You are on page 1of 17

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong

kabisaan at katapatan ang mga kasanayan at kabatirang nais sukatin,

kailangan ag maayos at mabuting pagpaplano, masusing paghahanda.

Sa aking isinagawang pagsusulit ay syempre gumamit ako ng

talahanayan ng ispesipikasyon bilang patnubay hinggil sa kung ilang aytem

ang buuuin ko para sa bawat kasanayang aking susukatin.

Ayon sa Indise ng kahirapan, ang pagsusuri na aking ginawa ay

dalawapu’t anim na bahagdan o labintatlo ang dami ng aytem na nabibilang

sa Napakagaan kung Indise ng Kahirapan ang pag-uuspan. Ibig sabihin

medyo may kahirapan ang aking ginawang pagsusulit para sa Ika-apat na

Taon. Labing-apat na bahagdan ang magaan o may pitong dami ng aytem,

apatnapong bahagdan naman ang kanais-nais na may dalawampong dami ng

aytem, labingwalong bahagdan ang mahirap na may siyam na dami ng

aytem at dalawang bahagdan naman ang napakahirap na may isa lamang

dami ng aytem.

Kung Indise ng Diskriminasyon naman ang bibigyan ng tuon,

dalawampu’t walong bahagdan ang napakagaling na may labing-apat na

dami ng aytem, anim na bahagdan ang magaling ngunit maaaring pabutihin

na may tatlong dami ng aytem, labindalawang bahagdan ang kailangang


baguhin na may anim na dami ng aytem, at limampu’t apat na bahagdan ang

dapat alisin/palitan na may dalawampu’t pitong dami ng aytem.

Halos lahat naman ng distraktor ay nabibilang sa katamtaman na may

limampung bahagdan, tatlumpu’t walong bahagdan ang mahina at walong

bahagdan ang mahusay na distraktor.

Sa pagwawakas, ang pagsusulit na ito ay nagbigay ng maraming

bagong kaalaman sa akin. Sa pamamagitan nito ay nasubok ang kakayahan

ko sa paggawa ng mabuting pagsusulit at aking natuklasan na marami pala

ang mga dapat kung isaalang-alang at mga dapat sundin na tuntunin sa

paggawa ng isang mabuti at balidong pagsusulit. Marami nga akong mga

kamalian pero sa mga kamaliang ito, dito ako mas nagkaroon ng maraming

kaalaman at sinisigurado kung sa susunod na taon ay makakagawa na ako ng

mabuti at mapanaligang pagsusulit. Mabibigyan ko na rin ng hustisya ang

pagsusulit na aking gagawin sa susunod at mabibigyan ng karampatang

ebalwasyon ang aking mga mag-aaral.


Mahalagang magkaroon ng kabatiran ang isang guro na ang mga para-

paraan ng paghahanda ng pagsusulit ay mahirap gawin lalo pa at kung hindi

alam ng guro ang mga simulain sa pagbuo nito.

Bago magsimula ng pagbuo ng pagsusulit, tiyakin muna kung ano ang

layunin ng pagsusulit o ang tungkuling nais nitong gampanan. May

pagsusulit na naglalayong tuklasin ang kahusayan o kahinaan ng mag-aaral

sa partikular na aralin o asignaturang kinukuha. May pagsusulit na

naglalayong tiyakin ang kahandaan ng mag-aaral sa kukuning kurso. Kaya

iba-iba ang uri ng pagsusulit.

Ayon kay Badayos (2008) ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit

ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng

isang pagtuturuan. Ito ay maaaring pormal kung itinatakda at may proctor

na mamamahala sa pagsusulit. Subalit ang pormal na pagsusulit ay isa

lamang sa maraming paraan sa pagsukat ng natutuhan ay isang walang-tigil

na proseso at ito’y maaaring maganap anumang oras. Kung ang guro’y

nakikinig habang nagbabasa ang mga mag-aaral, kung inoobserbahan niya

ang mga mag-aaral sa kanilang pangkatang gawain at kung binabasa at

minamarkahan niya ang mga produkto sa pagsulat ng buong klase,


nagsasagawa siya ng isang paghuhusga o pagtataya. Ang gawaing ito’y

maituturing na mga impormal na paraan ng pagsukat sa natutuhan.

Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga

impormasyong magagamit niya sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos

ng isang yugto ng pagtuturo. Ang mga impormasyong makukuha ay

magbibigay ng ilang kabatiran hinggil sa kagalingan ng isang pagtuturo-

pagkatuto sa loob ng klasrum.

Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto.

Kaya’t nararapat lamang na ang bawat guro ay hindi lamang dapat magaling

sa pagtuturo kundi marunong din siyang maghanda ng mga pagsusulit.


Ang pagsusulit na ito ay angkop sa Ika-apat na Taon. Saklaw nito ang

lahat ng aralin sa Ika-apat na Markahan Basic Education Curriculum. Ang

pokus ng bawat aralin ay mapahalagahan, maunawaan ng lubusan at

magamit ang bawat natutunan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Mayroon itoong sampung aytem tungkol sa kahulugan ng mga

matalinhagang salita. Ito ay dalawampung bahagdan ng kabuuang

pagsusulit. Isang aytem sa uri ng tayutay na ginagamit na may dalawang

bahagdan lamang sa kabuuan ng pagsusulit. Pitong aytem naman sa salitang

maiuugnay sa pangunahing salita na may pitong bahagdan sa kabuuan.

Dalawampu’t –isang aytem sa mga pahayag na nagpapakita ng damdamin ng

karakter ng tauhan at may apatnapu’t dalawang bahagdan sa kabuuang

bilang ng pagsusulit. Walong aytem para sa mga tauhan batay sa kanyang

paniniwala na may labing-anim na bahagdan sa kabuuang ppagsusulit.

Dalawang aytem naman sa teorya/paniniwala sa mga pahayag na may apat

na bahagdan sa kabuuan ng bilang ng pagsusulit. At isang aytem para sa uri

ng tugma na makikita sa tula na may dalawang bahagdan lamang.

Ang pagsusulit na ito ay pinasagutan ko sa mga mag-aaral sa Ika-apat

na Taon sa dalawang pangkat o seksyon. Sila ay binigyan ng karampatang

oras upang sagutin ang mga katanungan.


Ayon sa pagsusuri ng bawat aytem ng aking isinagawang pagsusulit

para sa Ika-apat na Taon, dalawapu’t anim na bahagdan o labintatlo ang

dami ng aytem na nabibilang sa Napakagaan kung Indise ng Kahirapan ang

pag-uuspan. Ibig sabihin medyo may kahirapan ang aking ginawang

pagsusulit para sa Ika-apat na Taon. Labing-apat na bahagdan ang magaan o

may pitong dami ng aytem, apatnapong bahagdan naman ang kanais-nais na

may dalawampong dami ng aytem, labingwalong bahagdan ang mahirap na

may siyam na dami ng aytem at dalawang bahagdan naman ang

napakahirap na may isa lamang dami ng aytem.

Kung Indise ng Diskriminasyon naman ang bibigyan ng tuon,

dalawampu’t walong bahagdan ang napakagaling na may labing-apat na

dami ng aytem, anim na bahagdan ang magaling ngunit maaaring pabutihin

na may tatlong dami ng aytem, labindalawang bahagdan ang kailangang

baguhin na may anim na dami ng aytem, at limampu’t apat na bahagdan ang

dapat alisin/palitan na may dalawampu’t pitong dami ng aytem.

Halos lahat naman ng distraktor ay nabibilang sa katamtaman na may

limampung bahagdan, tatlumpu’t walong bahagdan ang mahina at walong

bahagdan ang mahusay na distraktor.


39. Ang tekstong “Ang Tundo Man ay may Langit Din” ay napapabilang sa teoryang. . .

HG LG

a. Realismo 2 2
b. Romantisismo 5 3
c. Eksistensyalismo 3 7
d. Feminismo 2 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 33% Mahirap
ID – 0.16 Alisin/Palitan
KD
A – 0.16 Katamtaman
C – 0.41 Mahusay
D – 0.08 Katamtaman

40. Anong uri ng tugma ang makikita sa tula?

HG LG
a. a,a,a,a 12 11
b. a,a,b,b 0 1
c. a,b,a,b 0 0
d. a,b,b,a 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 95% Napakagaan
ID – 0.08 Alisin/Palitan
KD
A – 0.04 Katamtaman
C – 0.0 Mahina
D – 0.0 Mahina
33. “Hindi pa ganap na nasasanayan ni Leni na makasaksi sa huling sandal ng isang
yumao, sa mga sandal ng pakikipagtunggali sa kamatayan.” Ang pahayag na ito ay
nangangahulugang . . .

