You are on page 1of 7

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA SCIENCE- III

Pangalan: __________________________ Guro:________________________


Baitang: ___________________________ Petsa:_______________________

I. Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Ang solid ay may tiyak na kulay, hugis at tekstura.
______2. Ang mga solids ay may tiyak na katangian na nagpapakita nang iba-ibang katangian o
pagkakatulad sa bawat isa.
______3. Ang mga hugis ng solid ay bilog, parihaba, at tatsulok.
______4. Ang kulay ng hinog na mangga ay dilaw.
______5. Ang liquid ay nakakakuha ng espasyo o lugar sa sisidlan o lalagyan.
______6. Lahat ng liquid ay mabilis dumaloy.
______7. Magkakapareho ang hugis ng liquid.
______8. Ang liquid ay may tiyak na kulay.
______9. Ang gas ay nakikita ng ating mga mata.
______10. Ang hangin ay gas.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


11. Ano ang lasa ng iba’t ibang liquid?
A. mabaho C. mabango
B. matigas D. matamis, maasim, mapait, walang lasa
12. Ano-ano ang mga katangian ng liquids ang naamoy mo?
A. matamis C. maalat
B. mapait D. mabaho at mabango
13. Ang LPG ay halimbawa ng ___________.
A. Solid B. Liquid C. Gas D. wala sa nabanggit

14. Anong katangian ng gas ang ipinapakita sa larawan?

A. Hugis B. Timbang C. Amoy D. Kulay

15. Ano ang hugis ng hangin sa loob ng bilog na lobo?


A. bilog B. parihaba C. tatsulok D. parisukat
16. Anong simbolo ang ginagamit upang maipahayag ang sukat ng temperature?
A. 0C B. cm C. kg D. inches
17. Ang kumukulong sopas ay ___________.
A. malamig C. mainit
B. maligamgam D. nagyeyelo
18. Ang sorbetes (ice cream) ay________
A. mainit C. malamig
B. maligamgam D. nagyeyelo
19. Kapag ang tubig ay naiinitan ang temperature nito ay __________.
A. tumataas C. bumababa
B. mainit D. normal lamang ang temperature
20. Ang temperature ng malamig na tubig ay _________kaysa sa maligamgam na tubig.
A. mas mababa B. mas mataas C. pantay lamang D. pinakamataas

III. Pag-aralan ang larawan /simbolo na nasa ibaba. Iugnay ang sagot ayon sa kanilang
katangian o deskripsyon sa kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Nagliliyab B. Nakalalason C. Toxic

_______________21. ____________24.

______________22. _____________25.

______________23.

III. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

26. Binilhan ka ng nanay mo ng lapis, notebook, pantasa, at pambura. Nais mong malaman
ang katangian ng solid ayon sa laki o sukat. Paano mo malalaman ang laki o sukat ng mga ito?
A. Gagamit ako ng ruler. C. Susukatin ko na lamang ng kamay.
B. Gagamit ako ng thermometer. D. Titingnan ko sa libro ng Science ang sagot.
27. Magbigay ng isang halimbawa ng liquid sa pamamagitan ng pagguhit sa loob ng kahon.

28. Bakit ang solids ay hindi nagbabago ang hugis?


A. Dahil ang molecules ng solids ay malapit sa isa’t isa.
B. Dahil ang molecules nito ay solid.
C. Dahil ang molecules ng solids ay magkakalayo.
D. Dahil ang molecules nito ay nagpapalipat-lipat.
29. Gumuhit ng isang halimbawa ng solid. Gawin sa loob ng kahon.

