You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X

MOCK TEST
A&E Secondary
Learning Strand 4 – Life and Career Skills
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang paggamit ng perang pangnegosyo:
a. pagbili ng karagdagang produkto dahil may inaasahan kang pagtaas ng demand
b. pag-utang mula sa negosyo para magbayad ng isang bagong TV para sa iyong pamilya
c. pagpapaayos ng sirang ilaw sa pagawaan o tindahan
d. pagkuha ng karagdagang tao nang sandali sa panahong mabigat ang trabaho

2. Ang pinakaligtas na puwede mong pagtaguan ng iyong pera ay:


a. sa isang bangko o paluwagan
b. sa isang kaibigan
c. sa isang sulok ng tahanan
d. ang pag-iipon ay para lang sa mga taong mahilig mag-alala

3. Alin sa mga sumusunod ang dulot na kabutihan ng pananatili ng maayos na pagtatala:


a. ipinapaalala sa iyo ng talaan kung sino ang may mga utang sa iyo
b. nakatutulong ang mga tala sa pagpaplano sa kabuuan
c. nakatutulong ang mga tala para masuri kung ano ang lagay ngnegosyo, para mapagkunan ng mga aral, at para
maitama sa hinaharap ang mga naging pagkakamali
d. lahat ng nabanggit

4. Kapag nakikipag-usap sa isang customer sa telepono:


a. sabihin ang pangalan mo at pangalan ng organisation sa pagsagot ng telepono
b. maging magalang
c. makinig nang mabuti at huwag sumabat
d. lahat ng nabanggit

5.Kapag kailangan mo ng pera, alin ang hindi magandang paraan para makuha ito:
a. pagtatrabaho b. pag-iipon c. pagnanakaw d. panghihiram
b.
6.Para mabawasan ang mga utang mo sa ibang tao:
a. huwag nang mangutang pa
b. bayaran ang mga utang nananiningil pa ng higit sa utang mo sa kanila
c. huwag bumili ng ibangbagay o anumang mamahaling bagay habang mayroon ka pang utang
d. lahat ng nabanggit

7.Kapag gumagawa ng planong pangsalapi, kailangan kong pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:
a. Magkano ang dapat kong ipunin? c. Ano ang dapat kong pagkagastusan nang mas maliit?
b. Paano ako kikita ng pera? d. Lahat ng nabanggit

8.Nakatutulong ang pagtatala at ang pagpaplano ng gastusin at kita sa:


a. pagbabalik-tanaw (para malaman kung magkanoangkinikitamo, magkanoangginagastosmo, at magkano pa ang
dapa tmong bayaran)
b. pagtingin sa hinaharap (pagpaplano ng gagastusin para maging mas maliit ito sa iyong kinikita)
c. lahat ng nabanggit
d. wala sa nabanggit

9. Maaari kang makatipid sa:


a. pagpatay ng mga ilaw o lampara sa bahay
b. muling paggamit sa mga lalagyan para sa ibang bagay
c. pagpapaayos ng mga lumang damit o sapatos
d. lahat ng nabanggit
10. Ang puhunan ay para sa aktwal na operasyon ng negosyo. Ano ang HINDI kailangan para makapag simula ng isang negosyo?
A. Pambayad ng elektrisidad, tubig, telepono, at transportasyon
B. Pampasahod ng mga manggagawa at empleyado
C. Pang gastos sa pang araw araw sa bahay
D. Pambili ng materyales

11. Kapag nakikipag-usap sa isang mapilit na customer


a. huwag pansinin c. manatiling kalmado
b. sabihan siyang hindi mo na siya kauusapin d. pakiusapan siyang umalis

12. Kasama sa pandaigdig na karapatang pantao ang sumusunod:


a. Karapatan sa edukasyon c. Karapatan sa tirahan
b. Karapatang isagaw ang rehiliyong iyong pinili d. Lahat ng nabanggit

