You are on page 1of 12

4 teorya ng pagbasa

a. Teoryang Bottom-Up

- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ngteoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa
kapaligiran sa paglinang ngkomprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye
ngnakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig angteoryang ito na ang
pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita,parirala, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong angpagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa
pagbasa. Angmambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangintungkulin niya
ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa.Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom),patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa
tagabasakundi sa teksto.

b. Teoryang Top-Down

- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahilnapatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa
ay hindi nagsisimula sa tekstokundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt
nananiniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa aynapakaaktib na partisipant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na datingkaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling
kakayahan sa wika na kanyangginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
Tinatawagdin ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan oimpormasyon ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil angmambabasa ay gumagamit nga kanyang
mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sakanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Bunga nito,nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga
ideyanginilalahad ng awtor ng isang teksto.

c. Teoryang Interaktib

- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa saikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-
down at maaaring akma lamang samga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop
daw angkombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ngkomprehensyon, itaas-
pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto aykumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mambabasa atmambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o
bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasabilang isang proseso
at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ngmetakognisyon na nahihinggil sa kamalayan
at kabatiran sa taglay na kaalaman at saangking kasanayan ng mambabasa.

d. Teoryang Iskima

- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng datingkaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang
paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagongimpormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Samakatuwid,bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya
sanilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang
Ang Proseso ng Pagbasa

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may apat
na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang Ama ng Pagbasa: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at
Semorlan, 2002).

Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa


teksto.

Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga
bagong karanasan sa tunay na buhay.

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at kailangang
malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong mambabasa kung
natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng
hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang
kahulugan ng binabasang teksto.

Mga Teorya sa Pagbasa

Ano ang teorya sa pagbasa?

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na
kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer
at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa sa proseso ng
pagbasa. May ibat ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang mga
paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-pababa (top-down),
(B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.
Teoryang Itaas Pababa (Top-Down)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating
kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na
nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga
palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing
game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing taya kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at
ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na
ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa
teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model (Goodman,
1985 at Smith 1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas Pababa:


Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

Teoryang Ibaba Pataas (Bottom Up)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba Pataas:

Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita,
pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-
uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos
maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula
raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang
mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo
Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa. Itoy nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman
niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell, Robert
Speaker (1985)

Teoryang Iskema (Schema)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman
(prior knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng
mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.
Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw
naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong
babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato,
kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan
ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa
sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na kinapapalooban ng
aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na mambabasa ay metakognitibo
kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa
pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa mambabasa
ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang
ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa mga proseso sa halip na sa mga
tiyak na estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa Kaalaman ng


mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon Kaalaman ng mambabasa sa
pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang sumusunod:
naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang aking binabasa?; ano
ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas
lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng
teksto?

Mga Kasanayan sa Pagbasa


Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B)
Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis

- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat

- Pagtingin sa higit na maraming salita

- Pagbasa nang higit na mabilis

- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

Kasanayan sa Pang-unawa

- Paglilinang ng talasalitaan

- Pag-unawa ng talata

- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag

- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri

- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang
bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay nakababasa ng
250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 600 salita bawat minuto. Ang
napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat
mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.

Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang
mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa
bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan
nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 90% na pag-unawa sa teksto at
90 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.

Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong
malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala
sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa
panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya ang bawat isay naglalahad ng ibat ibang suliranin. Bukod pa riyan,
ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-
aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa

Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting buuing konsepto ng isang tao;
ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.

Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang
bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na
naman sa ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa
susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na fixations.
Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng mata
nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng
mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw
ang mata, ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.

Sikolohiyang Pilipino - Malaki ang impluwensiya ng pantayong pananaw sa mga pansariling


pananaw ni Virgilo Enriquez sa sikolohiyang Pilipino. Ayon sa kanya, ang sikolohiyang Pilipino
ay mayroon dapat oryentasyong Pilipino na nagbibigay ng esensya o k a b u l u h a n
d i t o . T u l a d n g p a n t a y o n g p a n a n a w , a y o n s a sikolohiyang
Pilipino, nararapat tingnan ang mga bagay-bagay sa mga pananaw na may katutubong
Pilipino at malayo sa kaisipang pandayuhan. Isang halimbawa ang mga kaisipang kanluranin
na nagbabalat-kayo bilang kaisipang unibersal (dahil ang isang teoryang pang-agham gaya
ng sikolohiya ay dapat unibersal) ay d a p a t i s i w a l a t a t t a l k d a n u p a n g m a a b o t a n g
i s a n g p u r o n g sikolohiyang Pilipino na nagmula rin sa kaisipang Pilipino.
Ikapito, panghihikayat sa mga mag-aaral na may kakayahan ointeres sa mga paksang may kinalaman sa kamalayang
panlipunan nalumikha at magsulat ng