HG LG
a. mahina ang loob 8 4
b. may lakas ng loob 0 2
c. maraming hirap na dinaranas sa buhay 4 5
d. simple lamang ang kanyang buhay 0 1

Kinalabasan Kahulugan
IK – 37% Mahirap
ID – -0.08 Alisin/Palitan
KD
A – 0.0 5 Mahusay
B – 0.08 Katamtaman
D – 0.04 Kaatamtaman

34. Anong teorya ang nangingibabaw sa teksto?

HG LG
a. Romantisismo 0 1
b. Realismo 12 9
c. Feminismo 0 0
d. Eksistensyalismo 0 2

Kinalabasan Kahulugan
IK – 83% Napakagaan
ID – 0.16 Alisin/Palitan
KD
A – 0.0 4 Katamtaman
C – 0.0 Mahina
D – 0.08 Kaatamtaman

35. Anong larawan ng buhay ang ipinakikita sa teksto?

HG LG
a. kamangmangan 6 3
b. karukhaan 6 2
c. katamaran 0 4
d. kabiguan 0 3

Kinalabasan Kahulugan
IK – 37% Mahirap
ID – 0.25 Kailangang baguhin
KD
B – 0.33 Mahusay
C – 0.16 Katamtaman
D – 0.12 Kaatamtaman
30. Ang tayutay na may salungguhit ay . . .

HG LG
a. Personipikasyon 0 4
b. Metapor 1 4
c. Simile 11 4
d. Pagpapalit-saklaw 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 62% Kanais-nais
ID – 0.58 Napakagaling
KD
A – 0.16 Katamtaman
B – 0.20 Katamtaman
D – 0.0 Mahina

31. Anong damdamin ang bumabalot sa katauhan ni Leni.

HG LG
a. nandidire 0 0
b. naduduwag 0 1
c. natatakot 12 9
d. nasasaktan 0 2

Kinalabasan Kahulugan
IK – 87% Napakagaan
ID – 0.25 Kailangang baguhin
KD
A – 0.0 Mahina
B – 0.04 Katamtaman
D – 0.08 Kaatamtaman

32. Ang salitang pakikipagtunggali sa teksto ay nangangahulugang

HG LG
a. pagtakas 0 2
b. pakikipag-unahan 0 3
c. pag-iiwas 0 2
d. pakikipaglaban 12 5

Kinalabasan Kahulugan
IK – 70% Kanais-nais
ID – 0.58 Napakagaling
KD
A – 0.0 8 Katamtaman
B – 0.12 Katamtaman
C – 0.08 Kaatamtaman
27. ”Siya ang halos walang kinikita dahil abunado lagi sa klase. Trabahong alipin ang ginagawa.
Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka makapagreklamo dahil ikaw ang pumili ng
karerang yan.” Ano ang damdaming napapaloob sa pahayag ng ina?

HG LG
a. nainis sa napiling karera ng anak 10 7
b. naghahanap ang ina sa kita ng anak 0 2
c. kuntento sa kinikita ng anak 0 0
d. naawa sa kalagayan ng anak 2 5

Kinalabasan Kahulugan
IK – 70% Kanais-nais
ID – 0.25 Kailangang baguhin
KD
B – 0.0 8 Katamtaman
C – 0.0 Mahina
D – 0.20 Katamtaman

28. Anong ugali ni Aling Rosa ang nangingibabaw sa teksto?

HG LG
a. ambisyoso sa buhay 2 1
b. matapobre at mapang-api sa kapwa 0 2
c. pihikan sa mapapangasawa ng anak 3 4
d. nahuhumaling sa materyal na bagay 7 5

Kinalabasan Kahulugan
IK – 50% Kanais-nais
ID – 0.16 Alisin/Palitan
KD
A – 0.12 Katamtaman
B – 0.08 Katamtaman
C – 0.29 Mahusay

29. Ang pahayag na hindi ko maaring sundin ang … ay nagpapahiwatig na si Amelita ay;

HG LG
a. sadyang suwail na anak 0 2
b. bugnutin at medaling mainis 0 0
c. may panindigan sa buhay 12 10
d. nananadya ay iniinis ang ina 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 91% Napakagaan
ID – 0.16 Alisin/Palitan
KD
A – 0.08 Katamtaman
B – 0.0 Mahina
D – 0.0 Mahina
24. “Ang umilag sa bala sa ningas nasugba.” Ano ang nais ipabatid ng pahayag na ito?

