng
sitwasyon at larangan.
- Berbal
_______________3. Isa sa apat na kayarian ng salita na idinurugtong sa salitang-ugat upang
magkaroon ng isang kahulugan.
- Maylapi
_______________4. Tinutukoy ang kahusayang gramatikal ang wastong baybay at bigkas ng
mga salita.
- Gramatikal
______________5. Tumutukoy sa paggamit ng tunog.
- Vocalics
______________6. Ito ay ang tula mula sa Persiya na may aapating taludtod.
- Rubaiyat
______________7. Isang uri ng akdang pampanitikan na isang tradisyonal na kuwento ng
pantasya at kababalaghan ang karaniwang tumatalakay sa buhay ng diyos, diyisa, at iba pang
makapangyarihang nilalang.
- Mitolohiya
______________8. Isang anyo ng tula sa bansang Japan na binubuo ng isang saknong na may
tatlong taludtod na may lima-pito-limang pantig bawat taludtod.
- Haiku
______________9. Ang tulang may labing-apat na linya.
- Sonnet
______________10. Ito ay ang salitang nagmula sa pinagsamang salitang: "tali" at "hiwaga."
- Talinghaga
______________11. Isang halimbawa ng tayutay na ang layon ay maghambing ng dalawang
magkaibang tao, bagay, lugar, at/o pangyayari.
- Pagtutulad
______________12. Ito ay pag-aaral ng wika na ang layon ay pag-aralan ang kasaysayan,
pinagmulan, pinanggalingan, pagbuo ng salita mula sa ugat, pagtunton sa pinagmulan ng salita.
- Etimolohiya
______________13. Ito ay tinatawag ding pagtatalo.
- Debate
_____________15. Ito ay ang paggamit sa emosyon, partikular ang awa, upang makakuha ng
simpatya.
- Argementum ad Misericordiam
_____________16. Halimbawa ng tayutay na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat
ang kahulugan at pinag-uugnay sa pangungusap..
- Pagsalungat
_____________17. Ito ay isang anyo ng tula na dinala ng mga Espanyol, at kilala rin sa tawag
na "pabasa."
- Pasyon
_____________18. Ito ay bahagi ng Freytag's Pyramid na tumutukoy sa mga dagdag na
pangyayari na nakatutulong upang maging kapana-panabik ang kuwento.
- Papataas na aksiyon o pangyayari
___________19. Ito ay ang lohikal na proseso ng pagkokompara ng dalawang bagay na na
magkatulad sa ilang mga aspekto.
- Analohiya
____________20. Ito ang pagsipi ng eksaktong salita mula sa nagsasalita o nagsusulat o
tinatawag ding "verbatim."
- tuwirang pahayag
____________21. Ang tawag sa mga salitang pareho ang pagbaybay ng salita, pareho ang
pagbigkas, subalit magkaiba ang kahulugan.
- homograpo
____________22. Ito ang pagsabi o pagsusulat muli ng pahayag na mula sa nagsasalita o
nagsusulat.
- di-tuwirang pahayag
____________23. Tawag sa mga salitang "at", "subalit", "ngunit" at "samantala."
- Pang-ugnay
____________24. Ang salitang nag-uugnay ng isang salita sa kapuwa salita, parirala sa
kapuwa parirala, sugnay sa kapuwa sugnay at pangungusap sa kapuwa pangungusap.
- Pang-ugnay
___________25. Ayon kay Aristotle, ito ay imitasyon o panggagad ng buhay sapagkat ginagaya
nito ang kilos o aksiyon ng mga tao at/o nangyayari sa paligid.
- Dula
___________26. Ibigay ang katumbas sa Wikang Filipino ng salitang Ingles na ''source
language "
- simulaang wika
____________27. Siya ang kura-parokong Espanyol na naging dahilan sa pagkamatay ng ama
ni Ibarra.
- Padre Damaso
____________28. Isang mahaba at masining na kathambuhay na may kawil-kawil na
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na maingat na binalangkas upang magkaugnay-
ugnay.
- Nobela
_____________29. Ito ay isang pagbabantas na ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang
pinagsama kapag may kinaltas kung hindi nagbabago ang kahulugan. .
- Gitling
_____________30. Ito ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas o
pantay na katangian. .
- Paghahambing na Magkatulad
Clincher Questions:

1. Ang buong pangalan ni Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.


- Don Crisostomo Ibarra Y Magsalin
2. Kahulugan ng salitang ''El Filibusterismo."
- Ang Paghahari ng Kasakiman
3. Ang pangalan na ginamit ni Ibarra sa kanyang pagbabalat-kayo.
- Simoun

You might also like