You are on page 1of 48

Pagbasa at Pagsusuri

sa Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
1
Kahulugan at Katangian ng
Pagbasa

Lar. 1. Ang pagbabasa ay bahagi ng pang-araw- araw na gawain ng mga tao.


Mga Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang
sumusunod:
● nalalaman at nauunawaan ang kahulugan at
katangian ng pagbasa;3

● natutukoy ang dalawang kognitibong elemento ng


pagbasa; at
natutukoy ang layunin, damdamin, tono at pananaw ng
teksto.
Mga Panuto
1.Balikan at alalahanin ang paborito mong
aklat o libro.
2.Ibigay at ibahagi ang pamagat nito at
ipaliwanag kung bakit mo ito naging
4

paborito.
3.Ibahagi rin ang paborito mong mga linya o
pahayag sa naturang aklat o libro.
Pamagat ng Paboritong Paboritong Pahayag sa
Aklat o Libro Paboritong Aklat o Libro

Paliwanag: 5
Mga Gabay na Tanong
1.Anong mga bagay ang nag-udyok sayo upang
kahiligan pagbabasa? Ipaliwanag.
2.Ano ang naitutulong sa iyo ng pagbabasa ng
mga aklat o libro tulad ng ibinahagi mo?
3.Sa iyong palagay, dapat bang palaging
6

magbasa ang mga kabataang tulad mo?


Ipaliwanag.
Mahahalagang Tanong
1. Ano ang kayamanang hatid sa tao ng
pagbabasa?
2. Bakit ang pagbabasa ay isa sa
pinakaimportanteng kasanayan na dapat
taglayin ninuman?
7

3. Paano napauunlad ng pagbabasa ang


imahinasyon ng tao?
Ang pagbasa ay isa sa pangunahing kailangan sa
pagkatuto o literacy. Halos 80% ng mga bagay sa
ating paligid ay binabasa o kailangang basahin
(Villamin, 1999). Ilang halimbawa nito ang
pagtiyak ng karatula ng bus kung saan ang ruta
nito, pagsunod sa panuto, pagtingin sa menu ng
isang restaurant, at pagtingin sa presyo ng
8

binibiling produkto. Mahalaga na maunawaan


ang binabasa upang malaman ang mensahe at
impormasyong ipinahahayag.
Alamin Natin
sistematikong paraan para maisagawa ang isang
estratehiya
bagay o gawain

kognitibo paggamit ng isip sa pag-unawa


9

nahihinuha nahuhulaan mula sa mga ibinigay na clue

nakalimbag nakalathala o nakaimprenta sa papel para mabasa


Kahulugan at Katangian ng
Pagbasa
Ang pagbasa ay isang kognitibong kasanayan sa
pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa tekstong
nakalimbag o wikang binibigkas. Ito ay pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag (Bernales, 2009). Karaniwan itong ginagawa
para malibang o matuto ng isang bagong kaalaman.
10

Mahalaga ang pagbabasa dahil nakatutulong itong


mapalawak ang ating kaalaman at pag-unawa sa iba’t
ibang konsepto.
Kahulugan at Katangian ng Pagbasa

11
12
Pag-unawa sa Wika (language comprehension)
Ang pag-unawa sa wika o language comprehension ay
nangangahulugang nabibigyan natin ng kahulugan ang mga
salita dahil bahagi ito ng isang wika na alam at nauunawaan
natin.
Halimbawa, nakababasa ka ng mga salitang Filipino at Ingles
13

dahil marunong ka ng mga wikang ito at naging bahagi na rin


ito ng ating araw-araw na pakikipagtalastasan.
Basahin at suriin ang halimbawang pangungusap na ito:
14
“Mayroong walong pangunahing wika sa Pilipinas.”
 Naiintindihan mo ba ang pangungusap?
Oo, naiintindihan mo ito dahil nakakaunawa ka ng
wikang Filipino.
Ngayon naman ay basahin natin ang ikalawang
15