HG LG
a. lalong napahamak 6 1
b. napunta sa liwanag 0 0
c. naligtas sa kapahamakan 0 1
d. umiwas sa kapahamakan 6 10

Kinalabasan Kahulugan
IK – 29% Mahirap
ID – 0.41 Napakagaling
KD
B – 0.0 Mahina
C – 0.04 Katamtaman
D – 0.66 Mahusay

25. Ang reaksiyon ni Amelita ay nagpapakita na . . .

HG LG
a. sang-ayon siya sa sinabi ng ina 0 0
b. nagulat siya sa sinabi ng ina 3 5
c. tutol siya sa sinabi ng ina 9 5
d. wala siyang pakialam sa sinabi ng ina 0 2

Kinalabasan Kahulugan
IK – 58% Kanais-nais
ID – 0.33 Magaling ngunit maaaring
KD pabutihin
A – 0.0 Mahina
B – 0.33 Mahusay
D – 0.08 Katamtaman

26. “May paraan pa para makalayo ka sa ganyang buhay kung mapapangasawa mo si


Osmundo”. Ang pahayag na ito ay nagsasaad na ang buhay ni Osmundo ay . . .

HG LG
a. mahirap din tulad niya 0 0
b. masipag at responsableng tao 0 2
c. maayos ang kabuhayan at may 12 6
matatag na trabaho
d. marami siyang perang naimpok sa bangko 0 4

Kinalabasan Kahulugan
IK – 75% Magaan
ID – 0.5 Napakagaling
KD
A – 0.0 Mahina
B – 0.08 Katamtaman
D – 0.16 Katamtaman
21. Saan nagsitungo ang mga Perokaril?

HG LG
a. Maynila at Dagupan 9 9
b. Baguio 1 2
c. Cebu at Davao 2 1
d. Iloilo 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 75% Magaan
ID – 0.0 Alisin/Palitan
KD
B – 0.12 Katamtaman
C – 0.12 Katamtaman
D – 0.0 Mahina

22. Kaninong watawat napasuko ang mga Pilipino?

HG LG
a. sa Amerikan 8 5
b. sa Afrika 1 0
c. sa Intsik 2 5
d. sa Alemanya 1 2

Kinalabasan Kahulugan
IK – 54% Kanais-nais
ID – 0.25 Kailangang baguhin
KD
B – 0.04 Katamtaman
C – 0.29 Mahusay
D – 0.12 Katamtaman

23. “Hindi na nahabag sa akin ang kanyang ama at sa palagay ko ay wala akong pag-
asa”. Ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap na ito?

HG LG
a. hindi natuwa 7 4
b. hindi nagsisi 0 2
c. hindi nagayak 2 5
d. hindi naawa 3 1

Kinalabasan Kahulugan
IK – 16% Mahirap
ID – 0.16 Alisin/Palitan
KD
A – 0.45 Mahusay
B – 0.08 Katamtaman
C – 0.29 Mahusay
15. Batay sa pahayag na mula sa akdang Pinaglahuan, ano ang kalagayan ng panahon
nang maganap ang pag-uusap nina Luis at Danding?

HG LG
a. malamig at tag-yelo 0 1
b. nangangalat at tag-ulan 12 11
c. mainit at tag-araw 0 0
d. papalubog na ang haring araw 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 95% Napakagaan
ID – 0.08 Alisin/Palitan
KD
A – 0.04 Katamtaman
C – 0.0 Mahina
D – 0.0 Mahina

16. Bakit mapalad ang pangunahing tauhan sa nabanggit na akda?

HG LG
a. may nagpapaaral sa kanya 0 0
b. may nagmamahal sa kanya 3 6
c. nararanasan niyang magmahal 1 3
d. naranasan niyang magmahal at mahalin 8 3

Kinalabasan Kahulugan
IK – 45% Kanais-nais
ID – 0.41 Napakagaling
KD
A – 0.0 Mahina
B – 0.37 Mahusay
C – 0.016 Katamtaman

17. Para akong magnanakaw na di makalantad sa marami, patago kung makasilay sa maligaya
mong mukha, paumit kung iyong makaharap”. Ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap na ito?
HG LG
a. Wala silang kalayaang mag-ibigan 3 5
b. Lantad sa marami ang kanilang pag-iibigan 1 2
c. Puno ng paghihinanakit ang kanyang 1 2
panambitang wika
d. Ang kanilang pag-iibigan ay sinawing palad 7 3
dahil ito ay di maaring ilantad

Kinalabasan Kahulugan
IK – 41% Kanais-nais
ID – 0.33 Magaling ngunit maaaring
KD pabutihin
A – 0.33 Mahusay
B – 0.12 Katamtaman
C – 0.12 Katamtaman
12. Ano ang nagtulak sa anak upang magsumikap sa buhay?

