You are on page 1of 4

FILDIS REVIEWER

PAGBASA

• Pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo.


Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa.
• Sa pamamagitan nito, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal.
• Kasanayang pang-wika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa
mabisang pag-unawa sa teksto.
• Isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang
nakasulat.

MGA URI NG GRAPH

1. Pie Graph – Ito ay ganap na popular, tulad ng bilog, ito ay nagbibigay ng visual na konsepto ng buo
(100%). Ito rin ay isa sa mga pinaka-karaniwang ginagamit na chart sapagkat ang mga ito ay simpleng
gamitin.
2. Bar Graph – ginagamit sa paghambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito ng
kaugnayan ng mga ideya o paghahambing ng magkaugnay na mga ideya.
3. Talangguhit o Line Graph – ginagamit upang ipakita ang iba’t ibang impormasyon at datos sa
pamamagitan ng paggamit ng mga linya. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng
datos sa magkaibang panahon o pangyayari.
4. Pictograph – ito ay graph na gumagamit ng larawan.
5. Talahanayan – ay “table” sa ingles at ito ay isang maiging paraan para ipakita ang mga datos at
impormasyon.
6. Poster – Tinatawag na advertising o propaganda imahe, sinamahan ng isang maliit na teksto o isang
maikling slogan.

MGA TEORYA SA PAGBASA

1. Teoryang Bottom-up
• Ipinakilala ang teoryang ito nina Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), David La Berge,
at S. Jay Samuels (1985).
• Sa teoryang ito, nagaganap ang proseso ng pagbabasa kapag sinusubukan ng mambabasa na
maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng pagtingin ng kahulugan ng salita o uri ng
balarila ng isang payak may unit ng teksto.
• Hindi gaanong mabisa sap ag-unawa ng teksto
2. Teoryang Top -down
• Nagmula ang teoryang ito kina Kenneth Goodman (1985) at Frank Smith (1994).
• Sa teoryang ito nahihinuha ng mambabasa ang susunod na pangyayari gamit ang kaligirang
impormasyong alam na niya. Ibinabatay ng mambabasa ang pagproseso ng pang-unawa sa
kung ano ang kanilang narinig o nakita sa teksto.
FILDIS REVIEWER
• Tinatawag ding data-driven model o part to whole model ang teoryang ito dahil nakatuon ang
mambabasa sa pagkuha ng impormasyon mula sa tekstong binasa.
• Isang halimbawa ng teoryang ito ay kapag nakita ng estudyante ang ulo ng balita o headline.
3. Teoryang Interaktibo.
• Nabuo dahil sa pagbatikos sa naunang dalawang teorya. Ayon sa teoryang ito, mas mainam na
pagsamahin ang mga teoryang bottom up at top-down upang lubusang maunawaan ang isang
akda.
• Nagkakaroon ng labis na pag-unawa sa teksto dahil nagagamit ng mambabasa ang kaalaman
niya sa estruktura o anyo ng wika at sa bokabularyo habang nagagamit ang dati nang kaalaman o
impormasyong natutuhan.
4. Teoryang Iskema
• Sinasabing nakaayos ang ating kaalaman sa maliliit na yunit.
• Tinatawag na schemata ang mga nakaimbak na impormasyong ito na nagtataglay ng ating mga
natutuhang ideya.
• Nagmula kay Jean Piaget ang konsepte ng iskema kung saan maaaring pag-ugnayin ang isang
bago o komplikadong konsept base sa dati nang kaalaman o prior knowledge.

PANUKATAN O DIMENSIYON NG PAGBASA

1. Unang Dimensyon (Pag-unawang Literal) – Tinutukoy ng mambabasa ang mga ideya mula sa
impormasyong nabasa sa teksto sa pamamagitan ng literal at tuwirang gamit ng mga salita.

2. Ikalawang Dimensiyon (Interpretasyon). - Nababatid ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-


akda at nakapagpapamalas siya ng pang unawa sa mga impormasyong nakuha.

3. Ikatlong Dimensiyon (Mapanuri o Kritikal na Pagbasa). - nakapagbibigay ang mambabasa ng


malalim at malawak na pagsusuri sa tekstong binasa kung saan natutukoy niya ang tiyak na
mensahe o aral na ipinararating ng may-akda.

