You are on page 1of 9

Contemporary Issues and Trends in Language Teaching

Fil. 509

Unang Semestre

Taong Panuruan 2013-2014

ISANG NAPAPANAHONG PAPEL PARA SA

MGA ISYU SA PAGTUTURO NG WIKA

Tungo sa Istandardisasyon ng Sistema ng Pagsulat sa Filipino: Mga Tuntunin at Patnubay sa

Paggamit ng Walong Bagong Letra ng Alfabetong Filipino

Buod

Ang proyektong ito ay bahagi ng programa sa pagpaplano ng pambansang wika ng

Komisyon sa Wikang Filipino na sadyang may kinalaman sa istandardisasyon ng sistema ng

pagsulat sa Filipino, ang pambansang wika. Inaasahang ang final na awtput ng proyektong ito

ay isang set ng mga rekomendasyon at mga tuntunin sa ispeling na gagabay sa panghihiram ng

mga salita at pagsasalin sa nakasulat na wika. Nag-aambag ito, kung gayon, sa


istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng ating pambansang wika sa pamamagitan ng

pagpapayaman ng vokabularyo.

Kinikilalang mahalaga ang patuloy na pagreporma sa ispeling para paunlarin ang

sistema ng pagsulat upang matamo ang malawakang layunin ng istandardisasyon at

intelektuwalisasyon ng Filipino. Ito ay dahil sa may makapangyarihang impluwensya ang

paglilipat ng oral na wika patungo sa anyong nakasulat sa pagkakaroon ng uniformidad ng

wika. Sa mga panimulang yugto ng development at istandardisasyon ng wika, kailangang-

kailangan ang uniformidad o kodifikasyon. Dinidevelop ang mga norm o pamantayan sa iba’t

ibang lingguwistikong komponent, kaya napatatatag ang pagbigkas, vokabularyo at

panggramatikang istruktura ng wika.

Pagsusuri

Sa kasaysayan ng sibilisasyon, nadevelop ang ilang uri ng sistema ng pagsulat.

Halimbawa, ideografik ang sistema ng pagsulat ng mga Intsik, ibig sabihin, ang mga

karakter nito ay kumakatawan sa mga ideya o kahulugan. Sa kabilang banda, ang

ating sistema ng pagsulat na Latin ay binubuo ng mga alfabetong Romano na kumakatawan sa

mga tunog.

Ang isang efisyenteng sistema ng pagsulat ay kinabibilangan ng isang set ng mga

simbolo na tinatawag na alfabeto na kumakatawan sa mahahalagang tunog ng wika. Isang

huwaran kung ang bilang ng mga simbolo sa alfabeto ay kasindami ng mahahalagang yunit ng

tunog, na tinatawag na phonemes o fonema ng wika. Ang mga fonemang ito ay nagpapakilala

ng mas malalawak na pagkakaiba-iba ng mga tunog na may katapat na pagkakaiba-iba ng

kahulugan sa anumang wika. Halimbawa, ang fonemang /g/ ay iba sa fonemang /t/ kaya

magkaiba ang gulay, vegetable, satulay, bridge. Gayundin, pinag-iiba ng glottal stop /?/
na fonemiko sa Filipino ang /bata’/ na child, sa /bata/ na gown. Sa Ingles, ang pagbabago sa

mga fonema sa [van] ang naghuhudyat ng pagkakaiba ng kahulugan nito sa [pan] o [tan].

Kapag ang bilang ng mahahalagang yunit ng tunog ay tumutugma sa bilang ng mga

simbolo sa sistema ng pagsulat, madali ang pagdidisenyo ng alfabeto at napapadali rin ang

pagkatutong bumasa at sumulat.

Reaksyon

Ang aking reaksyon sa isyung ito ay lampas sa lingguwistikong salik, may iba pang salik

na isinasaalang-alang sa pagdidisenyo ng sistema ng ispeling. Ang isang pangwikang

komunidad ay hindi maaaring manatiling hiwalay sa iba pang lingguwistikong komunidad. Ang

mga panlipunang kontak at pagpapalitang pangkultura ay nagbibigay-daan sa mga

lingguwistikong inobasyon, natutulak ng pagbabago sa ispeling upang tumanggap ng mga

pagbabago sa nakasulat na anyo. Nakaiimpluwensiya rin ang sosyo-kultural, politikal, at

pedagohikong salik sa mga desisyong baguhin ang umiiral na sistema ng ispeling.