13. Sa Pilipinas, hinihingi sa isang employer na ibigay ang mga sumusunod,maliban sa:
a. regular na pahinga para sa mga empleado
b. pagpapanatili ng isang ligtas na lugar ng trabaho
c. pagbabayad sa mga empleado ng napagkasunduang suweldo, sa tamang oras
d. pagbabayad sa biyahe ng empleado papunta sa trabaho

14. Bilang manggagawa, dapat mayroon kang:


a. isang araw na walang pasok bawat linggo
b. karapatang mabayaran ng overtime pagkalipas ng 8 oras na trabaho sa isang araw
c. paraang makakuha ng safety equipment kung kailangan ito para maging ligtas ang trabaho
d. lahat ng nabanggit

15. Bumili si Danilo ng electric fan na may warranty ng tatlong buwan sa XYZ Department Store. Makalipas ang isang linggo ay
hindi na ito gumagana. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Isumbong sa manager ang nagbenta c. Ipaayos na lamang
b. Papalitan ito ayon sa warranty d. Bumili ulit ng bago

16. Ang mga sumusunod ay karapatan ng mamimili MALIBAN sa _______________.


a. magreklamo kung ang serbisyo ay tama. c. bilangin ang sukli bago umalis.
b. papalitan ito ayon sa warranty. d. humingi ng opisyal na resibo

17. Sa Pilipinas, binubuo ang isang linggong trabaho ng:


a. 25 oras b. 35 oras c. 50 oras d. 40 oras

18. Ano ang dapat mong gawin sa isang malalim na hiwa?


a. Diinan ang sugat, iangat ang sugat nang mataas sa puso, at maghanap ng tulong medikal
b. Hayaang umagos ang dugo
c. Hugasan ng naroroong tubig
d. Lahat ng nabanggit

19. Ang paggamit ng damit at gamit na pamproteksiyon ay isang uri ng:


a. pagpapakita kung sino ang supervisor c. pag- iwas sa mga aksidente
a. b. fashion d. pangangailang para lang sa mga siyudad

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahalagahan ng pagkakaroon ng union ng manggagawa?
a. Nagbibigay ang mga unyon ng libreng serbisyo legal sa mga manggagawang nangangailangan nito
b. May mga pagkakataon na madali ang negosasyon sa mga kompanya upang maging maayos ang kapakanan ng mga
manggagawa
c. Tumutulong ang mga unyon upang mabigyan ng proteksyon ang mga karapatan ng mga mangagawa
d. Nagbibigay ang unyon ng libreng pera sa mga manggagawa buwan-buwan bilang ayuda sa kanilang mga gastusin sa
araw-araw

21. Nagtatrabaho si Josephine sa isang restawran. Para maiwasang magkalat ng mikrobyo, dapat:
a. hugasan niya ang cooking surface isang beses bawat linggo
b. lagi niyang gamitin ang parehong cooking surface para sa hilaw na karne at hilaw na gulay
c. maghugas siya ng kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain
d. lahat ng nabanggit
22. Kasama sa gawi para sa magandang kalusugan ang:
a. regular na paliligo c. pagkain ng masustansiya
b. pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak d. lahat ng nabanggit

23. Nagtatrabaho bilang serbidor sa isang restawran. Laging matao kapag Biyernes at kulang sila sa tao pero gusto mo talagang
lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Dapat:
a. huwag kang magpakita sa trabaho
b. pumasok ka pero umalis ka nang maaga
c. magplano ng ibang gabi para lumabas kasama ng mga kaibigan
d. sabihin sa employer mong may sakit ka

24. Kasama sa mabuting pangangasiwa sa oras ang:


a. pagpaplano c. pananatili ng tuon sa gawain
c. pag-iwas sa mga nakagagambala d. lahat ng nabanggit

25. Kasama dapat sa biodata/resume ang:


a. contact information c. mga naging trabaho/katungkulan
b. buod ng mga kakayahan d. lahat ng nabanggit

26. Kasama sa mga paraan ng paghahanap ng trabaho ang:


a. mga kaibigan at kamag-anak c. paunawa ng bakanteng posisyon
b. patalastas sa diyaryo d. lahat ng nabanggit

