You are on page 1of 6

A member of AMA Education System

KRITIKAL
NA
PAGBASA,
PAGSULAT
AT
Renabelle De Guia, LPT PAGSASALITA
Filipino Instructor
badz.renabelle@gmail.com
FB Name : Renabelle De guia
Mobile: 09759349850

1
A member of AMA Education System

Aralin 2
(Ikalawang Linggo)

Teorya ng Pagbasa
Mga paksa:

1. Teorya ng Pagbasa

Layunin sa Pagkatuto:

Pagkatapos ng aralin inaasahan sa iyong pagkatuto:

a. Nababatid ng teorya sa pagkatuto sa pamamagitan ng pagbasa;


b. natutukoy ang iba’t ibang teorya ng pagbasa;
c. nakabubuo ng isang masistemang pagbabanghay patungkol sa aralin.

Mga Teorya sa Pagbasa


Katulad ng ibang metodo sa pagtuturo. ang pagbasa ay dumaraan din sa
proseso ng pagbabago sa paglipas ng panahon. Mula sa tradisyunal na pagkilala sa
mga nakalimbag na salita hanggang sa pag-unawa sa mga ito. Dito, ang mga
magaaral ay nagkakaroon ng kontrol at manipulasyon sa kanyang binasa.

2
A member of AMA Education System

1. Teoryang Bottom- up -
Batay sa "Teoryang stimulus-
response" ang sentro ng pagbasa ay ang
teksto na kailangan munang maunawaan ng
mambabasa bago siya makapagbigay ng
kaukulang reaksyon o interpretasyon.

2. Teoryang Top- Down -


ang mambabasa ay nagiging isang aktibong partisipant sa
pagbasa dahil sa taglay niyang "Stock Knowledge" o mga
nakaimbak na kaalaman bunga ng kanyang mga
karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula


sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig sabihin, ang pag-
unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa


patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior


knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay
sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga
palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-
akda sa teksto.

3
A member of AMA Education System

3. Teoryang Interaktiv - Learning is a two-way


process. Hindi monopolyo ng mga mambabasa
ang pag-unawa sa tekso.
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-
down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan


(bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at
ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag


ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa
bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga
pananaw.

4. Teoryang Iskema - Tumutukoy sa teoryang ito sa kalayaan ng


mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto.
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay
nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge).
Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng
mambabasa.
Ang dating kaalaman (iskema) ang unang
kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.

4
A member of AMA Education System

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napa-uunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o


kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay
may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang
kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin.
Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang
mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama,
wato, kulang o may dapat baguhin.
Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa
isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng
pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil dito,
dapat bigyang pansin ang interaksyon ng
mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.

5. Pag-unawa at Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye


Isa sa mga katangiang taglay ng ing matalinong mambabasa ang
pagkakaroon niya ng kakayahang mauri ang mga ideya at detalye na
ginagamit sa isang teksto.

6. Ang Pagbasa at Pag-unawa


Kailangan ang pag-unawa sa anumang binabasa. Ang
mga mambabasa ay kailangang makadebelop ng mga
kasanayan na makatutulong sa kanila upang maunawaan
ang kanilang binabasa.

5
A member of AMA Education System

TATLONG SALIK NG PAGBASA

1. Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds of Voc.)


2. .Balangkas at istilo ng Pagpapahayag
3. 3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content / Subject Matter)

You might also like