pangungusap.
“Nagkadto ako sa tyangge para magbakal sang
bugas.”
Naiintindihan mo ba ang binasang pangungusap?
Marahil, kung marunong ka ng wikang Hiligaynon, ay
nauunawaan mo ang binasa nating pangungusap. Ngunit kung
hindi, walang saysay sa iyo ang binasang pangungusap kahit
pa nauunawaan mo ang mga salitang “ako” at “para.”
Ito ang ipinararating ng pag-unawa sa wika, nauunaawan o
16

higit na madali ang pag-unawa sa binabasa kapag may


kaalaman ang mambabasa sa wikang ginamit sa kaniyang
binasa.
Pag-unawa sa Nilalaman (Decoding)
 nangangahulugang nabibigyan natin ng kahulugan
ang salita dahil may nauna na tayong kaalaman
tungkol dito
 nahihinuha natin ang kahulugan at kabuluhan ng
isang salita batay sa impormasyong kaugnay nito
 Ibig sabihin, malaki ang naitutulong ng mga
17

impormasyon, clue o pahiwatig na ipinapahayag ng


teksto upang maunawaan ng mga mambabasa ang
kahulugan at nais iparating nito
iba’t ibang paraan para isagawa ang
decoding
1.sight words
2. Visualization
3. paggamit ng graphic organizer
4. guided reading
18

5. summarizing
Sight Word
 salitang madalas na mabasa sa mga akda
 Wala itong katumbas na larawan o hindi agad
natutukoy ang baybay kapag binigkas
 madalas na tinatandaan na lamang ang itsura ng salita
para mabilis itong mabasa at maunawaan kahit
tingnan lamang ito
Halimbawa
19

mga salitang ang, tulad, lamang, akin, at iyo ay


walang katumbas na larawan. Samantala, ang mga
salitang ng, nang, at mga ay hindi binabaybay ayon sa
pagbigkas
Biswalisasyon
 paggamit ng imahinasyon sa tulong ng mga
nabubuong ilustrasyon o larawan sa ating
isipan para maunawaan ang kabuluhan ng
binabasang teksto
Halimbawa
Nagbabasa tayo ng recipe ng sinigang mula sa isang cookbook.
20

Madali nating nauunawaan ang tinutukoy na mga sangkap at


hakbang sa pagluluto ng sinigang dahil ang teksto ay nakagagawa
ng imahen ng mga sangkap sa ating isipan. Ibig sabihin, habang
binabasa natin ang teksto ay nakagagawa na tayo ng larawan ng
mga ito sa ating isipan.
Grapikong Pantulong
 biswal na representasyon ng mga konseptong pagtutuunan ng
pansin sa pagbabasa
 maaaring gumawa nito bago, habang, o pagkatapos ng pagbabasa
ng teksto

Ilan sa mga grapikong pantulong na ginagamit sa pagbabasa ang


sumusunod:
• Venn diagram para maghambing ng dalawa o higit pang elemento ng
teksto tulad ng tauhan, tagpuan at nilalaman ng teksto;
21

• Process flowchart para sa banghay o pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari; at
• Hierarchy o List chart para sa paglilista ng iba pang elemento, katangian,
o konsepto na inilahad sa isang teksto.
Ginabayang Pagbasa
 ginagawa sa pamamagitan ng paglilista ng mga tanong
tungkol sa babasahing teksto
 magsisilbing gabay sa mambabasa sa mahahalagang
detalye na dapat niyang tandaan habang nagbabasa ng
teksto
Halimbawa
Kung ang teksto ay isang kuwento, maaaring itanong ang
22

tungkol sa tauhan o tagpuan nito. Tingnan ang halimbawa ng


mga gabay na tanong para sa pagsasagawa ng ginabayang
pagbasa.
23
Summarizing
 pagbubuod ng teksto
 ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng
mahahalagang detalye o pangyayari para mabuo ang
kuwento sa pinakamaikling paraan

24
Buhat sa mga tinalakay, bagama’t pangkaraniwan at
bahagi ng pang-araw- araw na buhay ang pagbabasa,
marami pa rin ang dapat na bigyang konsiderasyon
sa matagumpay at epektibong pagsasagawa nito. Sa
tulong ng ganap na pag-unawa sa kahulugan at
katangian ng pagbasa, pag-unawa sa wika at pag-
unawa sa nilalaman, higit na magiging madali sa mga
mambabasa na mas ganap na maunawaan ang mga
25

teksto at impormasyong kanilang binabasa.


