You are on page 1of 2

KRITIKAL NA PAGBASA – ay tumutukoy sa proseso ng pagkilala ng mga nakasulat na simbolo at

ang pagbibigay nito ng makabuluhang kahulugan.


Katulad ng pagbasa, isa ring proseso ang kritikal na pagbasa dahil mabuting inuunawa sa ibig
sabihin ng binasang teksto.
Mga Kasanayan na Kailangan ng Mambabasa
1. Nakakilala ng mga salita(Word perception/recognition) – bukod sa natutukoy ng mambabasa ang
bawat titik na bumubuo ng salita,nabubuo at natutukoy rin niya ang kahulugan kapag pinagsama
ang mga titik upang ito ay maging isang makabuluhangsalita.
2. Nakauunawa sa tekstong binabasa(Comprehension) – Sa kakayahang ito, nangangahulugan na
nababasa at nauunawaan ng mambabasa ang mga nakalimbag na tekstong binabasa kahit mahirap
itong basahin.
3. Nakauunawa sa bawat salita ng teksto at may katatasan ditto(Fluency) – Sa kakayahang ito,
kakikitaang bihasa na ang mambabasa dhil bukod sa lubos niyang nakikilala ang mga salita,
mayroon na rin siyang ganap na pag -unawa sa bawat salita ng teksto.
4. Nabibigkas nang wasto ang mga titik na bumubuo sa salita (Decoding)- Naipapakita ng
mambabasa ang kaalaman sa tamang bigkas ng mga titik.
5. Nababatid ang kahulugan at gamit ng salita sa pangungusap o may kakayahang
bokabularyo(Vocabulary). Nakikilala ng mambabasa ang salita at natutukoy kung paano ito
bibigkasin. Nababatid din niya ang lahulugan at gamit ng bawat salita sa pangungusap.
6. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikan (Literary appreciation)- naipamamalas ng
mambabasa ang pag-unawa , pagkagiliw, at pagpapahalaga sa mga tradisyonal o makabagong
babasahin na maiuugnay sa mga napapanahong isyu.
Bakit tayo nagbabasa?
Ating alamin ang mga dahilan kung bakit tayo nagbabasa
1. Upang madagdagan ang kaalaman – Masasabi natin na ang isang tao ay edukado kapag
marunong siyang bumasa at sumulat.
2. Upang magingmatagumpay ang isinasagawang pananaliksik – nakakakuha tayo ng
impormasyon.
3. Upang mapukaw ang ating interes- Isang makabuluhang libangan ang pagbabasa sapagkat
bukod sa lumalawak ang ating kaalaman, nahasa rin nito ang ating pagkamalikhain.
4. Upang makakuha ng impormasyon – May mga aklat na nakapagbibigay ng inspirasyon kapag
nabasa na natin dahil nagbabahagi ang may -akda ng mga personal na karanasan o kwento na
kapupulutan ng aral.
MGA TEORYA NG PAGBASA
1. Teoryang Bottom- Up – Sa Teoryang ito nagaganap ang proseso ng pagbabasa kapag
sinusubukan ng mambabasa na maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng pagtingin
ng kahulugan ng salita or uri ng balarila ng isang payak nay unit ng teksto.
2. Teoryang Top-Down – nahihinuha ng mambabasa ang susunod na pangyayari gamit ang
kaligirang impormasyong alam niya.
3. TeoryangInteraktibo – ayon sa teoryang ito, mas mainam na pagsamahin ang mga teoryang
bottom-up at top-down upang lubusang maunawaan ang isang akda.
4. Teoryang Iskema - Sa teoryang ito, sinasabaing nakaayos ang ating kaalaman sa maliliit nay unit.
Tinatawag din itong Shemata ang mga nakaimbak na impormasyong ito na nagtataglay ng ating
mga natutuhang ideya.
PANUKATAN O DIMENSIYON NG PAGBASA
1. Unang Dimensiyon (pag-unawang Literal)- tinutukoy ng mambabasa ang mga ideya mula sa
impormasyong nabasa sa teksto sa pamamagitan ng literal at tuwirang gamit ng mga salita.
2. Ikalawang Dimensiyon(Interpretasyon)- Naibabatid ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-
akda at nakapagpapamalas siya ng pang-unawa sa mga impormasyong nakuha.