Analisis

Kailangang isaalang-alang ng isang mahusay na tagadisenyo ng alfabeto hindi lamang

ang fonolohiya ng wika kundi ang edukasyonal, sikolohiko, sosyal, politikal, at ekonomikong

konsiderasyon sa pagpili ng mga alternatibo para sa paninimbolo ng mga tunog ng wika.

Halimbawa, ang matinding hatak ng etnikong identidad ay maaaring maging batayan sa

pagtanggi sa mga alfabetikong simbolo na hinalaw mula sa Ingles at iba pang Kanluraning wika

o ang introduksiyon ng di-fonetikong letra ay maaaring tingnan bilang karagdagang pasanin sa

pagkatuto sa dapat sanang maayos at kasiya-siyang pagbasa at pagsulat. Sa kabilang banda,


maaari ring maging katanggap-tanggap ang mga alternatibong ito dahil sa mismong mga

sosyo-ekonomikong kadahilanan--ang pagtataguyod ng kinakailangang kontak sa mga nasyon

sa kanlurang bahagi ng daigdig.

Ipininamamalay ng lahat ng ito ang kahalagahan ng higit na pinag-isipang desisyon sa

implementasyon ng mga pagbabago sa ispeling, ito man ay sa pagdaragdag ng bagong

alfabetikong simbolo upang matamo ang fleksibilidad sa pagtanggap ng mga pagbabago

o lingguwistikong inobasyon o, sunod sa prinsipyo ng ekonomiya at simplisidad, panatilihin ang

isa sa isang tumbasan ng tunog at símbolo. Dapat katawanin ng isang efisyenteng sistema ng

pagsulat ang fonolohikal na sistema ng wika sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolong

umiiral na sa sistema ng pagsulat na napili para wa wika. Dagdag pa rito, ang isang

efisyenteng sistema ng pagsulat ay kailangang may kakayahang tumanggap ng mga

inobasyong nagaganap sa fonolohikal na sistema ng naturang wika.

Ang Sistema ng Pagsulat ng Filipino Laban sa Ingles

Buod

Bagaman tila magkataliwas, ang simplisidad at fleksibilidad ng sistema ng pagsulat ay

parehong magpapadali sa pagkatutong bumasa. Kung ibabatay sa mga prinsipyo ng

simplisidad at ekonomiya, ang isang huwarang sistema ay dapat na buuin ng sapat na

mga letrang tumutugma sa bilang ng fonemikong tunog ng wika. Pinadadali ng isa sa isang

tumbasan ng tunog at simbolo ang pagbabasa sa pamamagitan ng dekowding. Gayundin,

ang fleksibilidad sa panghihiram ng malawakang ginagamit na salitang Ingles na taglay ang


mga pamilyar na letra at patern ng ispeling ay nagpapadali rin sa pagbabasa dahil

napakikinabangan nito ang international recognizability ng mga hiram na salita at letrang

Ingles.

Batay sa pagtatamo ng isang efisyenteng sistema ng ispeling, ang kalakasan ng Filipino,

sa taglay nitong orihinal na fonemikong ispeling ay ang simplisidad nito gaya ng masasalamin

sa tuntuning "kung ano ang bigkas, siyang sulat." Ngunit sa mismong kalakasang ito ng isa sa

isang tumbasan ng tunog at simbolo makikita ang kahinaan nito dahil kulang ito sa fleksibilidad

upang umangkop sa pangwikang panghihiram at inobasyon.

Pagsusuri

Itinuturing na mahalagang hakbang ang pagpapatupad ng Kautusang Pangkagawarang

ito tungo sa pagsulong ng mas dinamikong development ng wika. Itinataguyod nito ang

leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita

at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles atKastila, gamit ang walong karagdagang letra ng

alfabeto, ang mga letrang C, F, J, Ñ,Q, V, X, Z.