Makatutulong din ang mga kaalamang ito sa
pagsusuri sa nilalaman ng teksto kabilang ang
layunin, tono, damdamin at pananaw nito.
Layunin, Tono, Damdamin
at Pananaw
Sa tulong ng epektibong pagbasa madaling
matutuklas ng mga mambabasa ang
ipinahahayag at ipinararating na layunin,
26

damdamin, tono at pananaw ng teksto. Ang


pagtuklas sa mga ito ang magbibigay ng higit na
makabuluhang pag-unawa sa kabuuang teksto.
Layunin
 tumutukoy sa mithiin o nais na nais mangyari ng isang
manunulat o may-akda sa kanyang mga mambabasa
matapos basahin ang teksto
 maaaring nais o gusto ng teksto na mahikayat ang mga
mambabasa na paniwalaan at sundin ang mensahe ng
akda 27

 maari din namang nais nitong mangaral, magbigay ng


impormasyon, at magbigay- aliw sa mga mambabasa
Damdamin
 tumutukoy sa ito sa mga emosyon o saloobing
nalilikha ng mambabasa buhat sa kanilang
pagkakaunawa sa binasang teksto
 maaaring saya, lungkot, takot, galit, pag-ibig,
paghanga, pagkagulat at iba pang
28

pangkaraniwang emosyong nararamdaman at


nararanasan ng mga tao
Tono
 tumutukoy ito sa emosyon o saloobin ng may-akda sa
paksa ng tekstong kaniyang isinulat
 isa ito sa mga nagpapakita ng husay ng mga
manunulat sa pagpapahayag ng gusto nilang
iparating, tulad halimbawa ng mga manunulat o may-
29

akda na kayang gawing magaan ang pagtalakay sa


mga seryosong paksa o usapin
 ang tono ng mga akda ay maaaring nanunudyo,
mapagbiro, masaya o malungkot at iba pa
Pananaw
tinatawag itong punto de vista ng teksto
sinasagot nito ang tanong na “Sino ang
nagsusulat o nagkukuwento sa akda?”
maaaring mas maging
30
malawak at
makabuluhan ang maging pag-unawa ng mga
mambababsa sa teksto
Pananaw
-Makikita ang pananaw ng akda sa tulong ng iba’t ibang
panghalip na ginamit sa teksto.
-Unang panauhang pananaw– ako, ko, akin, atin, natin, tayo,
kami
-Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka,
iyo, kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
-Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila,
kanila 31

Sa kabuuan, higit na mapagtatagumpayan ng bawat indibidwal ang


pagbabasa kung higit din niyang mapapalawak ang kaniyang kaalaman
tungkol sa mga kaugnay nitong konsepto, kabilang na ang kahulugan at
katangian ng pagbasa, pag-unawa sa nilalaman at wika, at pagsusuri sa
layunin, damdamin, tono at pananaw ng akda.
Bakit mahalaga sa pagbabasa
ang pag-unawa sa wika ?
 Mahalaga ang pag-unawa sa wika sa
pagbabasa dahil ang kaalaman sa wika ay
nakatutulong upang
32
maunawaan o
maintindihan ng mambabasa ang kaniyang
binabasa
Posible mo bang maunawaan ang isang
tekstong binasa kahit hindi mo alam
ang wikang ginamit dito? Ipaliwanag.

 Maaaring maunawaan ang isang tekstong


binasa kahit hindi mo alam ang wikang
ginamit dito, kung mayroon mga larawan o
33

kaugnay na konsepto at impormasyong


nakasaad.
May decoding bang magaganap kung
hindi alam ng mambabasa ang wikang
ginamit sa kaniyang binasa? Ipaliwanag.