27. Ang mahuhusay na pinuno ay:


a. malikhain b. may kumpiyansa sa sarili c. nakikibagay d. lahat ng nabanggit

28. Kapag may pinasasagutan o pinagagawa:


a. Ulitin ang tanong
b. Tanungin kung malinaw ba ang tanong
c. Hilingin sa isang tao na ulitin ang tanong gamit ang sarili nilang mga salita
d. Lahat ng nabanggit

29. Para maging matagumpay, kailangan ng mga grupo ng:


a. magkakaiba ng layunin c. mapagtiwalang ugnayan ng mgakasapi ng grupo
b. malabong mga tungkulin at Gawain d. lahat ng nabanggit

30. Kasama sa mga hakbang sa paglutas ng problema ang:


a. pagkilala sa problema at pagkuha ng mas maraming impormasyon
b. pagkalap ng mga idea kung paano lutasin ang problema
c. pagpili, pagsasagawa, at pagsuri sa solusyon
d. lahat ng nabanggit

31. Namumuno ka ng isang grupong humaharap sa isang gawaing mas mahirap kaysa inasahan. Dapat:
a. sumuko ka na para hindi na makapagsayang ng mahalagang oras
b. makinig lamang sa mga kasapi ng grupong sumasang-ayon sa mga opinion mo
c. magpanatili ng positibong ugali at hikayatin ang pakikilahok ng iba, magtuon sa iisang solusyon
d. wala sanabanggit

32. Nagsanay si Edu sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) ng electronics. Saan siya pwedeng mag-
apply ng trabaho pagkatapos magsanay?
a. Welding Shop b. Car Wash Shop c. Vulcanizing Shop d. Computer Repair Shop
33. Maagang binubuksan ni Mang Dodong ang pinapasukang Auto Repair Shop. Tumatanggap siya ng mga mamimili kahit lampas
na sa oras at sinisigurado niyang maayos ang kanyang trabaho. Ano ang magandang katangiang ipinapakita niya bilang isang
empleyado?
a. masayahin b. masipag c. mahusay d. mapagbigay

34. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat gawin sa mga kagamitang panluto pagkatapos gamitin?
1. Hugasan ang mga kasangkapang panluto.
2. Punasan ang mga kasangkapang panluto.
3. Ihiwalay ang mga kasangkapang ginamit na babasagin.
4. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga kasangkapang panluto.
a. 1, 3, 4, 2 b. 3, 1, 2, 4 c. 2, 3, 4, 1 d. 4, 1, 2, 3
35. Alin sa mga pangungusap ang HINDI nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng isang manggagawa?
a. Pagsusuot ng mask o salamin habang nagwewelding at nagkukumpuni ng sasakyan.
b. Pagsusuot ng matigas na sombrero o helmet sa lugar ng konstruksiyon.
c. Pagsusuot ng gomang guwantes sa pagputol ng kable o kawad ng kuryente.
d. Pagsusuot ng sando habang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw

36.Alin ang HINDI mabisang pamamaraan upang dumami ang mamimili ng isang tindahan?
a. Tugunan ang pangangailangan ng mamimili.
b. Igalang ang desisyon ng mamimili.
c. Magbigay ng mura ngunit walang kalidad na serbisyo o produkto.
d. Siguraduhing maganda at mataas ang kalidad ng serbisyo o produkto.

37. Magtatayo ka ng maliit na negosyo ng puto at kutsinta. Isang hotel ang nagnais na sila ay suplayan ng isang libong piraso
kada araw. Ano ang iyong gagawin?
a. Magdagdag ng tauhan
b. Bawasan ng gata para makatipid
c. Kumuha na ng buong bayad upang maging kapital
d. Dagdagan ng yeast para lumaki ang puto at kutsinta

38. Si Mario ay pinagkalooban ng bangko na pautangin ng isang daang libong piso (P100,000.00). Alin ang dapat niyang gawin?
a. Bumili ng kulang na kasangkapan sa bahay
b. Magbakasyon sa ibang bansa
c. Ipahiram ang perang nakuha sa kaibigan
d. Kumonsulta sa may alam sa negosyo

