Professional Documents
Culture Documents
Kahalagahan Ng
Pagbasa
• Ang PAGBASA ay ang pagkilala at pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag
upang mabigkas nang pasalita.
• Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa
pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.
• Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at
pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.
• Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan
na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat
(Bernales, et al., 2001)
• Ayon kay Goodman (sa Badayos,2000), ang
pagbasa ay isang psycholinguistic guessing
game.
• Ang PAGBASA ay ang pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita.
• Ito rin ay pag-unawa sa wika ng
awtor sa pamamagitan ng mga
nakasulat na simbulo.
• Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya
sa mga simbolong nakalimbag.
• Ang pagbasa’y isang bahagi ng
pakikipagtalastasan na kahanay
ng pakikinig, pagsasalita at
pagsulat (Bernales, et al., 2001)
•Ayon kay Goodman (sa
Badayos,2000), ang pagbasa
ay isang psycholinguistic
guessing game.
Proses0 at Katangian ng Pagbasa
Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al.,2001), may APAT
NA HAKBANG SA PAGBASA:
A. Persepsyon.
- ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na
simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga
simbulong nababasa.
B. Komprehensyon.
- pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang
pagpoprosesong ito ay nagaganap sa isipan. Ang pag-unawa
sa tekstong binabasa ay nagaganap sa hakbang na ito.
C. Reaksyon.
- sa hakbang na ito , hinahatulan o pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong
binasa.
D. Asimilasyon.
- sa hakbang na ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dating nang kaalaman at/ o karanasan.
a) Teoryang Bottom-Up
- ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa.
Bunga ito ng impluwensya ng teoryang behaviorist na
higit na nagbibigay-pokus sa kapaligiran sa paglinang
ng komprehensyon sa pagbasa.
- ang proseso ng pag-unawa, ayon sa prosesong ito, ay
nagsisimula sa teksto(bottom) patungo sa
mambabasa(up).
b) Teoryang Top-Down
- napatunayan ng maraming dalubhasa na ang
pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa
mkambabasa(up) tungo sa teksto(down).