You are on page 1of 4

27.Alin sa sumusunod ang ibig sabihin ng PMS?

a. Person with Many Statement c. People under Mission Statement


b. Personal Mission Statement d. Person with Mission Story

28. Ang personal na pahayag ng misyon sa buhay o personal mission statement ay


A. Mithiin na nais marating.
B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.

29.Ano ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang
plano ng Diyos para sa atin?
a. personal na interes
b. payo mula sa kapwa
c. interes ng mga kaibigan
d. wala sa mga nabanggit

30.Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa buhay MALIBAN sa:
A. Mangolekta ng mga kasabihan
B. Gamitin ang paraang tinatawag na “brain dump”
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
D. Hayaan na ang mga kaibigan na lamang ang magpasiya ng magiging layunin sa buhay.

Para sa bilang 31-33, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa susunod na pahina.

Ang aking Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay


Bilang isang mag-aaral na may pangarap na maging isang matagumpay na Architect ay gagawa ako ng
paraan upang maitawid ang pinapangarap sa buhay maging sa pagtulong sa pamilya at sa lipunan. Ako’y
magiging masipag at magiging isang modelo sa mga kabataan. Hinding hindi kakalimutan ang Diyos. Sa
pamamagitan ng pagpapatibay sa pananampalataya, ihahayag ko ang mga salita ng Diyos. Isasapuso ko
ang lahat ng mga aral na aking natutuhan. Maging sa mga gawain ay kailangang may puso at pinag-
iisipan. Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasagawa ng kabutihan sa kapwa at higit sa lahat, ang gabay ng
Diyos ay isa sa mga hakbang upang maging matagumpay at umunlad ang buhay sa balang araw.
-Misyon sa Buhay ni Kaye Yra A. Espinosa
https://www.coursehero.com/file/15220770/Pagsasabuhay/

31.Ano ang pangarap ni Kaye Yra?


A. Architect B. Doktor C. Nurse D. Guro

32. Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay?


A. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya at lipunan.
B. Maging isang maka Diyos na tao.
C. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan.
D. Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa.

33.Alin sa mga sumusunod ang HINDI pamamaraan ni Kaye Yra upang matupad ang kaniyang misyon sa buhay?
A. Patibayin ang pananampalataya sa Diyos
B. Mag-aral nang mabuti.
C. Gumawa ng mabuti sa kapwa.
D. Maging aktibo sa pagsali sa mga patimpalak.
34.Ano ang benepisyong makukuha ni Ana at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?
A. Yayaman ang pamilya.
B. Maging sikat sa kanilang lugar.
C. Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang karapatan.
D. Makakapagtayo siya ng bahay.

35.Ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay ay mahalaga upang _____.


A. mapanatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay.
B. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
C. maging gabay sa ating mga pagpapasiya.
D. lahat ng nabanggit.

36.Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong
malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa buhay.
C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal.
D. Ito ay magsisilbing ilaw sa kanyak pagtahak sa hinaharap.

37.Ano ang benepisyong makukuha ni John at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado? A.
Yayaman ang pamilya.
B. Maging sikat sa kanilang lugar.
C. Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang karapatan.
D. Makakapagtayo siya ng negosyo.

38.Si Andrew ay nagnanais na maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin
upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay? A. Kumuha ng maraming kurso
B. Magsimba tuwing Linggo.
C. Sumali sa patimpalak sa debate ng barangay.
D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa bar exam.

39.Sa pagbuo ng personal mission statement, isaalang-alang ang pamantayang SMART A. Ano ang ibig ng letrang S
sa acronym na SMART A?
a. Statement b. Safe c. Specific d. Silent

40. Ano ang ibig ng letrang R sa acronym na SMART A?


a. Right b. Relevant c. Reasonable d. Readable

41. Ano ang ibig ng letrang M sa acronym na SMART A?


a. Measurable b. Manageable c. Many d. Mayber

42.Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay tiyak at malinaw na naiisa-isa ang mga nais at mga hakbangin upang
makamit ito.
a.Nasusukat (Measurable) c.Tiyak (Specific)
b.Naaabot (Attainable). d.May takdang panahon (Time-Bound)

43.Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan nag iyong isinulat.
a.Nasusukat (Measurable) c.Tiyak (Specific)
b.Naaabot (Attainable). d.May takdang panahon (Time-Bound)

44.Bakit dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon.
B. Ito ang magbibigay sayo ng seguridad, gabay, karunungan, at kapangyarihan upang isakatuparan ang misyon.
C. Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa buhay.
D. Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar.
45.Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon? A. sa nais
na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit.
B. sa sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa.
C. sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan
D. sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao

46.Alin sa mga sumusunod na pamantayan ng pahayag ng personal na misyon sa buhay ang kinakailangan upang
magkaroon ng mas malinaw na pagtatakda ng kung ano ang mga mithiin at nais marating sa buhay?
A. Tiyak (Specific)
B. Nasusukat (Measurable)
C. Naabot (Attainable)
D. May takdang panahon (Time-Bound)

47. Mithiin ni Angel na matapos ang kursong nursing pagdating ng kanyang ika-dalawampu’t tatlong na gulang
A. Tiyak (Specific)
B. Nasusukat (Measurable)
C. Naabot (Attainable)
D. May takdang panahon (Time-Bound)

Para sa bilang 48-49, basahin ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay sa susunod na pahina.

Nais kong maging isang magaling na inhinyero, mabuting anak, mag-aaral, at kasapi ng
pamayanan. Mag-aaral ako ng mabuti upang matupad ko ito, makatulog sa aking mga
magulang at sa lipunan. Susunod ako sa mga patakaran ng paaralan upang maging
isang modelo sa aking kapwa mag-aaral. Magsasaliksik at mag-aaral nang mabuti upang
matutuo at makakuha ng mataas na marka. Makikiisa sa mga gawain at programa ng
barangay at susunod sa mga alituntunin ng barangay.

48. Masasabing ang iyong binasa ba ay halimbawa ng misyon sa buhay ay masasabing action-oriented?
A. Oo, dahil gumamit ito ng pangkasalukuyang kilos tulad ng mag-aaral, susunod, magsasaliksik, at makikiisa.
B. Hindi, dahil hindi sapat ang oras sa pagtupad nito.
C. Oo, dahil madali lamang gawin ang mga ito sa loob ng isang taon.
D. Hindi, dahil hindi ito konektado sa hilig gawin ng sumulat.

49. Ang nais ng sumulat na maging isang inhinyero ay isang halimbawa ng


A. Tiyak (specific)
B. Angkop (relevant)
C. May takdang panahon (time-bound)
D. Nasusukat (measurable)

50.Si Anabelle ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon?
A. sa nais na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit.
B. sa pagiging mayaman at makapangyarihan sa buhay.
C. sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan
D. sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao

You might also like