You are on page 1of 6

TABLE OF SPECIFICATIONS

Q4 ESP 7

ITEM PLACEMENT NO. OF


ITEM ITEMS
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE PLACE
MENT REMEMBER/ UNDERSTAND/ APPLY/ ANALYZE/ EVALUATE/ CREATE/

KNOWLEDGE COMPREHENSION APPLICATION ANALYSIS SYNTHESIZE EVALUATION

NaipaliLiwanag ang
kahalagahan ng EsP7P
makabuluhang B-IVc- 1-12 2,10 1,4,5,11 3 6,7,8,12 9 12
pagpapasiya sa uri ng 14.1
buhay
Nasusuri ang ginawang
Personal na
Pahayag ng Misyon sa
EsP7P
Buhay kung
B-IVc- 13-24 18,20 13,14,15,16,17, 22,23 19,24 12
ito ay may
14.2
pagsasaalang-alang sa
tama at matuwid na
pagpapasiya
Nahihinuha na ang
pagbuo ng
Personal na Pahayag
ng Misyon sa
Buhay ay gabay sa
EsP7P 25,28,29,30,31,
tamang
B-IVd- 25-37 26,27,34 13
pagpapasiya upang 32,33,35,36,37
14.3
magkaroon ng
tamang direksyon sa
buhay at
matupad ang mga
pangarap
Naisasagawa ang
pagbuo ng
Personal na Pahayag EsP7P
ng Misyon sa B-IVd- 38 38,39 40 3
Buhay batay sa mga 14.4
hakbang sa
mabuting pagpapasiya
Q4 PERIODIC TEST IN ESP 7

Pangalan: ________________________________________Baitang at Pangkat: _________________Iskor: _________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga na magkaroon ng mabuti at tamang pagpapasiya sa buhay? Ito ay upang _________.
A. hindi makasakit ng kapwa
B. makilala mo kung sino ang tunay mong mga kaibigan
C. sa huli ay makatanggap ng pabuya
D. maging gabay sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao

2. Sa anumang proseso ng pagpapasiya ito ang kadalasan at una nating hinihingi upang makagawa ng tama at mabuting
pagpapasiya sa anumang bagay na inaasahan sa atin.
A. Himala B. Pangarap C. Panahon D. Mithiin

3. Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng mabuting pagpapasiya.


I. Mangalap ng mga kaalaman
II. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
III. Magnilay sa mismong aksiyon IV. Pag-aralan muli ang pasiyang ginawa
V. Tayain ang sariling damdamin sa isasagawang pasiya

A. I, III, II, V, IV B. III, IV, I, IV, V C. I, III, V, IV, II D. III, II, I, V, IV

4. Nakita ni Ethel ang isang grupo na nangunguha ng mga endangered species na pitcher plant. Pinaalalahanan niya ang
mga ito na labag sa batas ang kanilang ginagawa subalit hindi sila nakinig. Kung kaya’t tumawag agad siya sa kanilang
kapitan upang iuulat ang sitwasyon. Anong instrumento sa mabuting pagpapasiya ang ginamit ni Ethel sa ginawang
pasiya?

A. Pangarap at Mithiin B. Isip at damdamin C. kasanayan at Kalooban D. Pag-ibig at Pagkukusa

5. Ayon sa ginawang pasiya ni Ethel, ano ang naging gampanin ng kanyang isip?
A. Pagtatakda ng gampanin batay sa sitwasyon
B. Pags-unawa ng sitwasyon upang maging batayan sa pagpili
C. Pagpapahalaga sa magiging resulta
D. Pagdamdam ng napiling pasiya

6. Habang kayo ay kumukuha ng pagsusulit sa asignaturang EsP, bumulong sayo ang iyong kaklase at humingi ng pabor
na pakopyahin siya ng mga sagot mo. Anong mabuting pagapapsya ang gagawin mo?
A. Pagbibigyan mong makita ang iyong mga sagot
B. Magpapanggap kang hindi mo siya narinig
C. Hihingi ka ng pasensya at tatangihan mo siya
D. Sasabihin ang mga maling sagot sa kanya upang bumagsak

7. Pangarap ni Demar maging isang licensed engineer. Nakapasa siya sa entrance exam sa unibersidad. Kinausap siya ng
guidance counselor upang alamin kung anong field ng engineering ang kukunin niya. Matapos magpasiya ni Demar ay
may agam-agam pa din siya. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Sundin ang gusto ng mga kaibigan
B. Kumuha ulit ng panibagong pagsusulit sa ibang kurso
C. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
D. Kausapin ang guidance counselor na siya na ang magpasiya

8. Para kay Mahatma Gandhi, ang panalangin ay isang aliyansa sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito?
A. Ang relihiyon ang tanging makapagliligtas sa tao.
B. Dapat ay magsimba lagi tuwing araw ng Linggo.
C. Ang panalangin lamang ang tanging sagot sa lahat ng katanungan sa buhay.
D. Ang panalangin ang daan upang maiparating sa iyong pinaniniwalaang Diyos ang mga kahilingan.

