You are on page 1of 3

MAHABANG PAGSUSUSLIT SA ESP9

Panuto: A. Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong pangunahing institusyong panlipunan ang bumubuo sa pamayanan?
a. Organisasyon
b. Simbahan
c. Pamilya
d. Bansa
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng dignidad?
a. Tumulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.
b. Magbigay ng pera sa nangangailangan dahil may ibang taong nakatingin.
c. Tulungan ang kaklase na mangodigo sa pagsusulit.
d. Nakakuha ng mataas na marka dahil sa pangongopya.
3. Anong edad ang itinakda ng batas na maaaring magretiro ang isang manggagawa sa pamahalaan?
a. 60 c. 65
b. 55 d. 67
4. Si Tina ay nakatakda nang manganak at kasalukuyang naka-maternity leave na sa kanyang
trabaho. Siya ay pinangakuan ng kanyang “boss” ng karagdagang benepisyo na itinakda ng batas
ngunit ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya ito natatanggap. Anong karapatan ng
manggagawa ang nalabag?
a. Hindi pagsunod sa mga batas ng mga pagbabayad sa mga babaeng manggagawa na nag-
maternity leave upang isilang ang kanyang supling.
b. Pagpipilit na magretiro ang isang manggagawa.
c. Pagkaltas ng sweldo nang walang abiso
d. Kulang o walang probisyon para sa pagtanggap ng tulong ng manggagawa sa panahon ng
pagkakasakit.
5. Ano ang pangunahing sangay ng pamahalaan ang tumitiyak kung ipinatutupad ang mga batas sa
paggawa sa loob ng bansa?
a. Department of Education
b. Department of Energy
c. Department of Labor and Employment
d. Department of Justice
6. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita ng Prinisipyo ng Dignidad ng tao?
A. Pagdarasal ng mga kaanak ng sama-sama
B. Pagsali ng mga magkakaibigan sa isang “aeta” sa kanilang paglalaro.
C. Sabay-sabay na pagkain ng magkakapit-bahay nang nakakamay.
D. Paglilinis ng bakuran ng iba.
7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng Prinsipyo ng Paggalang sa buhay ng tao maliban sa isa.
a. Pag-eehersisyo tuwing umaga.
b. Pagkain ng masustansyang pagkain.
c. Pagpupuyat sa paglalaro ng mobile games.
d. Pagdarasal at pagbubulay-bulay ng sarili.
8. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. Pagtulong ng mga mayayaman sa mga mahihirap
b. Paggalang sa Karapatan ng bawat isa.
c. Pagpapatawad sa taong nagkasala.
d. Wala sa nabanggit.
9. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. Pinag-uusapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng
bansa.
b. Pagbibigay ng pagkain sa mga mahihirap.
c. Ang pagbibigay ng tamang benepisyo sa manggagawa.
d. Wala sa nabanggit.
10. Ang mga sumusunod ay ang nararapat gawin ng tao sa kanyang buhay maliban sa isa:
a. Ipagpasalamat sa Diyos ang buhay na nakamtan.
b. Mamuhay ng payapa at maligaya.
c. Abusuhin para masunod ang gusto.
d. Igalang, ingatan at proteksyonan.
11. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nyang sundin lahat ng mga
ito.
b. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan
nito ang kanyang buhay.
c. Kailangan sundi ng tao ang batas habang siya ay nabubuhay.
d. Kaparusahan ang naghihintay sa taong hindi susunod sa batas.
12. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
a. Sapagkat binubuo ng tao ang lipunan.
b. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.
c. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
d. Lahat ng nabanggit
13. Ang lahat ng ito ay magdudulot ng pagtiyak ng panlipunan sa buhay ng manggagawa kaugnay sa
paggawa maliban sa isa:
a. Dignidad c. Kaayusan
b. Kapayapaan d. Kalungkutan
14. Aling paglabag sa katarungang panlipunan sa paggawa ang ipinapakita sa sitwasyon sa ibaba.
Sitwasyon: May isang nag-apply ng trabaho sa isang kilalang kumpanya. Siya ay kumpleto sa
mga requirements ng kumpanya, ngunit siya ay nabigong makapasok sa trabaho dahil siya ay
isang PWD (Person with Disability) at may kapansanan sa paglalakad. Ano ang paglabag sa
paggawa ang pinapakita nito?
a. Pagkaltas sa sweldo ng walang abiso ng manggagawa.
b. Hindi pagsunod sa batas ng pagbabayad ng minimum wage na itinalaga ng pamahalaan.
c. Pagkakait ng pagkakataon sa mga may kapansanang pisikal na makapag-apply sa paggawa.
d. Kulang o walang probisyon para sa pagtanggap ng tulong ng manggagawa sa panahon ng
pagkakasakit.
15. Ayon sa Laborem Exercens, ang _______________ ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan
nito ay naisakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa sarili, kapwa, at sa Diyos.
a. Pagpapatawad c. Paggawa
b. Pagtitipid d. Pag-iimpok
16. Ang taong may _____________ sa sarili ay alam ang hangganan ng kanyang ginagawa at
mayroong paggalang sa ibang tao.
a. Pagmamahal c.Determinasyon
b. Pagtanggap d. Disiplina
17. Ang pagiging ____________ ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
a. Masigasig c. Masipag
b. Matiyaga d. Malikhain
18. Ang pagkakaroon ng _______________ ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng
mga hadlang sa kanyang paligid.
a. Tiyaga c. Disiplina
b. Kasipagan d. Paggalang
19. Ang pagiging _______________ ay ang pagiging mausisa na may likas na inklinasyon na alamin
ang bagay-bagay sa paligid.
a. Palasagot c. Paladabog
b. Palatanong d. Palautos
20. Ang ________________ ay isang espesyal na biyaya mula sa Diyos na hindi maaaring iimbak
para gamitin sa nais na panahon.
a. Buhay at Karanasan
b. Pag-ibig at Pagpapatawad
c. Oras at Panahon
d. Puso at Utak

