You are on page 1of 4

EsP 9- Q3- Q1 weeks 1-2 (Follow Rule No.

1)
l.Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Alin sa mga sumusunod ang kinakailangang makamit ng mga mamamayan mula sa larangan ng paggawa?
A. Ang pagbibigay ng pagkain sa mahirap.
B. Ang pagpapatawad sa taong nagkasala.
C. Ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
D. Ang pagbibigay ng tamang benepisyo sa manggagawa.
2.Ang katarungang panlipunan ay ang kakayahan ng tao na matupad ang kaniyang mga potensiyal sa pamayanan o
lipunang kinabibilangan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng palatandaan ng katarungang panlipunan?
A. Umaasa sa kagalingan ng iba upang makasabay sa pag-unlad.
B. Kawalan ng pagkakataon na umunlad ang sarili dahil sa kahirapan.
C. Maging aktibong tagapag-ambag sa pag-unlad ng pamayanan at lipunan.
D. Kakulangan sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ang isang pamilya.
3.Si Paolo ay bumuo ng samahan na magbibigay-proteksiyon sa karapatan ng mga traysikel drayber. Alin sa
katarungang panlipunan sa paggawa ang kaniyang ipinakikita?
A. Pagkakaloob ng lubos na proteksiyon sa paggawa sa loob ng bansa.
C. Pagtataguyod ng karapatan sa katatagan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay.
B. Pagtitiyak sa mga karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng mga organisasyon sa paggawa.
D. Pagbibigay ng pantay na mga pagkakataon sa mga manggagawa na makapag-apply ayon sa kuwalipikasyon sa
paggawa.
4. Ano ang maidudulot sa buhay ng manggawa ng pagtiyak sa katarungang panlipunan kaugnay sa paggawa?
A. kaguluhan B. kahirapan C. kapayapaan D. pagkamataas
5. Ito ay nagpapakita ng mga palatandaan ng katarungang panlipunan maliban sa
A. Ang paninira sa kapuwa dahil sa galit.
B. Pagpapahalaga sa kapuwa bilang isang indibidwal.
C. Ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya.
D. Pagtulong sa kapuwa sa panahon ng pangangailangan.
6. Matatawag na katarungang panlipunan kung ito ay
B. Isinasaalang-alang nito ang mga personal na aspekto ng tao.
A. Namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa lamang.
B. Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa personal na kraytirya.
D. Kakayahan ng tao na matupad ang kaniyang mga potensiyal sa pamayanan o lipunang kinbibilangan.
7. Ang mga sumusunod ay mga kaugnayan na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan maliban sa
A. Pagmamahal
B. kapayapaan
C. Dignidad ng tao
D. Pagsang-ayon sa kasinungalingan
8.Si June ay hindi nakakatanggap ng karagdagang sueldo sa kaniyang overtime pay. Anong katarungang panlipunan sa
paggawa ang hindi naipamamalas sa kaniya?
A. Pagkakaloob ng lubos na proteksiyon sa mga manggagawa sa loob ng bansa.
B. Pagtataguyod ng karapatan sa katatagan sa trabaho at sa sahod na sapat ikabuhay.
C. Pagtitiyak sa mga karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng mga samahan sa paggawa.
D. Pagbibigay ng pantay na mga pagkakataon sa lahat ng manggawa ayon sa katangian sa paggawa.
9. Aling halimbawa ang nagpapakita ng may paglabag sa katarungang panlipunan sa paggawa?
A. Si Cy ay magalang sa mga kasamahan sa trabaho.
B. Si Rosa ay tinanggap sa trabaho sa kabila ng kaniyang kapansanan.
C. Si Ian ay nabigyan ng benepisyo dahil sa kaniyang sipag at dedikasyon sa trabaho.
D. Si Kiko ay inutusan ng kaniyang boss na tapusin ang trabaho kahit lagpas na sa oras at walang overtime pay.
10.Aling paglabag sa katarungang panlipunan sa paggawa ang ipinakikita sa sitwasyon sa ibaba?
Nakabasag ng mga pinggan sa isang restawran ang isang tauhan. Ibinawas ang halaga ng mga pinggan sa
kaniyang sahod nang hindi niya alam.
A. Hindi pagbabayad nang wasto
B. Pagkaltas sa suweldo nang walang abiso
C. Hindi pagbibigay ng kontrata o terms of reference
D. Hindi pagsunod sa batas ng pagbabayad ng minimum wage
11.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paglabag sa katarungang panlipunan sa paggawa ang ipinakikita sa
sitwasyon sa ibaba maliban sa?
A. Pagkaltas sa suweldo nang walang abiso
B. Hindi pagbibigay ng kontrata o terms of reference
C. Hindi pagsunod sa batas ng pagbabayad ng minimum wage
D. Ang pagbibigay ng karagdagang bayad para sa lampas saw along oras na trabaho.
12. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng may paglabag sa katarungang panlipunan?
