You are on page 1of 2

Pangalawang Lagumang Pagsusulit

Ikaapat na Markahan
ESP 9

Pangalan: Petsa:
Baitang at Pangkat:

TEST 1. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem, at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng PPMB?


a. Ito ay batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.
b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.
2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring magbago o palitan.
a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkakaroon ng problema kung ito ay babaguhin
pa.
3. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon b. Bokasyon c. Tamang Direksiyon d.Propesyon
4. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a. Bokasyon b. Misyon c. Tamang Direksiyon d. Propesyon
5. Saan dapat makakabuti ang isasagawang pagpapasiya?
a. Sarili, simbahan, at lipunan
b. Kapuwa, lipunan at paaralan
c. Paaralan, kapuwa, at lipunan
d. Sarili, kapuwa, at lipunan
6. Bakit mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang mga layunin sa buhay ng tao?
a. Dahil anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap
b. Upang makatipid sa gastusin
c. Dahil gabay ito para kapagtapos ka
d. Upang hindi agad makapag-asawa ng maaga
7. Bakit hindi madali ang paggawa ng PPMB?
a. Nangangailagan ito ng sapat na pera para puhunan.
b. Kailangan ito ng malawak na kaalaman.
c. Nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.
d. Kailangan ito ng gabay
8. Sino ang nagsabi ng “Begin with the end in mind.”
a. Sean Covey c. Stephenson Covey
b. Stephen Covey d. Shawn Covey
9. Ayon kay Covey, ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nararapat na iuugnay sa pa-uugali
at paniniwala sa buhay.
a. Tama, dahil ang PPMB ay para sa ikauunlad mo.
b. Tama, dahil magkakapera ka sa pamamagitan nito.
c. Mali, dahil dapat ito ay naaayon sa kapasidad ng magulang mo.
d. Mali, dahil kailangan mo ng opinyon ng mga guro at kaibigan mo sa paggawa nito.
10. Mula sa misyon ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon na galing sa salitang Latin na
a. Habere b. Pathos c. vocatio d. Logos
11. Ano ang ibig sabihin ng salitang propesyon?
a. Ito ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o
matagal ng ginagawa at nagging eksperto na siya dito.
b. Ito ay pagiging tamad mo sa kahit na anong pagkakataon.
c. Tawag sa mga taong nakapagtapos ng pag-aaral.
d. Mga taong may paninidigan.
12. Ano ang ibig sabihin ng salitang bokasyon?
a. Ito ay panahon na kung saan ang mga estudyante ay nagbabakasyon.
b. Katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas kawili-wili ang paggawa para sa tao.
c. Pinagkukunan ng lakas ng loob
d. Ito ang bumubuhay sa tao.
13. Sa paggawa ng PPMB, may kraytiryang dapat na isaalang-alang upang maging kongkreto ang iyong tatahakin sa
buhay. Tukuyin kung anong kraytirya ang nabanggit sa pangungusap sa ibaba.
“ Kailangan mong siguraduhin ang iyong gagawin.”
a. Tiyak b. Nasusukat c. Naabot d. Angkop
14. Tanungin sa sarili: Makatotohanan ba ang aking PPMB? Kayak ko bang abutin o gawin ito. Mapanghamon ba ito?
a. Tiyak b. Nasusukat c. Naabot d. Angkop
15. Kailangan na magtakda ka ng panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong isinulat.
b. Tiyak b. Nasusukat c. Naabot d. Angkop

Test 2. Ibigay ang ibig sabihin ng salitang SMART.


16. S
17. M
18. A
19. R
20. T

You might also like