You are on page 1of 2

BONIFACIO D. BOREBOR SR.

HIGH SCHOOL
TAWOG, CARAMOAN, CAMARINES SUR

2nd PERIODICAL EXAM


Filipino- 9

NAME:_____________________________ DATE:__________________
GRADE & SECTION:___________________

I. Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot .
1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan. Inilalarawan
din ang kaniyang pakikipagsapalarang pinagdaanan at binibigyang diin ang katangiang supernatural ng
tauhan.Nagtataglay siya ng pambihirang lakas hindi kapani- paniwala.
A. elehiya B. epiko C. awit D. tanaga
2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay
ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A. pabula B. parabula C. anekdota D. talambuhay
3. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan,maraming tunggalian, at masalimuot ang
mga pangyayari.
A. sanaysay B. maikling kuwento C. nobela D. dula
4. “Nagtanong ang pulis kung sino ang kumakatok at sinabi ng babae na iyon ang kanyang asawa.”Alin ang pandiwang
ginamit na nasa aspektong imperpektibo?
A. nagtanong B. kumakatok C. sinabi D. ginamit
5. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.
A. pandamdamin B. pasalaysay C. tulang dula D. patnigan
6. “ Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___.
A. nakikiusap B. nagmamakaawa C. nag-uutos D. nagpapaunawa
7. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa
iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay
nangangahulugang ________.
A. Natatakot B. Mahal ang kanyang asawa C. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto D. Naniniwala sa milagro
8. Ang pahayag na, “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang ________.
A. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis. B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan ayon sa
napag-usapan. C. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis. D. mahalaga ang oras sa paggawa.
9. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ito ay isang _______.
A. pangangatuwiran B. pangangaral C. pagpapayo D. pagdadahilan
10. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kaniyang ina.
Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang B. Habang may buhay, magpakasaya ka C. Alam ng
magulang kung anong makabubuti sa anak D. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
11. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa
mga huling dumating na isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
A. tatanggapin ang ibinigay na upa B. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa C. hindi pakikinggan
ang reklamo ng ibang kasama D. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
12. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang?
A. magiging sikat sa pamayanan B. bibigyan ng medalya ng pagkilala C. mapapaabuti ang buhay D. hindi
masasangkot sa anumang kapahamakan
13. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. huwag pakialaman ang buhay ng iba B. huwag magtitiwala sa iba C. huwag sasama sa hindi kauri D. iwasan ang
pakikipagkaibigan
14. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.” Ang unang linya ng tula ay
nagpapahiwatig ng____
A. pag-iisa B. paglubog ng araw C. pagpanaw ng isang tao D. panibagong araw na darating
15. “Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo ang kaniyang napangasawa.Dahilan ito upang siya ay
malungkot. Umibig siya sa isang guwapong lalaking mas bata sa kaniya.” Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng sinopsis
ng nobela. Maaari itong:
A. simula C. kakalasan B. gitna D. wakas
16. “Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng bahay na
tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.” Ang pahayag sa itaas
ay bahagi ng _____ng isang kuwento.
A. simula C. gitna B. wakas D. tunggalian
Basahin at unawain ang kasunod na teksto.
May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa ba ng tao o pantulong sa ating pangangailangan ang
enerhiya? Napakalaki ng maitutulong ng agham at teknolohiya sa pagkakaroon ng maunlad na pamumuhay kung
magagamit ito sa mabuting kaparaanan na may maganda at makataong hangarin. Hindi lamang ang pag-unlad na pisikal
ang mahalaga kundi pagsasaalang-alang ng sosyal na kalagayan ng tao kaalinsabay ng mga teknolohiyang dumarating. Sa
hangaring mabuti, ang agham at teknolohiya ay ilaw na magbibigay- liwanag at nag-uugnay sa lahat ng mga bansa sa
mundo
17. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
A. nagsasalaysay B. naglalarawan C. naglalahad D. nangangatuwiran
18. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
A. enerhiyang nukleyar B. pumupuksa ng tao C. pisikal na pag-unlad D. makataong hangarin
19. Ano ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa atin ayon sa teksto?
A. naging makabago tayo B. bumubuti ang serbisyo C. maunlad na pamumuhay D. nag-uugnay sa mga bansa
sa mundo
20. Bukod sa pag-unlad na pisikal, ano pa ang dapat isaalang-alang?
A. sosyal na kalagayan ng tao B. moral na aspekto ng tao C. emosyonal na kalagayan ng tao D. pinansiyal na
kalagayan ng tao
21. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong B. bitagin C. hulihin D. akitin
22. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang paratang?
A. bintang B. maltrato C. akala D. palagay
23. “Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng higante.” Ano ang kahulugan ng salitang nahagip?
A. nasagas B. natamaan C. nadaplisan D. nasugatan
24. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan. Ang salitang nakumbinsi ay
nangangahulugang ____.
A. napaniwala B. napasunod C. napasubaybay D. napapayag
25. Ang ebidensiyang inihain laban sa kanya ay walang bisa. Ang salitang ebidensiya ay nangangahulugang ____.
A. papeles B. patunay C. paratang D. paniwala
26. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugang______.
A. hindi malilimutan B. masama C. hindi maganda D. kawalang pag-asa
27. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin ng lumisan ay____.
A. lumayo B. lumikas C. humiwalay D. umalis
28. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay _____.
A. pautang B. bayarin C. utang D. kaukulang bayad sa paggawa
29. Sanlibong punglo ang naubos sa kaniyang pakikipagbakbakan. Ang ibig sabihin ng punglo ay______.
A. bala B. pera C. itak D. baril
30. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng nagsasalita?
A. manghikayat B. magpaliwanag C. magturo D. mang-aliw

II. Pag-iisa-isa.
1-2. Dalawang uri ng Paghahambing.
3-7.Magbigay ng mga panlaping ginagamit sa pinaghahambingan na Magkatulad.
8-9. Magbigay ng dalawang uri ng paghambing na di-magkatulad.
10-11. Ano ang dalawang uri ng kohesiyong Gramatikal?
12-15. Magbigay ng apat na salitang mga pananda o cohesive device reference na maaring tumukoy
sa bagay, lugar , at tao.

Inihanda ni:

Gng. Joan C. Pineda


Teacher I
Noted by:

LILIBETH F. MORALDE Ph.D.


Principal II

_________________________________
Pangalan at lagda ng magulang

You might also like