Ngunit hindi ganap na naipatupad ang Kautusang Pangkagawaran. Pinuna na ang mga

tuntunin sa ispeling na ipinalabas ng Surian ng Wikang Pambansa ay napakahigpit at di-

makatotohanan dahil ang paggamit ng walong bagong letra ay nililimita lamang sa mga hiram

na salitang maibibilang sa alinman sa mga sumusunod na kategorya: pangngalang

pantangi, teknikal na terminolohiya at mga salitang may natatanging pangkulturang kahulugan.

Itinakda pa na kung ang mga hiram na salita ay nabibilang sa pang-araw-araw,

kumbersasyonal na varayti o ang tinatawag na “karaniwang salita ,” dapat gamitin

ang orihinal na 20-letrang ABAKADA.


Tinanggihan ang mga tuntuning ito dahil sinasabing binabalewala nito ang kalikasan ng

paggamit ng wika sa bilingguwal na konteksto sa Pilipinas kung saan malawakang ginagamit

ang Ingles bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng Pilipino. Dahil nagiging pangalawang

wika ang Ingles, ang karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika (code switching) at malayang

nanghihiram mulang Ingles patungong Filipino, gayundin ang kabaligtarang daloy nito, kapwa

sa pasulat o pasalitang wika anuman ang antas

ng formalidad ng situwasyon ng komunikasyon at ng katapat na varayti ng wikang ginagamit.

Nanghihiram ng mga salita mula sa ibang wika sa iba’t ibang dahilan tulad ng katiyakan,

prestihiyo, formalidad o rapport, at iba pang sosyolingguwistikongkadahilanan.

Reaksyon

Ang reaksyon ko sa kaso ng Ingles, sinasalamin ng iregularidad nito sa ispeling ang

kahinaan nito, kulang ito sa simplisidad. Ngunit ito rin and nagbibigay kalakasan dito, ang

fleksibilidadnito. Sa katunayan, ilan sa mga alfabetikong simbolo nito tulad ng C, X at Q ay hindi

kumakatawan ng anumang tunog sa sarili nito kundi nakakatunog ng ibang letra. Angletrang [c]

ay nakakatulad ng letrang [s] at [k] sa pagkatawan ng mga katapat na mga tunog nito. Ngunit,

ang malaking bilang ng mga salitang Ingles na may iregularna ispeling na maiuugat sa ibang

wika, tulad ng Pranses, Kastila, Amerikano, Indiyan, at iba pa, ay nagpapatunay sa kalakasan

nito, ang fleksibilidad ng wikang tumanggap ng mga panghihiram at inovasyon.

Ipinahihiwatig nito na ang pagpapapasok ng mga letrang Ingles sa alfabetong Filipino ay

magpapalakas sa fleksibilidad ngunit maaaring pahinain ang simplisidad nito.

Analisis

Sa kontekstong ito ng pagkakaiba ng Filipino at Ingles, sa pagbubuo ng mga tuntunin

sa ispeling na nauukol sa paggamit ng walong bagong letrang karamihan ay hiniram saIngles,


kailangang matamo ang pinag-isipang balanse upang hindi mawala angsimplisidad, at ang

kasama nitong pagkamabisa bilang kasangkapan sa pagbabasa, ngalfabetong Filipino,

samantalang natatamo rin ang fleksibilidad. Sa kasong ito, ang mga tuntunin sa ispeling ay

dapat na magkaroon ng mga mekanismo para kontrolin at bawasan ang di mapahihintulutang

fleksibilidad.

Pagpapalanong Pangwika Bilang Paglutas ng Suliraning may Kaugnayan sa Wika

Buod

Ang disiplina ng applied linguistics, kasama ang isyung ito ng pagdidisenyo ng alfabeto

ay kinasasangkutan, sa karamihan, ng paglutas sa mga problemang may kaugnayan sa wika.

Ang mga prinsipyo at tuntunin sa ispeling ay produkto ng pagbubuo ng desisyon na nag-

uugnay-ugnay ng mga kabatiran mula sa teoretikal nalingguwistikcs at konsidrasyong sosyo-

sayko at politikal.