blog

sa

Internet

Mga Kongklusyon

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, inilalahad ng mgamananaliksik ang sumusunod na mga


kongklusyon:1. Lumabas sa isinagawang pag-aaral na nagtataglay ng

ibat ibang

saloobin, pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino, pakikipag-ugnayangpangmasa, pagkamakabansa at pamamahala


ang mga piling SONA ngmga naging pangulo at ng kasalukuyang pangulo ng bansa.2.

Gumamit ng ibat ibang pamamaraan sa paghahatid ng mensahe

ang mga pangulo sa kanilang pagtatalumpati. Silang lahat ay nagsilbi onaging huwaran ng isang mahusay na
mananalumpati.3. Ang mga paksang kadalasang binigyang diin sa SONA ng mgapangulo ay yaong mga usapin o
isyung may kinalaman sa ekonomiya,edukasyon, kalikasan, kalusugan, politika at seguridad.4. Ang ilan sa mga
paksang ipinahayag ng mga pangulo sa kani-kanilang SONA ay pawang may kaugnayan sa mga pansarili
nilangkaranasan na nagsilbing dahilan o inspirasyon upang mahalin nila angbansa at gampanan nang may buong
katapatan ang kanilang tungkulin.

176

5. Nakapagmungkahi ang mga mananaliksik ng pitong gawaingmakapupukaw sa kamalayang panlipunan ng mga


mag-aaral tungo sapagbabago ng bansa.

Mga Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, inilalahad ng mgamananaliksik ang sumusunod na mga


rekomendasyon:1. Patuloy na magsagawa ng pagsusuri o

analysis
ang susunod pangmga mananaliksik upang lalong pahalagahan, paunlarin at pagyamaninang ganitong uri ng pag-
aaral.2. Maglaan ng disiplina, tiyaga at buong pag-iingat ang sinumangnagbabalak magsuri ng anumang akdang
pampanitikan sapagkat hindimadali ang ganitong gawain.3. Magsagawa ang susunod na mga mananaliksik ng mga
kaugnay okaragdagang pagsusuri ng iba pang uri ng talumpati bukod sa SONA.4. Magsagawa ng pag-aaral na
magsusuri at maghahalintulad sa mganilalaman ng SONA sa mga kauri nitong talumpati sa ibang bansa gaya
ngTalumpati sa Kalagayan ng Unyon ng Estados Unidos at Talumpati mulasa Trono ng mga bansang
pinamamahalaan

ng monarkat parlamento.

5. Isagawa o gamitin ng mga guro yaong pitong iminumungkahinggawaing makapupukaw sa kamalayang


panlipunan ng mga mag-aaral.

177

6. Isama ang pagsusuri ng ibat ibang akdang pampanitikan sa

pansekundaryang kurikulum ng Agham Panlipunan upang magkaroon ngpaunang kaalaman at karanasan ang mga
mag-aaral hinggil sa ganitonguri ng pag-aaral na maaari nilang mapakinabangan sakaling magsuri silang mga
akdang pampanitikan sa antas tersyarya.7. Magsagawa ang susunod na mga mananaliksik ng katulad na pag-aaral sa
mga akdang pampanitikang hindi pa lubusang napag-aaralan tulad ng mga alamat, anekdota, artikulo, editoryal,
kuwentong bayan, mito,pabula at mga programang pantelebisyon.