9. Bilang isang indibidwal, ano ang dapat mong taglayin upang harapin ang mga isyung panlipunan sa susukat sa iyong
moral na paninidigan? Kailangan mo ang sapat na kaalaman at kakayahan tungkol sa _______________.
A. pagsasagawa ng moral na pagapapasiya C. patakaran sa paaralan at tahanan
B. pagbibinata at pagdadalaga D. pagkakaiba ng pangarap at mithiin

10.Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na depinisyon ng mabuting pagpapasiya?


A. Ito ay pagpapasiya na ayon sa impluwensya ng iba.
B. Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
C. Ito ay resulta ng pagpili ng kilos o aksyon ng isang indibidwal sa isang sitwasyon.
D. Ito ay mahalagang proseso sa ating pagpili dahil sa pagsasagawa nito, hindi maiiwasan na tayo ay
magdalawang isip sa ating gagawing pasiya.

11. Ang sumusunod ay mga paglalarawan kung ano ang Mabuting Pagpapasiya sa Buhay maliban sa:
A. Ito ay nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
B. Ito ay nagpapahayag ng iyong mga kahilingan sa buhay.
C. Ito ay isang personal o pansariling motto o kredo.
D. Ito ay parang balangkas ng iyong buhay.

12. Si Elianna ay nasa ika-sampung baitang sa haiskul. Magpahanggang ngayon ay wala pa rin syang ideya kung anong
pangarap meron siya at kung anong track ang kukunin niya sa Senior High School. Ano ang maipapayo mo sa kanya
upang siya ay magabayan sa kaniyang pagpapasiya?
A. Sundin ang nais ng mga magulang para sa kaniya.
B. Hahayaan na lamang ang tadhana kung anong klaseng buhay ang magkaroon siya.
C. Payuhan siya na magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay dahil ito ay isang mabuting gabay sa
pagpapasiya.
D. Magtanong sa mga kaklase kung anong pangarap meron ang mga ito at iyon na lamang din ang kaniyang
magiging pangarap para sa sarili.

13. Mahalaga ang pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay upang ___________.
A. mapanatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay
B. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay
C. maging gabay sa ating mga pagpapasiya
D. lahat ng nabanggit

14. Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong malalim na
ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy
B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa buhay.
C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay ng matagal.
D. Wala sa nabanggit.

Para sa bilang 15-17, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa ibaba.

15. Ano ang pangarap ni Kaye Yra?


Ang aking Pahayag ng A. Architect B. Doctor C. Nurse D. Maging isang
Personal na Misyon sa matagumpay na mag-aaral.
Buhay
Bilang isang mag- 16. Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay?
aaral na may pangarap na A. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya at lipunan.
maging isang matagumpay
na Architect ay gagawa ako
B. Maging isang modelo sa kabataan.
ng paraan upang maitawid C. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan.
ang pinapangarap sa buhay D. Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa.
maging sa pagtulong sa
pamilya at sa lipunan. Ako’y
magiging masipag at
magiging isang modelo sa
17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pamamaraan ni Kaye Yra upang matupad ang kaniyang misyon sa buhay?
A. Patibayin ang pananampalataya sa Diyos. C. Gumawa ng mabuti sa kapwa.
B. Mag-aral nang mabuti. D. Maging aktibo sa mga gawain sa paaralan at patimpalak.

18. Ano ang ibig sabihin ng personal na pahayag ng misyon sa buhay o personal mission statement?
A. Mithiin na nais marating.
B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.

19. Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago o mapalitan. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan
B. Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
C. Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin.
D. Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin.

20. Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa buhay MALIBAN sa:
A. Mangolekta ng mga kasabihan.
B. Gamitin ang paraang tinatawag na “brain dump”.
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
D. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.

21. Si Paul ay nagnanais na maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin upang
maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?
A. Kumuha ng maraming kurso C. Sumali sa patimpalak sa debate ng barangay.
B. Magsimba tuwing Linggo. D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa bar exam.

22.Ano ang benepisyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?
A. Yayaman ang pamilya.
B. Maging sikat sa kanilang lugar.
C. Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang karapatan.
D. Makapagtayo ng negosyo.

23. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip, “sa mga mahalagang pagpapasiyang
ginagawa. Ibig sabihin nito;
A. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
B. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
C. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon

24. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kanilang kumpanya, pinili pa rin
nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa kanya.
A. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.
B. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
C. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
D. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.

25. Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon?
A. sa nais na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit.
B. sa sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa.
C. sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan
D. sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao

26. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatakda at pagsasagawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Nagkakaroon ng pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.
B. Nahuhubog ang pagiging mapanagutan sa pagkamit ng mithiin para sa sarili, pamilya at kapwa, kabutihang
panlahat at pag-iral nito sa mundo.
C. Nakapag-iisip ng paraan upang maging mas kilala sa inyong lugar.
D. Nakapipili ng makakasama sa pagkamit ng misyon.

27. Sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay kailangan isaalangalang ang kraytiryang SMART-A. Ang ibig
sabihin nito ay
A. Specific, Measurable, Activities, Relevant, Time-bound, Action taken
B. Specific, Materials, Achievable, Related, Time-bound, Action-oriented
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action-oriented
D. Specific, Mandate, Attainable, Resources, Time-bound, Action-oriented

28. Bakit dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon.
B. Ito ang magbibigay sayo ng seguridad, gabay, karunungan, at kapangyarihan upang isakatuparan ang misyon.
C. Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa buhay.
D. Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar.

29. Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
A. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
B. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagapahayag na ating pagka-bukod tangi.
C. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit.

Nais kong
maging isang magaling 30. Ang nasa itaas ba na halimbawa ng misyon sa buhay ay masasabing
na inhinyero, mabuting actionoriented?
anak, magaaral, at A. Oo, dahil gumamit ito ng pangkasalukuyang kilos tulad ng mag-aaral, susunod,
magsasaliksik, at makikiisa.
kasapi ng pamayanan.
B. Hindi, dahil hindi kayang abutin ito at hindi sapat ang oras sa pagtupad nito.
Mag-aaral ako ng
C. Oo, dahil madali lamang gawin ang mga ito sa loob ng isang taon.
mabuti upang matupad
D. Hindi, dahil walang nakasaad na takdang oras o panahon sa pagsasagawa nito.
ko ito, makatulog sa
aking mga magulang at
31. Alin sa mga sumusunod na pamantayan ng pahayag ng personal na misyon sa
sa lipunan. Susunod
buhay ang kinakailangan upang
ako sa mga patakaran magkaroon ng mas malinaw na pagtatakda ng kung ano ang mga mithiin at nais
ng paaralan upang marating sa buhay?
maging isang modelo A. Tiyak (Specific) C. Naabot (Attainable)
sa aking kapwa mag- B. Nasusukat (Measurable) D. May takdang panahon (Time-Bound)
aaral. Magsasaliksik at
mag-aaral nang mabuti
“(1)
upangMagsasaliksik
matutuo ng
at
mga bagongngkaalaman
makakuha mataas
araw-araw sa 32. Ang halimbawa na pahayag ng personal na misyon sa buhay ay may takdang
na marka. Makikiisa sa panahon ng pagkakamit nito. Bakit
aignaturang
mga EsP sa
gawain at kailangan na may nakatakdang panahon sa pagkamit nito?
mga
programa ng barangay A. Dahil ito ang magsasabi sayo kung ang iyong pahayag ng personal na misyon
mapagkakatiwalaang
at susunod sa mga sa buhay ay natupad.
aklat at ng
alituntunin website. (2)
barangay. B. Dahil kagustuhan mo lang ilagay sa iyong ginawang misyon sa buhay.
Makikipagtulungan sa
C. Dahil ito ang nakasaad sa ginawang pahayag ng personal na misyon ng iyong
kasamang guro upang
mga kaibigan.
maging madali ang
D. Dahil ito ang sinabi sa iyo ng iyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
pagkatuto at
pagsasagawa ng 33. Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiyang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng
gawain. (3) Mag-aaral personal na misyon sa buhay?
ng master’s degree A. Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa.
tuwing araw ng lingo B. Upang maging malinaw at tiyak sa iyong tatahakin na buhay.
upang madagdagan C. Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao.
ang kaalaman sa loob D. Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong buhay.
ng 3 taon.”
34. Ito ay katangian ng kraytiryang SMART-A na tumukoy sa pagiging makabuluhan ng pahayag ng personal na misyon sa
buhay na may pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
A. Tiyak (specific) C. May takdang panahon (time-bound)
B. Angkop (relevant) D. Nasusukat (measurable)

35. Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon?
A. sa nais na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit.
B. sa sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa.
C. sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan
D. sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao

36. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatakda at pagsasagawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Nagkakaroon ng pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.
B. Nahuhubog ang pagiging mapanagutan sa pagkamit ng mithiin para sa sarili, pamilya at kapwa kabutihang
panlahat at pag-iral nito sa mundo.
C. Nakapag-iisip ng paraan upang maging mas kilala sa inyong lugar.
D. Nakapipili ng makakasama sa pagkamit ng misyon.

37. Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiyang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa.
B. Upang maging malinaw at tiyak sa iyong tatahakin na buhay.
C. Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao.
D. Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong buhay.

38. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya maliban sa:
A. magkalap ng kaalaman
B. tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
C. magnilay sa mismong aksiyon
D. pagsasawalang bahala sa lahat

39. Ito ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso sa pagpapasya


A. panahon B.pera C. materyal na bagay D. karangyaan

40. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpasiya
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa

ANSWER KEY
1. D 26. B
2. C 27. C
3. A 28. B
4. B 29. D
5. B 30. A
6. C 31. A
7. C 32. A
8. D 33. B
9. A 34. B
10. D 35. A
11. B 36. B
12. C 37. B

You might also like