Sentral na isyu sa makabagong pagpaplanong pangwika ang tunggalian sa pagitan ng

papel ng wika bilang simbolo ng nasyonal na identidad laban sa papel nito bilang instrumento

ng pagkakaunawaan ng mga nasyon at mga tao sa global na komunidad. Halimbawa, bilang

pananda ng identidad, binantayan ng mga naunang lider ng kilusan para sa pambansang wika

tulad ni Lope K. Santos ang wika laban sa pagpasok ng mga hiram na salita sa sistemang

leksikal ng Filipino. Lumikha siya ng mga katutubong salita, kaya lumitaw ang ABAKADA, sa

halip na alfabeto, balarila sa halip nagramatika, panitikan sa halip na literatura. Ipinakikita nito

na lahat ng usaping may kaugnayan sa wika tulad ng pagreforma sa ispeling ay may kaakibat

na matinding emosyonal at afectivong dimensiyon.


Mula sa mga aral na matututunan sa mga karanasan ng ibang bansang may

napagtagumpayan na sa pagpaplanong pangwika, ang proseso ay dapat na isang

kolaboratibong pagpupunyagi ng mga iskolar, linggwistika at praktisyoner sa pag-aaral at

paggamit ng wika.

Pagsusuri

Ang pagpaplanong pangwika ay isang bagong nadedevelop na larangan ng

sosyolingguwistiks na umusbong pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahong

ito, kinilala ng bagong layang mga bansa ang pangangailangang itakwil ang wika ng kanilang

mananakop bilang lingua franca at sa halip ay bumuo ng sarili nilang pambansang wika.

Inaasahang ang katutubong wikang ito ay magpapamalay ng diwa ng pagkabansa, magiging

daan sa pagtatamo ng pambansang pagkakaisa, at magiging instrumento upang magkaroon

ng identidad ang mga Pilipino sa komunidadng mga nasyon sa buong mundo. Habang may

kagyat ng pangangailangang matamo ang mga layunin ng pambansang kaunlaran, kinilala ring

ang ganap na develop na wika ay isa sa pinakamabibisang yamang pantao na magagamit para

matamo ang mga layuning ito.

Reaksyon

Ang reaksyon ko ukol sa isyung ito ay kinikilalang nakapagpapalito ang kakulangan ng

isang sistema ng istandardisadong ispeling sa karamihan ng gumagamit ng Filipino

sa proseso ng pagsulat at pagbasa ng wika. Kapansin-pansin ito kapag nahaharap ang

mambabasa sa maraming spelling variants o pagkakaiba-iba ng ispeling sa mga pahina ng

pahayagan, aklat at iba pang limbag na materyal, gayundin sa mga manuskritong isinulat ng

mga awtor, guro atestudyante sa kanilang pang-araw-araw na gamit at pag-aaral ng wika

sa klasrum.
May seryong implikasyon ang kakulangan ng isang istandardisadong sistema ng

pagsulat sa pagpapabagal ng isang napakahalagang proseso sa pagpaplano ng wika—ang

paglilipat ng wika sa nakasulat nitong anyo. Pinigil nito ang development ng nakasulat na akda

at panitikang Filipino na sumasalamin sa kultura at mga tradisyonng bayan, at siyang

nagpapahayag ng pinakadakila nating kaisipan at mithiin. Bukod sa paglilimita sa orihinal na

malikhaing akda sa Filipino, nalimitahan din ang pagsasalin ng mga pandaigdigang klasiko.

Natural na pinabagal nito ang uniformidad na nagpapadali sa pagkakaunawaan.

Analisis

Ang implementasyon ng proyektong ito ay bahagi ng kasalukuyang programa sa

pagpaplanong pangwika ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang opisyal na institusyong

pangpagpaplanong pangwika sa Pilipinas. Kinasasangkutan ang programang ito ng tuwirang

intervensiyon sa halip na hintayin ang natural na pagbabago ng wika upang mapadali

ang development ng wika sa pamamagitan ng pananaliksik, publikasyon, promosyon at

diseminasyon ng mga planong may kaugnayan sa istandardisasyon atmodernisasyon ng

Filipino.

You might also like