Sa bilang 21-25, tukuyin kung anong uri ng disiplina ang sinasaad ng mga sumusunod na
pangungusap.
21. Laging isipin at isapuso ang iyong mga talino, kakayahan at talent para sa Gawain naiatang sa
iyo.
a. Disiplina sa tamang paggamit ng panahon.
b. Disiplina na maging responsible at maaasahan.
c. Disiplina ng katapatan sa gawain.
d. Disiplina ng pagtitiwala sa mga sariling kakayahan.
22. Ang maganda at matagumpay na hinaharap ay para sa taong naghahanda sa kasalukuyan.
a. Disiplina sa tamang paggamit ng panahon.
b. Disiplina na maging responsible at maaasahan.
c. Disiplina ng katapatan sa gawain.
d. Disiplina ng pagtitiwala sa mga sariling kakayahan.
23. Mahalaga ang pagiging responsible sa pagganap at paglutas sa mga problema na ginagamitan ng
talino, kaalaman at kasanayan sa paggawa.
a. Disiplina sa tamang paggamit ng panahon.
b. Disiplina na maging responsible at maaasahan.
c. Disiplina ng katapatan sa gawain.
d. Disiplina ng pagtitiwala sa mga sariling kakayahan.
24. Tapat sa paggawa ang disiplinadong manggagawa. Ibinibigay niya ang pinakamahusay na kalidad
ng trabahong inaaasahan mula sa kanya.
a. Disiplina sa tamang paggamit ng panahon.
b. Disiplina na maging responsible at maaasahan.
c. Disiplina ng katapatan sa gawain.
d. Disiplina ng pagtitiwala sa mga sariling kakayahan.
25. Sa maikling panahon na nalalabi, minamadali ang isang gawain na nagreresulta sa hindi mataas
na kalidad ng gawain. Ang taong ito ay tinatawag na?
a. Proactive c. Projector
b. Procrastinator d. Provider
Prepared by:
JOAQUINA B. DE VERA

You might also like