HG LG
a. pagnanais na makaganti 0 0
b. pagkatakot sa ama 1 2
c. paghangad na guminhawa sa buhay 11 10
d. pagkagalit sa kasama na ama 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 87% Napakagaan
ID – 0.08 Alisin/Palitan
KD
A – 0.00 Mahina
B – 0.12 Katamtaman
D – 0.0 Mahina

13. Batay sa pahayag sa itaas, anong kaisipan o mensahe ang nais ipaabot ng may-akda
sa bumabasa?

HG LG
a. Kapag may hirap may ginhawa 7 5
b. Ang panahon ay ginto 3 2
c. Ang umuurong ay di nagwawagi 1 1
d. Kung saan nadapa ay doon bumangon 1 4

Kinalabasan Kahulugan
IK – 50% Kanais-nais
ID – 0.16 Alisin/Palitan
KD
B – 0.20 Katamtaman
C – 0.08 Katamtaman
D – 0.20 Katamtaman

14. Ano ang damdaming ipinapahayag sa pangungusap?

HG LG
a. nagyayabang 1 2
b. nahihiya sa kanyang sitwasyon 0 4
c. nang-iinsulto 0 0
d. ipinagmamalaki ang natutunan sa buhay 11 6

Kinalabasan Kahulugan
IK – 66% Kanais-nais
ID – 0.41 Napakagaling
KD
A – 0.12 Katamtaman
B – 0.16 Katamtaman
C – 0.0 Mahina
6. Anong ibig sabihin ng alingasngas sa talata?

HG LG
a. Katatawanan 1 0
b. Kaguluhan 9 9
c. Pinagtitinginan 1 1
d. Biruan 1 2

Kinalabasan Kahulugan
IK – 75% Magaan
ID – 0 Alisin/Palitan
KD
A – 0.04 Katamtaman
C – 0.08 Katamtaman
D – 0.12 Katamtaman

7. Bukod sa paghihiganti ano pa ang ibang ibig sabihin ng benggansa?

HG LG
a. pagpatay 3 8
b. pagtugon sa galit ng kapwa galit 7 2
c. pagtanaw ng utang na loob 2 2
d. paglugso ng puri 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 37% Mahirap
ID – 0.75 Napakagaling
KD
A – 0.45 Katamtaman
C – 0.16 Katamtaman
D – 0.0 Mahina

8. Anong uri ng kwento ang kababasang teksto?

HG LG
a. kwentong pangkapaligiran 1 1
b. kwentong pangkatauhan 7 8
c. kwento ng katutubong kulay 2 2
d. kwentong makabanghay 2 1

Kinalabasan Kahulugan
IK – 62% Kanais-nais
ID – -0.08 Alisin/Palitan
KD
A – 0.08 Katamtaman
C – 0.16 Katamtaman
D – 0.12 Katamtaman
4. Halos malaglag ang mata niya sa hindi inaasahang nakitang aksidente sa daan.

HG LG

a. napakurap 0 0

b. napaluha 2 6

c. napatitig 10 5

d. napapikit 0 1

Kinalabasan Kahulugan
IK – 62% Kanais-nais
ID – 0.41 Napakagaling
KD
A–0 Mahina
B – 0.33 Mahusay
D – 0.04 Katamtaman

5. Dumating nang humahangos ang taong pinag-uusapan nila at hinabol ang kanyang
paghinga.

HG LG

a. nagmamadali 12 11
b. mabagal 0 1
c. masaya 0 0
d. magalang 0 0
Kinalabasan Kahulugan
IK – 95% Napakagaan
ID – 0.08 Alisin/Palitan
KD
B – 0.04 Katamtaman
C–0 Mahina
D–0 Mahina

6. Masakit para sa isang tao ang limurain sa harap ng marami.

HG LG

a. hiyain 12 11

b. paasahin 0 1

c. purihin 0 0

d. patuluyin 0 0

Kinalabasan Kahulugan
IK – 95% Napakagaan
ID – 0.08 Alisin/Palitan
KD
B – 0.04 Katamtaman
C–0 Mahina
D–0 Mahina

You might also like