You are on page 1of 3

MANLAPAY NATIONAL HIGH SCHOOL

MANLAPAY, DALAGUETE, CEBU


IKAAPAT NA MARKAHANG PASULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA

Pangalan: ______________________________Seksyon:______________Iskor:_________
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon ng Buhay?
a.Ito ang batayan ng tao sa kanyang pagpasiya.
b. ito ay personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng gustong mangyari sa buhay.
c. paraan upang higit na makilala ang sarili
d. Gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?
a. upang siya ay hindi maligaw b. upang matanaw niya ang hinaharap
c. upang mayroon siyang gabay d. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
3. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos , ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapwa.
Anu ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa nya ito?
a. kapayapaan b. Kaligtasan c. Kaligayahan d. Kabutihan
4. Sa paggawa ng personal na misyon sa buhay kinakailangan na gamitan mu ito ng SMART. Anu
ang kahulugan nito?
a. specific, measurable, artistic, relevance,time bound
b. specific, measurable, attainable, relevance,time bound
c. specific, manageable, attainable, relevance,time bound
d. specific, manageable, artistic, relevance,time bound
5. Ang susunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng personal na misyon sa buhay, maliban
sa: a. Suriin ang iyong ugali at katangian. b. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
c. sukatin ang mga kakayahan d. Tipunin ang mga inpormasyon
6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?
a. sarili, simbahan at lipunan b. Kapwa, lipunan at paaralan
c. paaralan, kapwa, at lipunan d. Sarili, kapwa at lipunan
7. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a.bokasyon b. Misyon c. Tamang direksyon d. Propesyon
8. Ito ay isang hangarin ng isang tao sa buhay na nagdadala sa kanya tungo sa kaganapan.
a. bokasyon b. Misyon c. Tamang direksyon d. Propesyon
9. Ayon kay Stephen Covey nagkaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan
kung: a. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga
b. nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian
c. nagagampanan ng balance ang tungkulin sa pamilya, trabaho at kumunidad
d. kinkilala nya ang kanyang tungkulin sa kapwa
10. Ang personal na misyon sa buhay ay maaring mabago o palitan.
a. tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao
b. mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay
d. mali, sapagkat ito ang iyong saligan sa buhay.Maaaring magkaroon ng problema kung ito
ay babaguhin pa
11. Anong kraytirya ng SMART kung kailangan lahat ng dapat isulat ay ispisipiko?
a. specific b. Measurable c. Attainable d. Relevance
12. Ito ay nagsasaad ng kaangkupan upang makatugon sa mga pangangailangan?
a. specific b. Measurable c. Attainable d. Relevance
13. Nagsasaad ng pagsusukat ng kakayahan.
a. specific b. Measurable c. Attainable d. Relevance
14. Pagtatanung sa sarili: kaya ko bang aabutin o gawin ang aking misyon?
a. specific b. Measurable c. Attainable d. Relevance
15. Ito ay ang pagsusukat ng panahon kung kalian maisasakatuparan ang isang misyon sa
buhay. a. Time bound b. Measurable c. Attainable d. Relevance
16. Anong pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kurso ang tumutukoykung saan tayo
magaling at mahusay?
a. talento b. Kasanayan c. Hilig d. Pagpapahalaga
17. Ito ay pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin na syang batayan sa
pagpili ng tamang track o kurso.
a. talento b. Kasanayan c. Hilig d. Pagpapahalaga
18. Anong pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kurso ang nasasalamin sa mga
paboritong gawain? a . talento b. Kasanayan c. Hilig d. Pagpapahalaga
19. Anong interes ng hilig ang mga taong nasisiyahan sa pagbuo ng bagay gamit ang kanilang
malikhaing kamay? a. investigative b. Realistic c. Artistic d. Social
20. Saan nakasaad ang mga trabahong may mataas na impluwensya na nakatuon sa gawaing
pang-agham? a. Investigative b. Realistic c. Artistic d. Social
21. Saan nabibilang ang mga taong mailalarawan bilang malikhain, mataas ang imahinasyon at
malawak ang isipan? a. Investigative b. Realistic c. Artistic d. Social
22. Ang mga grupo o pangkat ng mga taong ito ay may mataas na interes na naghahanap ng
mga panuntunan at direksyon. a. Conventional b. Realistic c. Artistic d. Social
23. Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mahusay mangumbinsi para sa
pagkamit ng inaasahan o target goals.
a. Conventional b. Realistic c. Artistic d. Enterprising
24. Ang nasa ganitong grupo ay kakakitaan ng pagiging palakaibigan popular at responsible.
a. Conventional b. Realistic c. Social d. Enterprising
25. Ito ang pinakamahalagang salik upang makamit ang misyon sa buhay.
a. mithiin b. Kasanayan c. Pagpapahalaga d. hilig
26. Anong salik ang nagsasaad sa pagtamo ng mga nais maabot sa buhay?
a. mithiin b. Kasanayan c. Pagpapahalaga d. hilig
27. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyang pansin ng pamahalaan na maaaring
maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya?
a. patuloy ng pagdami ng mga Pilipinong walang trabaho
b. dumaraming bilang ng manggagawang Pilipino na inaabuso sa ibang bansa
c. kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o ibang bansa
d. mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis
28. Kung isasabuhay mo ang iyong pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong?
a. pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro at kaibigan
b. mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
c. mga karanasang maaaring gamitin sa pagtatayo ng negosyo
d. pagpiling kurso ayon sa talent, hilig at kakayahan
29. Ano ang dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya?
a. suriin ang ugali at katangian
b. tukuyin ang iyong pinahahalagahan
c. tipunin ang inpormasyon
d. lahat sa nabanggit
30. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magamit sa pagpasiya
a. kagalingan mangatwiran at matalas na isipan
b. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. kalinawan ng isip at masayang kalooba
d. kakayahang mag-iisip at malayang kilos loob

COMPOSITION:
*Sa iyong sariling ideya at pa- uunawa, ano ang ibig sabihin ng
“BEGIN WITH THE END OF MIND” upang madaling maisakatuparan ang misyon ng buhay?

You might also like