A. Pinakikinggan ang mga hinaing ng mga empleyado.
B. Nagbibigay ng sapat na benipisyo ng mga manggagawa.
C. Ibinibigay ang sueldo sa mga manggagawa sa takdang-araw.
D. Pagsuspinde sa trabaho sa unang beses ng pagkahuli ng pagpasok sa trabaho.
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibinibigay ang
nararapat sa kaniyang kapuwa?
A. Hindi malinaw ang pagtatalaga ng pamahalaan sa benepisyo ng mga mamamayan.
B. May kakulangan sa bayad para sa trabaho na ginampanan nang lampas sa walong oras.
C. Kawalan ng kaparusahan sa mga taong hindi sumusunod sa mga ipinag -uutos ng batas.
D. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa ng may kahusayan sa ibat-ibang larangan.
14. Alin ang nagpapakita ng halimbawa ng dignidad?
A. Nagsinungaling para mabigyan ng pabor
B. Masipag na nagtatrabaho para yumaman
C. Tumulong sa kapuwa kahit walang nakatingin
D. Nakuha ang matataas na marka sa pagsusulit dahil sa pangongopya
15. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananagutan sa kapuwa?
A. Nagsakay ng pasahero ang tricycle driver kahit hindi siya nakapila sa paradahan.
B. Sa tuwing nasa trabaho ang tatay ni Goro, lagi niyang inuutusan ang bunsong kapatid.
C. Pinakikisamahan pa din ni CS ang kaniyang kaklase sa kabila ng ginawang paninira sa kaniya.
D. Inuuwi ng nanay ang laptop ng kanilang opisina upang personal na magamit ng kaniyang anak sa gagawing
proyekto.
EsP 9- Q3- Q2 weeks 3-4
1. Alin ang nagpapakita na may kagalingan sa paggawa ang isang tao.
A. Kailangan ng ibang tao C. Maipagmalaki ang sarili
B. Mas magaling kaysa sa iba D. Mabuting pagtingin sa sariling pagkatao
2. Alin sa mga pagpipilian ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng wastong pamamahala ng
oras at panahon?
A. Ito ay isang espesyal na biyaya mula sa Diyos.
B. Makatutulong ito na gawin ang mga dapat gawin.
C. Maiiwasan nitong maaksaya ang panahon at lakas.
D. Maraming panahon ang mailalaan sa panonood ng telebisyon.
3. Ano ang una sa sampung mungkahi si Sasson (2018) upang simulan at magamit nang wasto ang
panahon?
A. Kumain ng agahan C. Maging magalang sa kapuwa
B. Maglinis ng katawan D. Matulog sa tamang panahon na iyong kailangan
4. Ayon sa sampung mungkahi ni Sasson (2018), alin sa sampung gabay ang maaari mong ihanda
para makapagbigay ng inspirasyon bago simulan ang gawain?
A. quote B. pera C. pagkain D. makipagkuwentuhan
5. Aling mungkahing gabay para sa mga mag-aaral sa wastong pamamahala ng oras at panahon
ang nabanggit?
A. Gumawa ng iskedyul na gagawin o pag-aaralan araw-araw.
B. Kumain ng masusustansiyang pagkain para makatulong sa pag-iisip.
C. Tawagan ang kaklase para turuan kung paano sagutin ang mga pagsusulit.
D. Tapusin ang paboritong programa sa telebisyon para hindi ito umagaw ng oras.
6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin para makapagpahinga mula sa tuloy-tuloy na pag-
aaral?
A. Paglalaro ng video games
B. Pagtulog ng dalawang oras
C. Panonood sandali ng telebisyon
D. Paglabas para makipaglaro sa kapitbahay
7. Sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng panahon, paano nakatutulong ang tao sa pag-
unlad ng kapuwa at lipunan?
A. Uunlad ang kompanya dahil sa kaniyang etika sa paggawa.
B. Nakapagbibigay siya ng kontribusyon na tanging siya lang ang magaling.
C. Nagagawa niya ang kaniyang gawain ng may pagmamalaki sa kapuwa.
D. Panatilihin ang tuon sa prayoridad na dapat gampanan sa takdang panahon.
8. Alin sa mga pahayag ang dahilan kung bakit mahalaga ang wastong pamamahala ng oras at
panahon?
A. Madaragdagan ang oras sa paglalaro.
B. Maiiwasan ang pag-aaksaya ng oras at panahon.
C. Madaling matatapos ang gawain tama man o mali.
D. Makapaglalaan ng maraming oras sa paggamit ng cell phone.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng tamang kahulugan ng wastong pamamahala
ng oras at panahon?
A. Paggamit ng panahon para magawa ang itinakdang gawain
B. Paggawa ng tamang gawain nang may mahaba at malayang panahon
C. Mabisang paggamit ng panahon upang magawa ang tamang gawain sa tamang panahon
D. Paggamit ng panahon na may hakbang ng pagpaplano para gawin ang hindi
mahahalagang bagay.
10. May bagong palit sa nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing
hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa
sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong
ibinigay sa kaniya?
A. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino, at kasipagan
B. Maging masipag, masigasig,at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho.
C. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro.
D.Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon
ng mga ito.
EsP 9 Quarter 3 Quiz 3 Weeks 5-6
l.Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Tukuyin ang unang gabay sa pagsasabuhay ng kasipagan at pagpupunyagi sa paggawa?
A. Sikapin na mapaunlad ang sarili.
B. Maging maayos at organisado sa paggawa.
C. Simulan ang gawain sa pamamagitan ng dasal.
D. Gumawa ng mataas na sukatan sa pagganap sa gawain.
2. Tukuyin ang taong masasabing may integridad?
A. May paggalang at papuri sa kasamahan
B. Ginagawa ang trabaho kung may katumbas na salapi.
C. Nagbibigay ng dahilan para lusutan ang nagawang mali
D. Naiinggit sa papuring natatanggap ng iba dahil sa nagawang Mabuti
3. Ayon kay Borg (2010), may walong katangian na dapat taglayin ng tao upang magtagumpay sa
paggawa kalakip ng pagpupunyagi. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng katangian ng
isang taong nagpupunyagi?
A. Si Paolo ay may malaking hangarin sa buhay.
B. Si Jhune ay nakadepende sa desisiyon ng iba.
C. Si Ruel ay may angking talion at talento sa paggawa.
D. Si Goro ay laging nakakatanggap ng papuri sa kaniyang guro.
4. Tukuyin kung paano magiging makabuluhan ang paglilingkod sa kapuwa sa pamamagitan ng
paggawa?
A. Paunlarin ang iyong talento.
B. Maging tapat at masaya sa paggawa.
C. Maging mapagkumbaba sa paggawa.
D. Pag-ako ng mga gawain ng ibang tao.
5.Anong salita ang nagsasabi na ang paggawa ay may kabutihang moral na nagpapalakas ng
pagkatao?
A. etika B. disiplina C. kasipagan D. karunungan
6.Paano masasabi na may paninindigan ang isang tao?
A. Hindi nagpapadala sa sinasabi ng iba
B. Walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili at angking galling
C. Ginagawan ng pagkilos ang nabuong desisyon para matupad ito
D. Ipinaglalaban ang sariling pananaw kundi ang sarili at angking galling
7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng disiplina?
A. “Gagawin ko ang aking trabaho nang may buong husay.”
B. “Saka ko na gagawin kapag hiningi na sa akin ang report.”
C. “Bahala na ng ating mga lider para solusyonan ang problema.”
D. “Marami pa akong oras. Bukas ko na tatapusin ang aking gawain.”
8.Alin sa mga halimbawa ang malinaw na nagpapakita ng etika sa paggawa?
A. Ginawa ni Alma nang may husay at bilis ang kaniyang trabaho.
B. Sisimulan ni Dennis ang gawain kapag natanggap na niya ang paunang bayad.
C. Tinatapos ni Cynthia ang gawain kahit malinaw sa kaniya kung bakit o para saan ito.
D. Ipinagpaliban ni Baby ang kaniyang gawain para makapanood muna ng paboritong
programa sa telebisyon.
9.Sa pamamagitan ng mabuting paggawa, mas nakikilala nang mabuti ang isang tao. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapaliwanag sa pangungusap?
A.Nalilinang ang talino.
B. Nakabubuo ng positibong pagtanggap at kasiyahan.
C. Tumataas ang pagtingin ng tao sa kaniyang sarili dahil sa paggawa.
D. Nakikilala ang isang mabuting tao mula sa mabuting serbisyong ginagawa niya sa kaniyang
tungkulin bilang isang manggagawa, mag-aaral, o propesyonal.
10.Alin ang pinakamabuting pananaw sa pagkakamali o kabiguan sa paggawa?
A. Ang pagkakamali o kabiguan ay tanda ng kahinaan na dapat tanggapn.
B. Ang pagkakamali o kabiguan ay paghamon sa pag-unlad ng sarili sa gawain.
C. Ang pagkakamali o kabiguan ay bunga ng labis na tiwala sa sariling kakayahan.
D. Ang pagkakamali o kabiguan ay sukatan ng hangganan ng kakayahan at galling.
Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung hindi.
11.Upang maging makabuluhan ang iyong paglilingkod sa kapuwa, maging tapat at masaya sa
paggawa ng mabuting layunin.
12. Iwasan na isumbat ang kabutihang ginawa sa kapuwa.
13. Ang paglilingkod sa kapuwa ay magaganap kahit sa pangkaraniwang uri ng paggwa
at hindi lamang sa mataas na uri ng hanapbuhay.
14. Ang minsang pagsasabuhay ng tao ay kasipagan at disiplina sa paggawa ay bubuo ng malakas
na etika sa paggawa sa mabuting pagpapakatao.
15. Ang hindi pagtanggap ng hamon na maging lider o opisyal ng isang samahan sa paaralan sa
barangay dahil sa angking talino, kakayahan, at talento ay nakatuon sa disiplinado at
produktibong gawain sa pag-unlad.

You might also like