You are on page 1of 2

I. Pagpipili.

1. Ito ay ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya.


a. Kalayaan b. katarungan c. kabaitan d. kasiyahan
2. Ang pagiging makatarungang tao ay ipinapakita sa mga sumusunod maliban sa isa:
a. Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan sa kapwa.
b. Isinasaalang-alang ang pagiging patas sa lahat ng tao.
c. Sinasalungat ang iyong mismong sarili.
d. Iniisip ang sarili muna bago ang iba.
3. Saan unang nagsisimula ang Katarungan?
a. Sa klase b. pamayanan c. pamilya d. simbahan
4. Ang mga sumusunod ay mga aspekto sa pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
isa:
a. Ginagabayan ng pamilya upang maiwasan ang hindi makatarungang Gawain
b. Pinapaunawa ang ibig sabihin ng pagiging magalang sa kapwa.
c. Nililinaw ang pagiging magkaiba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang tao.
d. Hindi itinuturo ang pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili.
5. Ito ang batayan ng legal na kaayusan .
a. Batas b. tradisyon c. kasanayan d. moral na kaayusan
6. Ito ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
a. Katarungang panlipunan b. batas c. tradisyon d. pamahalaan
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugnay na pagpapahalaga ng katarungang panlipunan?
a. Dignidad ng tao
b. Katotohanan
c. Pagmamahal
d. Pagkakaisa at kapayapaan
e. Wala sa nabanggit
8. Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung taglayin ang mga sumusunod na katangian
maliban sa :
a. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
b. Pagtataglay ng positibong kakayahan
c. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
d. Nag-aaksaya ng panahon sa paggawa
9. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawain o tapusin ang isang gawain ng buong pusoat may
malinaw na layunin sa paggawa.
a. Kasipagan b. Tiyaga c. masigasig d. malikhain
10. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya o
pangongopya ng gawa ng iba.
a. Kasipagan b. tiyaga c. malikhain d. displina sa sarili
11. Ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.
a. Kasipagan b. tiyaga c. malikhain d. masigasig
12. Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang
upang maisagawa ang mga proyektong napili at mga posibleng kahaharaping problema at
solusyon sa mga ito.
a. Pagkatuto habang ginagawa
b. Pagkatuto pagkatapos gawain ang isang gawain
c. Pagkatuto bago ang paggawa
d. Wala sa nabanggit
13. Ito ang tumtulong sa tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao.
a. Pagkamasigasig b. kasipagan c. katiyagaan d. kabutihan
14. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
a. Mapabibilis ang paggawa
b. Magakakaroon ng sense of achievement
c. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa
d. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
15. Si Allen ay nagsisikap na gawing “on time” ang Filipino time” . Alin sa sumusunod niyang
ginagawa ang nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay
b. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito
c. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang lingo bago ang trimestral na pagtatasa

II. Pagpapaliwanag

1. Ipaliwanag: ‘Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa Tao”.


2. Bakit mahalaga ang pagtatakda ng tunguhin sa paggawa at ano ang mabisang paraan sa
pagbuo nito?
3. Bakit maituturing na isang kabayanihan ang pagsisimula ng gawain sa tamang oras?
4. Paano mapagtagumpayan ang pagpabukas-bukas? Magbigay ng halimbawa.
5. Ano ang maitutulong ng prayoritisasyon sa iyong paggawa? Ipaliwanag.

You might also like