3. Ikatlong Dimensiyon(Mapanuri o Kritikal na Pagbasa) – Nakapagbibigay ang mambabasa ng
malalim at malawak na pagsusuri sa tekstong binasa kung saan natutukoy niya ang tiyak na
mensahe o aral na ipinararating ng may-akda.
4. Ikaapat na Dimensiyon(Paglalapat o Aplikasyon)- Naiuugnay ng mambabasa ang kaniyang
binasa sa mga impormasyong nuna nang natutunan o mula sa sariling karanasan.
5. Ikalimang Dimensiyon(Pagpapahalaga) – Naipapakita ng mambabasa ang impluwensiya ng
binasang akda sa kanyang damdamin.
Mga Uri o Estilo ng Pagbasa
1. Masaklaw na Pagbasa(Skimming)- Ito ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng
pagbabasa dahil nakatuon ang mambabasa sa pamagat o heading ng talata at simula lamang ng
pangungusap upang makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang nilalaman ng teksto.
2. Masusing Pagbasa (Scanning) – Ito ay isang masusuing pagtingin sa babasahing material.
3. Pagalugad na Pagbasa(Exploratory Reading) – Ginagawa ito kung ibig ng mambabasa na
malaman kung ano ang kabuuan ng isang babasahin.
4. Mapanuring Pagbasa(Analytical Reading) – Kapag nasa Filipin o Ingles ang isang babasahin,
sinusuring Mabuti ng mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanp ang
kabuluhan ng ipinapahiwatig na mensahe.
5. Kritikal na Pagbsa(Critical Reading)- masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at
saloobin ng teksto. Pinag-iisipan niyang Mabuti kung wasto nga ba ang impormasyon.
6. Malawak na Pagbasa(Extensive Reading)- Nagbabasa ng iba’t ibang akda ang mambabasa
bilang libangan at pampalipas ng oras.
7. Malalim ng Pagbasa(Intensive Reading) – Kailangan ng masinsinan at malalim na pagbasa kapag
nag-aaral o nagsasaliksik bilang paghahanda sap ag-uulat o pagbuo ng pamanahong papel upang
makakalap ng sapat at makabuluhang impormasyon.
8. Maunlad na Pagbasa(Developmental Reading)- Sumasailalim ang mambabasa sa iba’t ibang
antas ng pagbabasa upang kaniyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa
pagbasa.
9. Tahimik na Pagbasa(Silent Reading)- Ginagamit ng mambabasa ang kaniyang mga mata sa
pagbabasa. Habang nagbabasa, makikita na ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong binabasa
upang ganap itong maunawaan.
10. Malakas na Pagbasa(Oral Reading) – Sa bahaging ito, binibigkas ang teksto o kuwentong
binabasa sa paraang masining at may damdamin.
Mga Proseso ng Pagbasa
1. Persepsiyon o Pagkilala – Tumutukoy ito sa pagkilala sa mga simbolong nakasulat at sa
kakayahan na makilala ito ng mambabasa sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga tunog.
2. Komprehensiyon o Pang-unawa – Naipakikita nito na nauunawaan ng mambabasa ang nakasulat
na salita o simbolo batay sa mga nakalap na impormasyon.
3. Reaksiyon – Nakapagbibigay ang mambabasa ng puna, saloobin, pasiya, o hatol tungkol sa
akdang binasa kung ang nilalaman nito ay kakikitaan ng kahusayan, kawastuhan, at
kapakinabangan.
4. Asimilasyon o Integrasyon – Tumutukoy ito sa pagsasama, pagsasanib, at pag-uugnay ng
mambabasa ng kaniyang mga nakaraang karanasan gayundin ng mga bagong karanasan sa buhay.
PAGNILAYAN - A
1. Sa inyong palagay, mahalaga pa rin ba ang pagbasa gayong maaari naming makakuha ng
impormasyon sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon o paggamit ng Internet?
2. Ano ang pumupukaw sa iyong interes upang basahin ang isang aklat?
3. Sa anong pagkakataon nawawala ang iyong interes sa pagbabasa?
4. Paano mo hihikayatin ang iyong kaibigan na magtungo sa silid-aklatan at magbasa ng mga
librong matatagpuan doon?

You might also like