47

edukasyon, ekonomiya, kalikasan, kalagayanag pampolitika at seguridadsa bansa.Kapwa pagsusuri ng mga akdang
nasusulat sa tuluyan at kapwa rinnasusulat sa wikang Filipino ang pag-aaral na isinagawa nina Corpus atang
kasalukuyang pag-aaral. Nakatuon ang nakaraang pag-aaral sapagtalakay sa mga katangian, larawan at pagkatao ng
mga babaengtauhan ng dalawang kathambuhay na isinulat ng dalawang babaengnobelista samantalang nakasentro
ang kasalukuyang pag-aaral sapagtalakay sa mga nilalaman ng limang talumpating binigkas ng lima sanaging
labinlimang pangulo ng ating bansa.May kaugnayan ang isinagawang pag-aaral nina Andal (2000) atang
kasalukuyang pag-aaral

sa isat isa

sapagkat itoy kapwa pagsusuri ng

mga akdang nasa anyong tuluyan. Nagkakaiba ang dalawa sapagkatnasusulat sa wikang Ingles ang nakaraang pag-
aaral na nagsuri ng animna sanaysay na isinulat ng mga Pilipino at dayuhang manunulatsamantalang nasusulat sa
wikang Filipino ang kasalukuyang pag-aaral nanagsuri ng limang talumpating binigkas ng mga naging pangulo at
ngkasalukuyang pangulo ng bansa. Inihambing ng nakaraang pag-aaral ang
mga nilalaman ng mga sanaysay sa isat isa samantalang inalam sa

kasalukuyang pag-aaral ang mga nilalaman ng mga talumpati tulad ng

48

mga saloobin, kahalagahan ng pagka-Pilipino, pakikipag-ugnayangpangmasa, pagkamakabansa at pamamahala ng


mga pangulo.Yaong pag-aaral na isinagawa nina Ilagan at Perez ay maypagkakahawig sa kasalukuyang pag-aaral
sapagkat

ang dalaway

kapwanasusulat sa wikang Filipino. Iyon nga lamang ay mga tula na nasusulat sasaknungan at taludturan ang sinuri
sa nakaraang pag-aaral samantalangmga talumpati na binibigkas sa karaniwang daloy ng pagpapahayag angsinuri sa
kasalukuyang pag-aaral. May sampung tula ang sinuri sanakaraang pag-aaral upang makapagrekomenda ng mga
estratehiyangmagagamit sa pagtuturo ng balarila samantalang limang talumpati angsinuri sa kasalukuyang pag-aaral
upang makapagmungkahi ng mgagawaing makapupukaw sa kamalayang panlipunan ng mga mag-
aaral.Nagkakatulad ang pag-aaral na isinagawa nina Cepillo at ngkasalukuyang pag-

aaral sapagkat itoy kapwa pagsusuri at nasusulat sa

wikang Filipino. Nagkakaiba ang dalawang pag-aaral sapagkat angnakaraan ay isang pangkababaihang pagsusuri ng
mga

situation comedy

sitcom

na nooy ipinapalabas sa telebisyon samantalang ang

kasalukuyan ay isang pagsusuri ng mga piling talumpating binigkas ngapat na sunod-sunod na naging pangulo at ng
kasalukuyang pangulo ngbansa. Sinuri ng nakaraang pag-aaral ang imahen at mga katangian ng

49

mga babaeng tauhan sa mga piling

sitcom

samantalang sinuri ngkasalukuyang pag-aaral yaong mga nilalaman ng mga piling talumpati.Malaki naman ang
pagkakatulad ng isinagawang pag-aaral ninaRemo at Villena sa kasalukuyang pag-aaral. Parehong nakatuon
angdalawang pag-aaral sa pagsusuri ng ilang piling Talumpati sa Kalagayanng Bansa o

State of the Nation Address


(SONA) na ipinahayag ng ilangnaging pangulo ng ating bansa. Yaong tatlong tig-iisang SONA nina
datingPangulong Joseph E. Estrada, Gloria M. Arroyo at kasalukuyangPangulong Benigno Simeon C. Aquino III
ang sinuri sa pag-aaral ninaRemo at Villena samantalang limang tig-iisang SONA ng mga pangulongnabanggit
dagdag pa ang kina dating Pangulong Corazon C. Aquino atFidel V. Ramos ang sinuri ng kasalukuyang mga
mananaliksik.Nagkakaiba ang dalawang pag-aaral sapagkat mas malawak ang nagingpagtalakay o pagsusuri ng mga
mananaliksik sa kasalukuyan na nakatuondin sa mga pamamaraang ginamit sa pagtatalumpati at sa kaugnayan
ngmga bagay na ipinahayag sa personal nilang buhay na wala sa mga sinuring mga nakaraang mananaliksik.

You might also like