30. Bakit hindi natin nakikita ang hangin (gas)?


A. Dahil ang molecules ng gas ay magkakalayo. C. Dahil ang molecules ng gas ay malapit sa
atin.
B. Dahil ang molecules ng gas ay magkakadikit. D. Dahil ang molecules ng gas ay hindi
napapansin.
31. Ano ang nangyayari sa temperatura ng tubig kapag iniinit?
A. Ang temperatura nito ay tataas. C. Walang pagbabagong magaganap.
B. Ang temperatura nito ay bababa. D. Wala sa nabanggit.
32. Kapag ininitan ang kandila ito ay matutunaw, kapag inalis ang init nito ito ay titigas. Bakit
kaya nangyayari ang mga pagbabagong nagaganap sa kandila?
A. Dahil sa inilagay sa kutsara. C. Dahil ito ay madaling matunaw.
B. Dahil nagbago ang temperature nito. D. Dahil ito ay madaling tumigas.
33. Ano ang mangyayari kapag ang tubig ay ininit sa araw?
A. Ang tubig ay kukulo.
B. Ang antas ng tubig ay baba.
C. Ang antas ng tubig ay tataas.
D. Ang tubig ay maaring lumamig.
34. Ano ang dapat gawin sa mga kemikal na ginagamit natin sa bahay?
A. Ilagay kung saan mo gusto.
B. Pabayaan na pakalat-kalat sa bahay.
C. Hayaan na maabot ito ng bata at mapaglaruan.
D. Lagyan ng pangalan ang iba ibang kemikal at ilagay ang mga ito sa lugar na hindi
maabot ng mga bata.
35. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain upang maging ligtas sa paggamit ng mga
mapaminsalang bagay?
A. Maglaro ng posporo.
B. Ilagay ang mga bagay na maaring lumiyab malapit sa kalan.
C. Mag-spray ng pamatay kulisap ng wala man lang guwantes at gas mask.
D. Palagiang tingnan ang tangke na ginagamit sa pagluluto.Siguraduhing nakasara ito ng
mahigpit.
36. Ang margarine o butter sa kawali ay inilagay sa kalan ng ilang minuto. Ano kaya ang
mangyayari sa margarine o butter? Bakit?
A. Titigas ito dahil pinainitan.
B. Matutunaw ito dahil nainitan.
C. Maglalaho ito dahil pinainitan.
D. Masusunog ito dahil inilagay sa kalan.
37. Bakit kaya ang mothballs/ naphthalene balls ay naglalaho kapag inilagay mo sa kabinet ng
dalawang linggo?
A. Dahil mula solid ito ay nagiging gas.
B. Dahil mula gas ito ay nagiging solid.
C. Dahil mula liquid ito ay nagiging gas.
D. Dahil mula solid ito ay nagiging solid.
38. Gumawa kayo ng iyong guro ng experiment. Nais niyong malaman kung ano ang
mangyayari kapag ang tubig ay nainitan ng araw. Ano-ano kaya ang mga maoobserbahan niyo
sa tubig?
A. Mula solid ay naging liquid dahil nainitan.
B. Mula gas ay naging liquid dahil sa sinag ng araw.
C. Mula liquid ay naging solid dahil sa evaporation.
D. Nagbago ang antas ng tubig dahil nagkaraoon ng evaporation.
39. Pinapunta kayo ng iyong guro sa hardin upang manguha ng mga solids. Paano ninyo
papangkatin ang mga bagay na inyong mapupulot?
A. Ihiwalay ang pula sa dilaw.
B. Pagsama-samahin ang mga matigas na bagay.
C. Pagsama-samahin ang mga malambot na bagay.
D. Uuriin ang mga bagay ayon sa katangian at tekstura, ilalarawan ito ayon sa kulay, at
kikilalanin ito ayon sa hugis.
40. May aralin kayo sa Science tungkol sa kung paano dumadaloy ang liquid. Paano mo
mapapatunayan na ang liquids ay dumadaloy?
A. Kumuha ng mga liquids tapos tingnan lamang.
B. Pagsama-samahin ang mga liquids para malaman kung dumaloy.
C. Kumuha ng mga liquids at itapon ng sabay-sabay para makita ang resulta.
D. Kukuha ako ng mga liquids tulad ng shampoo, juice, suka, at toyo at ilalagay ko ito sa
kutsara. Pagkatapos pagkukumparahin ang mga ito sa ayon sa bilis ng daloy.
TALAAN NG ISPESIPIKASYON

COGNITIVE PROCESS
DIMENSIONS
Most Essential Learning
Competencies 10
60% 30%
%
A
R p
e pl
m yi
e n
m g
b
N
er
o.
in
of
N g
D
o.
a Item
of U
y Plac
It n
s A E eme
e d
T n v Cr nt
m er
a al al ea
s st
u y u ti
a
g zi at n
n
ht n in g
di
g g
n
g

R
e
m
e
m
b
er
in
g

1 Nauuri ang mga bagay ayon 3 3 1 2 1,2,39


sa katangian/anyo.
Nailalarawan ang solid ayon
2 1 1 1 4
sa kulay.
Nakikilala ang mga solid ayon 1
3 2 2 1 3,28
sa hugis.
Nakikilala ang mga solid ayon 1
4 1 1 26
sa laki at sukat.
Nauuri ang mga solid ayon sa
5 2 2 2 27,29
tekstura.
6 Nailalarawan kung papaano 2 2 1 1 6,40
dumadaloy ang liquids.

Nailalarawan kung paano


7 2 2 2 5,7
nakukuha ng liquid ang hugis
ng lalagyan/sisidlan.

8 Nailalarawan ang lasa at kulay 2 2 1 1 8,11


ng mga liquid.
Nailalarawan ang amoy ng 1
9 2 1 12
mga liquid.
Nailalarawan na ang gas ay
10 sumusunod sa hugis ng 2 1 1 13
sisidlan.
Nailalarawan na ang gas ay
14,15,
11 nakakukuha ng lugar o 3 3 1 1 1
30
espasyo.

12 Nakapagbibigay ng hinuha na 3 2 1 1 9,10


walang kulay ang gas.

Nakikilala ang mga


13 masasamang dulot ng mga 5 5 5 21-25
bagay na makikita sa tahanan
at paaralan.

Nailalarawan ang wastong 1


14 3 2 1 34,35
paraan ng paghawak at
paggamit ng mapaminsalang
bagay.

15 Nasasabi kung ang bagay ay 2 2 1 1 17,18


mainit o malamig.

Nasusukat ang mga


16 2 2 1 19,20
temperature ng tubig galing sa 1
gripo at tubig na mainit.

Nababasa ng wasto ang 1


17 2 2 1 16,31
temperature na nakasaad sa
thermometer.

Nailalarawan kung ano ang


18 mangyayari sa isang bagay 2 2 2 32,36
kapag ito ay nainitan at
lumamig.
Nailalarawan ang mangyayari
19 sa tubig habang sa tubig 3 2 1 1 33,38
habang tumataas ang
temperature o habang
naiinitan ang tubig.

20 Nailalarawan ang nangyayari 1 1 1 37


sa naphthalene ball kapag
nainitan o inilagay sa lugar na
may mataas na temperatura.
8
46 40 7 9 6 6 4 40
Kabuuan

SCIENCE
KEY TO CORRECTION

1. TAMA 11. D 21. A 31. A


2. TAMA 12. D 22. A 32. B
3. TAMA 13. C 23. B 33. C
4. TAMA 14. 24. B 34. D
5. TAMA 15. A 25. C 35. D
6. MALI 16. A 26. A 36. B
7. MALI 17. C 27. Answer Vary 37. A
8. MALI 18. C 28. A 38. D
9. MALI 19. A 29. Answer Vary 39. D
10.TAMA 20. A 30. A 40. D

14.

You might also like