You are on page 1of 2

Name: LIGMAYO, JACQUELENE VILLAJE

Date: JULY 14, 2016

Grade: 11

MGA TEORYA SA PROSESONG SIKOLOHIKAL NA


PAGBASA
1)Teoryang Itaas Pababa (Top-Down) - Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa
ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan.Ang daloy
ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang
ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
2) Teoryang Ibaba Pataas (Bottom Up)- nangangahulugang ang pag-unawa ng isang
bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas
(up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.
3) Teoryang Interaktibo-Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down),
nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Itoy nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
4) Teoryang Iskema (Schema)- Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa
ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Itoy
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng
mambabasa.

MGA HAKBANG O PROSESO SA PAGBASA


1)Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa
pagbigkas ng mga tunog.
2)Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
3)Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan,
pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
4)Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa
kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang
nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang
mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa,
nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod
na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang
kahulugan ng binabasang teksto.

URI NG PAGBASA
1)Iskaning o Palaktaw na Pagbasa
- Ang nagbabasa ay tumutunton sa mahahalagang salita, mga pamagat at
mga subtitulo. Palaktaw-laktaw na pagbubuklat sa materyal ang paraang ginagamit sa ganitong
pagbasa.
2)Iskiming - Ang iskiming ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangakalahatang
ideya ng teksto. Pahapyaw na pagbasa ang isinasagawa sa mga seleksyion tulad ng pamagat.
Ginagawa ito para sa pagtingin o paghanap ng mahahalagang impormasyon na maaaring
makatulong sa bumabasa.
3)Previewing
- Sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at register ng wika ng
sumulat.
4)Kaswal na Pagbasa
- Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
5)Masuring Pagbasa
- Isinasagawa ang pagbasa na ito nang maingat para maunawaan ganap ang
binabasa upang matugunan ang pangangailangan.
6)Pagbasang May Pagtatala
- Ito ang pagbasang may kaakibat na pagtatala o pagha-highlight ng
mahahalagang impormasyon sa teksto.

You might also like