You are on page 1of 3

4.

Teoryang Iskema (Schema) –


Aralin 3:
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating
Pagbasa- Ito ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa
William S. Gray (1950), ang kinilalang Ama ng Pagbasa. kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Iskemata
(schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng
1. Persepsyon tao (Anderson at Pearson, 1984). Ang dating kaalaman (iskema) ang
Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at unang kailangan sa pagunawa sa binasa upang maunawaan ang
kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog. binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago
2. Komprehensyon at napauunlad.
Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
3. Reaksyon
Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan,
kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto. Pagbasa at Pag-unawa sa Mahihirap na Babasahin
4. Integrasyon
Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng - Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng
mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa
na buhay. sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay
nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa
nakababasa ng 500 – 600 salita bawat minuto. Ang napakahusay na
Mga Teorya sa Pagbasa mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto.
Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay mambabasa at kahirapan ng binabasa.
nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at may
kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag- - Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan
unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985). ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang mahalagang bagay na
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay
isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-
paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan
ng pagbasa. nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga
Apat na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa tekstong nasa malayang antas.

1. Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)


Katangian ng Mahusay na Mambabasa
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa
isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan. 1. Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas mga salita.
(top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pagunawa ay 2. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakakakuha rin ng mas
batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Ang impormasyon ay malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gustong
nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap
(Smith, 1994). Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.
kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo
na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay MGA SULIRANIN SA PAG-UNAWA NG TEKSTO
iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto. 1. Konsepto
Kaisipan o mensaheng ipinahahatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa
2. Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up) tulong ng dating kaalaman at mga karanasan at pag-unawa sa
kapaligiran ay kinukuha ng mambabasa ang mga konseptong
Ito ay salungat sa teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa na nakapaloob sa teksto.
naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito
tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo. 2. Talasalitaan
Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na
nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay naguumpisa sa May mga salita o terminolohiya na nagiging hadlang sa pag-unawa
ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas ng mambabasa sa teksto.
(up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata
at utak o isipan. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist a. Idyoma o Matalinghagang Salita -
at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.
mga salitang ang kahulugan ay hindi makukuha sa pag-unawa sa
3. Teoryang Interaktibo – kahulugan ng bawat salitang bumubuo dito. Madalas na inaakala ng
mambabasa na madaling unawain ang mga salitang alam na nila.
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat
ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon b. Salitang May Naililipat na Kahulugan -
(McCormick, 1998). Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at
top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng makikita ang mga salitang ito sa mga metapora o pagwawangis.
mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
c. Salitang Maraming Kahulugan-
mambabasa sa pag-unawa sa teksto. Samakatuwid, nagkakaroon ng
epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang
ang isang payak na salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang
mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa
kahulugan ayon sa paraan ng paggamit ng awtor at ng disiplinang
bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at
pinaggagamitan nito.
mga pananaw.

1|Page
d. Salitang Teknikal- f. Kwentong sikolohiko - Ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
may mga tiyak na salita o termonolohiya na ginagamit sa bawat disiplina kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwenton bihirang isulat dahil
tulad ng pagsasaka, edukasyon, atbp. may kahirapan ng paglalarawan ng kaisipan.

e. Salitang Kasingkahulugan o Kasulungat – g. Kwento ng Pakikipagsapalaran - Nasa balangkas ng


pangyayari ang interes ng kwento.
ang isang awtor ay gumagamit ng mga kasingkahulugan o kasalungat na
salita ayon sa kanyang layunin o nais iparating. Kung ang mambabasa h. Kwento ng Katatawanan - Nagbigay aliw at nagpapasaya sa
ay hindi sanay sa pagkilala sa ganitong mahihirapan siyang unawain ang mga mambabasa
ibig sabihin ng bawat salitang ginagamit sa teksto.
i. Kwento ng Pag ibig - Tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.
f. Ironiya o Kabanlintunaan –
2. Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito.
paggamit ng mga tulang ang karaniwang kahulugan na kabaligtaran sa
nais ipahayag. Sa pagkakataong ito, hindi ang kahulugan ng salita ang
3. Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
mahirap unawain kundi ang ibig sabihin ng awtor sa pagkagamit ng
salita.
4. Suriin ito ayon sa taglay na bisa (Uri ng Bisang Taglay sa
Maikling Kwento)
3. Istruktura ng Pangungusap
a. Bisang Pandamdamin - Tumutukoy ito sa nagging epekto o
Ang mahahaba at maliligoy na pangungusap ay nagiging hadlang sa pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
mabilis na pag-unawa ng mambabasa sa nilalaman ng teksto.
b. Bisang Pangkaisipan - Tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan
dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.

Aralin 4:
c. Bisang Pangkaasalan - May kaugnayan ito sa pagkakaroon ng
pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda
matapos mabasa.
Maikling Kwento - Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag- 5. Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipunan
iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
6. Gamitan ng teorya sa pagsusuri
Elemento ng Maikling Kwento

1. Tauhan - Nagpagalaw at nagbigay buhay sa kwento Balangkas ng Maikling Kwento


I. Uri ng kwento - Alamin kun anong uri ng maikling kwento
2. Tagpuan - Lugar at panahon ng mga pinangyarihan. ito napabilang.

3. Banghay - Pagkakasunud sund ng mga pangyayarisa kwento II. Pamagat - Dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento.