4. Ikaapat na Dimensiyon (Paglalapat o Aplikasyon). - Naiuugnay ng mambabasa ang kaniyang binasa


sa mga impormasyong nauna nang natutuhan o mula sa sariling karanasan. Sa bahaging ito,
napagninilayan ng mambabasa kung magagamit ba niya ang mga kaisipan o impormasyon sa
pang-araw-araw na buhay.

5. Ikalimang Dimensyon (Pagpapahalaga) - naipakikita ng mambabasa ang impluwensiya ng


binasang akda sa kaniyang damdamin. Mababanaag sa mambabasa kung paano nakaaapekto sa
kaniya ang kuwento kung siya ba ay naging masaya o malungkot.
FILDIS REVIEWER
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

1. Masaklaw na Pagbasa (Skimming) - pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng pagbabasa


dahil nakatuon ang mambabasa sa pamagat o heading ng talata at simula lamang ng pangungusap
upang makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang pangkalahatang layuninnito.

2. Masusing Pagbasa (Scanning) - masusing pagtingin sa babasahing materyal. Ginagamit ang


pamamaraang ito kung may tiyak na impormasyon na nais hanapin ang mambabasa, tulad ng
pagtingin ng salita sa diksiyonaryo o paghahanap ng minatamis o dessert sa isang menu.

3. Pagalugad na Pagbasa (Exploratory Reading) - Ginagawa ito kung ibig ng mambabasa na malaman
kung ano ang kabuuan ng isang babasahin. Angkop ito sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin o
maikling kuwento kung saan tinitingnan ng mambabasa ang kabuuang anyo ng teksto.

4. Mapanuring Pagbasa (Analytical Reading) - Sa agham o sipnayan, ginagamit ang mapanuring


pagbabasa sa relasyon ng mga ekwasyon at pormulang gagamitin upang matukoy ang tumpak na
sagot.

5. Kritikal na Pagbasa (Critical Reading) - masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at
saloobin ng teksto. Pinag-iisipan niyang mabuti kung wasto nga ba ang impormasyon.

6. Malawak na Pagbasa (Extensive Reading) - Nagbabasa ng iba’t-ibang akda ang mambabasa


bilang libangan at pampalipas oras.

7. Malalim na Pagbasa (Intensive Reading) - Kailangan ng masinsinan at malalim na pagbasa kapag


nag-aaral o nagsasaliksik bilang paghahanda sa pag-uulat o pagbuo ng pamanahong papel upang
makakalap ng sapat at makabuluhang impormasyon.

8. Maunlad na Pagbasa (Developmental Reading) - Sumasailalim ang mambabasa sa iba’t-ibang


antas ng pagbabasa upang kaniyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa
pagbasa. Ginagabayan ng guro ang estudyante upang matiyak na mapaunlad ang kaniyang antas ng
pagbasa at matutong maging mapanuri at mapagsiyasat kapag nagbabasa.

9. Tahimik na Pagbasa (Silent Reading) - Ginagamit ng mambabasa ang kaniyang mga mata sa
pagbabasa. Habang nagbabasa, makikita na ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong binabasa
upang ganap itong maunawaan.

10. Malakas na Pagbasa (Oral Reading) - binibigkas ang teksto o kuwentong binabasa sa paraang
masining at may damdamin.
FILDIS REVIEWER

MGA PROSESO NG PAGBASA

1. Persepsiyon o Pagkilala – tumutukoy sa pagkilala sa mga simbolong nakasulat at sa kakayahan na


makilala ito ng mambabasa sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga tunog.

2. Komprehensiyon o Pang-unawa – Naipapakita na nauunawaan ng mambabasa ang nakasulat na


salita o simbolo batay sa mga nakalap na impormasyon.

3. Reaksiyon - Nakapagbibigay ang mambabasa ng puna, saloobin, pasiya, o hatol tungkol sa akdang
binasa kung ang nilalaman nito ay kakikitaan ng kahusayan, kawastuhan, at kapakinabangan.

4. Asimilasyon o Integrasyon - Tumutukoy ito sa pagsasama, pagsasanib, at pag-uugnay ng


mambabasa ng kaniyang mga nakaraang karanasan gayundin ng mga bagong karanasan sa buhay.

You might also like