You are on page 1of 24

Lagumang pagsusulit

1. Maganda ang pagkagawa ng mga bag na yari sa tetra pack


ng juice ng pamilya nina Maine. Mabenta ang mga ito lalo na
yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa
kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
b. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
c. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang
pamumuhay
d. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin
ng lipunan
2. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa
kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita
nito?
a.Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b.May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral
na kulang ng timbang.
c. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke
upang makauwi ito ng maaga.
d. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang health protocols
tulad ng pagsusuot ng face mask.
3. Ano ang ipinahiwatig ng mga salita na mula sa saknong ng isang
tula
“Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay,
Araw-araw ay paggawang tila din walang humpay;
datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay
tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay”
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ang dapat na maging marangal.
c. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
d. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag
4. Hindi natapos ni Rose ang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.
Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa online selling na
kanyang negosyo at pinaunlad. Naging madali ito para sa
kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang
katangian ang mayroon si Rose?
a.Masipag, madiskarte at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili.
d. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa
sarili, kapwa at bansa
5. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan
upang maging mahusay MALIBAN sa:
a. Mag-ingat sa Pagsasalita.
b. Ang kakayahan ay mula sa Diyos.
c. Pagtuunan ang iyong pag-unlad.
d. Gayahin ang mga taong mahuhusay na.
6. Si Leo ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil
nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga
gawain na kailangang isumite na nakalagay sa
modyul. Alin sa mga sumusunod ang mabisang
paraan na gagamitin niya sa pagkakataong ito?
a. Bumuo ng iskedyul
b. Magtakda ng tunguhin
c. Gumawa ng prayoritisasyon
d. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
7. Ang paggamit ng social networking site,nakipagchat o
panay ang tingin mo sa facebook o nawawala ang iyong tuon
sa mismong trabaho, anong pag-aaksaya ng oras ito?
a.Pagpapaliban ng gawain
b. Paggamit ng walang katuturan ng dahil sa mga “distraction”
c. Tinatamad o hindi alam kung paano isagawa ang isang
gawain
d. Inaantala ang paggawa ng bagay na puwede namang gawin
agad-agad
8. Ang kagalingan sa paggawa ay
naisasabuhay MALIBAN SA;
a. Pagtataglay ng positibong kakayahan
b. Pagmamadali sa paggawa ng produkto
c. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
d. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
9. Ang mga sumusunod ay mabisang pagsasanay sa
pagiging makatarungan maliban sa:
a. Patupad sa mga pangako at mga komitment sa buhay.
b. Pag-unawa sa kamag-aral na hindi pa nagpapabakuna.
c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago
matulog sa gabi
d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para
sa kapwa araw-araw
10. Ano ang pangunahing prinsipyo ng
katarungan?
a.Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
b.Paggalang sa karapatan ng bawat isa
c.Tutulong ang mga mayayaman sa mga
mahihirap
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang
tao
11.Isa kang makatarungang tao kung
ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa
batas at karapatan ng kapuwa.Ito ay ayon kay
a.Santo Tomas de Aquino
b. Manuel Dy
c. Andre Comte-Sponville
d. Santo Papa Juan Pablo II
12. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi
ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal. Sa pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod ng tao ang Likas na Batas
Moral. Ito ay ayon kay:
a. Carl Jung
b. Dr. Manuel B. Dy Jr.
c. Santo Tomas de Aquino
d. Andre Comte-Sponville
13. Ano itong tumutukoy sa pagsisikap
na gawin o tapusin ang isang gawin
nang walang pagmamadali at buong
pagpapaubaya?
a.Kasipagan b. Tiyaga
c.Masigasig d. Malikhain
14. Ang mga sumusunod ay mahalagang basehan sa
kagalingan ng paggawa ng isang produkto o gawain
MALIBAN SA:
a.Kagalingan ng produkto at gawain ay sa ikabubuti ng lahat
b. Magaling ang produkto o ang gawain kung ito ay bago sa
tao
c. Damdaming makaramdam ng pagod at pagkabagot sa
anomang gawain
d. Kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal
Punan ng tamang sagot ang patlang sa
pagtakda ng tunguhin. (SMART)
15. TIYAK____________
16. TIME-BOUND ____________________
17. NASUSUKAT ______________________
18. REALISTIC ___________________
19. ATTAINABLE ______________
20. Ano ang tawag sa pagbubuhos ng
tao ng kanyang buong kakayahan sa
paggawa o pagtatrabaho upang
mararamdaman niya ang kasiyahan
(satisfaction) sa kanyang ginagawa?
a. Pagsisipag b. Pagtitiyaga
c. Pagkamasigasig d. Disiplina sa sarili
21. Si Arnel ay sadyang masipag. Hindi lamang niya
ginagawa ang isang trabaho na basta matapos
lamang kundi sinisigurado niyang may kalidad ito.
Ano kaya ang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni
Arnel?
a. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
b. Hindi umiiwas sa anumang gawain
c. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
d. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
22. Ano ang pumipigil sa tao
para magtagumpay?
a.Katamaran b. Kasinungalingan
c. Kayabangan d. Kabagalan
23.Ano itong pagtitiyaga na maaabot o
makukuha ang mithiin o layunin sa
buhay na may kalakip na pagtitiyaga,
pagtitiis, at determinasyon?
a. Kasipagan c. Katatagan
b. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
24. Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng
sarili. Nangangailangan ito ng panloob na
kalayaan mula sa pagkiling sa sariling
interes. Ito ang sinabi ni:
a. Santo Tomas de Aquinas
b. Dr. Manuel Dy Jr.
c. Andre Comte-Spoonville
d. Francisco Colayco
25. Alin sa mga kadahilanan ang nakapag-
aksaya ng oras o panahon?
a. Pagplano ng gawain
b. Magtakda ng araw kung kailan tapusin
ang gawain
c. Tukuyin ang pangangailangan
d. Pagpapabukas ng gawain
Isulat ang letrang T kung Tama at M kung mali
ang bawat pangungusap na ipinahayag.
26. Unahin ang pinakamadali o pinakamabilis na Gawain
upang maramdaman mo ang tuwa na may natapos ka at
magkaroon ng positibong disposisyon sa kasunod na
gawain.
27. Ipagsawalang bahala ang pagpabukas bukas ng
gawain basta maka sumite lng ng proyekto sa guro.
28. Gamitin ang load sa cellphone sa mga larong online
at sa mga di importanteng bagay.
29.Matutong maglakad lalo na kung malapit
lang ang paroroonan. Maganda itong
ehersisyo at natitipid mo pa ang pamasahe
na gagamitin mo.
30.Hilingin sa kasama mo sa paggawa na
ipaalaala sa iyo kung ginagawa mo na ba ang
bagay na sinabi mong gawin,. Ito ay isang
positibong paggamit ng “peer pressure”.

You might also like