4. Tunggalian - Tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa III. Nilalaman
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan A. Tauhan
B. Tagpuan
5. Magagandang Kaisipan o pahayag - Mga pahayag na C. Galaw ng Pangyayari o Banghay Dito ibinibigay ang sunud sunod na
nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa. pangyayari sa kwento
• Pangunahing pangyayari
6. Simula at Wakas - Paraan ng mga manunulat kung paano • Pasidhi o pataas na pangyayari
sinimulan at winakasan ang kwento. Ito’y maaaring may • Karurukan o kasukdulan
magandang simula ngunit may malungkot na katapusan. • Kadalasan o pababang aksyon
• Wakas

Ⅳ. Taglay na Bisa
Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento V. Kamalayang Panlipunan
VI. Teorya
1. Suriin ang kwento ayon sa Uri

a. Kwento ng tauhan - Inilalarawan ang mga pangyayaring


Sanaysay - Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong
pagkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito. Ito rin ay maaaring magbahagi
kabuuan ang pag unawa sa kanila ng isang mambabasa.
ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, opinyon o damdamin,
manghikayat ng ibang tao at iba pa. Tumutukoy ng iba’t ibang paksa
b. Kwento ng katutubong kulay - Binigyan diin ang kapaligiran
gaya ng pag ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo at iba pa.
at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Dalawang Uri ng Sanaysay
c. Kwentong bayan - Nilalahad ang mga kwentong pinag uusapan
sa kasalukuyan ng buong bayan. 1. Pormal na Sanaysay –

d. Kwento ng Kababalaghan - Pinag uusapan ang mga salaysay Ang pormal na sanaysay na may maayos na pagkasunud sunod at
ng hindi kapani paniwala gumamit ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa
pananaliksik at pag aaral. May seryoso opormal na tono ito ukol sa
e. Kwento ng Katatakutan - Naglalaman ng mga pangyayarinng paksa nito.
kasindak sindak

2|Page
2. Di Pormal na Sanaysay –
II. Tema -
Ito ay batay sa mga opinyon at pananaw ng nagsulat nito. Ito ay Tumutukoy ito sa pangkalahatang ideyang pinalulutang sa
maaring galing sa karanasan o obserbasyon ng may akda. Ang mga sanaysay. Ito ay direktang kaugnay ng paksa at bawat paksa
paksa ng mga di pormal na sanaysay ay pangkaraniwan, personal at ay napaiilalim sa isang tema. Maaari itong patungkol sap ag
pang araw araw. Bukod dito, hindi kinakailangang seryoso at ito ay ibig, pamilya, pagkakaibigan, lipunan at iba pa.
mas madaling maintindihan at masundan.
III. Panimula -
Mga Elemento ng Sanaysay Tumutukoy sa pamukaw na bahagi ng sanaysay. Sa lahat ng
sulatin, mahalagang isaalang alang ang pagkakaroon ng
1. Tema - magandang panimula o introduksiyon.

Ito ay tumutukoy sa paksang tinalakay sa isang sanaysay. Dito iikot


IV. Nilalaman -
ang mga kaalaman o kuro kuro sa ibabahagi ng may akda.
Tumutukoy ito sa pinakamahalagang bahagi ng sanaysay.
Dito kinakailangang mailahad at maipaliwanag nang maayos
2. Anyo at Istruktura -
ang lahat ng argumentong nais palutangin, kung nais
Ito ang maayos na pagkasunud sunod ng ideya na lubos na mangatwiran o manghikayat, mahalagang magkaroon ng
makatulong sa pagkaunawa ng mga mambabasa. sapat na patunay upang maging kapani paniwala ang
pahayag.
3. Kaisipan -
V. Konklusyon -
Mga ideyang nababanggit sa isang sanaysay na marapat na Tumutukoy ito sa pagbubuod o paglalagom ng ideya. Dahil
maiuugnay sa tema at nagbibigay linaw sa nilalaman ng sanaysay. ito ay isang tangkang pagpapaliwanag. Kailangan
itongmaghain ng solusyon at hindi lamang mag iwan ng
napakaraming tanong o palaisipan.
4. Wika at Estilo -

Ito ang uri at antas ng wikang ginagamit sa isang sanaysay na


nakakaapekto sa pang unawa ng mga mambabasa.

5. Larawan ng Buhay -

Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang at masining na


pagpapahayag ng may akda

6. Damdamin -

Kinakailangang naipahayag ng isang mahusay na may akda ang


kanyang damdamin na may kaangkupan at kawastuhan.

7. Himig -

Ito ay tumutukoy sa kulay o kalikasan ng damdamin sa sanaysay


kung ito ba ay nagpapahiwatig ng himig na malungkot, masaya, galit
at iba pa. Mga Bahagi ng Sanaysay

8. Panimula -

Ito ang pinakamahalaga dahil kinukuha nito ang atensyon ng mga


mambabasa. Dito nagbibigay ng ideya ang may akda tungkol sa
paksa ng sanaysay.

9. Gitna o Katawan -

Dito sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya tungkol sa paksa.


Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ang may akda.

10. Wakas –

Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagbibigay ng hamon ukol sa


paksa ang may akda sa kanyang mambabasa. Ito ay para
maisakatuparan ng mga nabanggit na puntos sa katawan ng
sanaysay.

Bahagi ng Balangkas sa Pagsusuri ng Sanaysay

I. Paksa -
Tumutukoy ito sa ideyang tinatalakay sa isang sanaysay.
Maari itong umiikot sa mga napapanahong kaisipan o isyu.

3|Page

You might also like