39. Tapos na ang oras ng trabaho mo, subalit sa di inaasahang pangyayari, inutusan ka ng iyong amo na ikaw muna ang ang
humarap sa nagrereklamo ng kostumer, Ano ang iyong gagawin?
a. Sundin ang nakatakdang oras ng trabaho.
b. Sundin ang utos at magpaalam ng maayos.
c. Huwag nalang pansinin at umalis ng walang Paalam.
d. Sasabihin ng maayos na tapos na iyong trabaho sa itinakdang oras.

40.Kung ang produkto o serbisyo ay magagamit sa matagalan na panahon, ito ay ________.


a. matibay b. mabisa c. maaasahan d. ligtas

41.Bakit hindi hinihikayat ang ugaling “Pwede na” sa mga pagawaan o factory?
a. Maaapektuhan ang kalidad ng produktong ginagawa
b. Maaapektuhan ang presyo ng produktong ginagawa
c. Gusto ng mamimili ang produktong may tatak o brand name
d. Gusto ng mamimili ang mas murang produkto
e.
42.Paano natin masasabi na ang isang produkto ay may mataas na kalidad? Ito ay _______.
a. maganda sa paningin c. matibay ang paggawa
b. mura ang presyo d. kilala ang tatak o brand name

43. Kung ikaw ay isang pinuno ng isang kumpanya, paano mo maeenganyo ang mga tauhan mo para sila’y magtrabaho nang
maayos at may sigla?
a. Bigyan sila ng libre at mahal na pagkain
b. Huwag sila pagalitan kahit na may malaking kamaliang nagawa
c. Maghigpit sa kanila upang gawin nila ang tama
d. Bigyan sila ng insentibo sa trabahong higit nilang nagagawa

44. Bakit may mga kompanya na nagbibigay ng pagkilala sa mga empleyado at pumipili ng “Employee of the Month”
a. Para magbigay insentibo sa mga mahuhusay na manggagawa
b. Para hikayatin ang mga manggagawa na lumipat sa ibang kompanya
c. Para ipagmalaki ng mga empleyadong mahuhusay ang kanilang galing
d. Para magkaroon ng ranggo ang mga empleyado ayon sa kanilang galling
45. Siya ang naguumpisa, nangangasiwa at nagpapatakbo ng sarili niyang negosyo
a. namumuhunan b. negosyante c. mamamakyaw d. mamimili

46. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad kung ang produkto ay may mataas na kalidad ng paggawa?
Kung ito ay ___________.
a. pinag-ipunan para bilhin c. ipinagbibili sa mataas na presyo
b. palaging may patalastas sa telebisyon d. tinatangkilik ng maraming tao

47. Anong katangian ang hindi dapat taglayin ng isang mahusay na negosyante?
a. Naiiintindihan ang nasa kaniyang paligid
b. May taglay na husay sa pamamahala
c. Nakikinig sa mga hinaing ng kanyang mga manggagawa
d. Naghihitay ng swerte

48. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya maliban sa isa:
a. ugaliing basahin ang manwal bago gamitin
b. ang lahat ng elektikal na kagamitan ay may mga sensitibong parte
c. hindi ito madaling masira kahit gamiton ito ng hindi tama
d. iwasan na ito ay madumihan o ilagay sa maduming lugat at palagiang linisin ito

49. Alin sa mga sumusunod na teknolohiya ang nakakatulong sa atin sa pang-araw araw na Gawain?
a. mikropono b. emergency light c. videoke d. cellphone

50. Bakit sinasabing “Ang teknolohiya ang matalik na kaibigan ng tao”?


a. Dahil maraming oras ang nagugugol sa paggamit ng teknolohiya
b. Dahil hindi kaya ng tao ang mawalay sa mga ito
b. Dahil pinadadali o pinagagaan nito ang trabaho ng tao
c. Dahil ibinibigay nito ang pangangailangan ng tao

You might also like