Maaaring magkaroon ng decoding kung hindi


alam ng mambabasa ang wikang ginamit sa
kaniyang binasa dahil marami namang paraan
34

upang maunawaan ang nilalaman ng teksto


kahit hindi nauunawaan ang wikang ginamit
dito.
Ano- ano ang mga paraan para
maisagawa and decoding?
 Maisasagawa ang Decoding sa
pamamagitan ng mga sight words,
biswalisasyon, grapikong
35
pantulong,
ginabayang pagbasa at summarizing o
pagbubuod.
Paano nakatutulong ang kasanayan sa
pagbasa sa pag-unawa ng layunin,
damdamin, tono at pananaw ng teksto?
 Sa tulong ng epektibong pagbasa madaling
matutuklas ng mga mambabasa ang ipinahahayag
at ipinararating na layunin, damdamin, tono at
36

pananaw ng teksto. Ang pagtuklas sa mga ito ang


magbibigay ng higit na makabuluhang pag-unawa
sa kabuuang teksto.
Isulat sa patlang ang salita o konsepto na
inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula
sa kahon.

pagbasa pag-unawa sa wika


sight word pag-unawa sa nilalaman
layunin ginabayang pagbasa
37

tono biswalisasyon
damdamin grapikong pantulong
____1. Mga salitang madalas na mabasa sa
mga akda.
____2.Paggamit ng imahinasyon para
maunawaan ang kabuluhan ng binabasang
teksto.
____3.Biswal na representasyon ng mga
38

konseptong pagtutuunan ng pansin sa


pagbabasa.
_____4. Isinasagawa sa pamamagitan ng paglilista
ng mga tanong tungkol sa babasahing teksto.
_____5. Emosyon o saloobin ng may-akda sa paksa
ng tekstong kaniyang isinulat.
_____6. Emosyon o saloobing nalilikha ng
mambabasa buhat sa kanilang pagkaka-unawa sa
binasang teksto. 39

_____7. Mithiin o nais na nais mangyari ng isang


manunulat o may-akda sa kanyang mga
mambabasa matapos basahin ang teksto.
______8. Isang kognitibong kasanayan
______9. Sa tulong nito, nabibigyan natin ng
kahulugan ang mga salita dahil bahagi ito ng
isang wika na alam at nauunawaan natin.
______10. Sa tulong nito, nabibigyan natin ng
kahulugan ang salita dahil may nauna na tayong
40

kaalaman tungkol dito.


 
1. sight word
2. biswalisasyon
3. grapikong pantulong
4. ginabayang pagbasa
5. tono
6. damdamin
7. layunin
41

8. pagbasa
9. pag-unawa sa wika
10. pag-unawa sa nilalaman
Basahin at unawaing mabuti ang tekstong pinamagatang
“Magkano ang Iyong Boto” na isinulat ni Rolando A.
Bernales.
Magkano ang Iyong Boto
Ni: Rolando A. Bernales
Magkano ang iyong boto, Mang Juan?
Sapat na ba ang isang kilong bigas
42

At isang maliit na lata ng sardinas?


Aling Maria, inyo rin bang ipinagbibili
Ang inyong pangarap at maging ng inyong
bukas?
Ano o magkano dagdag bayad
43

Na inyong hinihingi kung pati kinabukasan


Nina Boy at Nene ay kasamang babayaran?
Sapat na marahil ang ilang dadaanin
Pambili ninyo ng asin, kamatis at daing..
Hindi n’yo ba naiisip, aling Maria at Mang Juan
Kapag naluklok, mga buwayang kandidato
44

Lalo nilang padudukhain, abang buhay ninyo?


Sapagkat, kung uunlad ang lahat ng
mahihirap
Baka ni isang boto wala silang matatanggap
Dahil wala na ring sa patalim nila ay
45

yayakap
1.Tungkol saan ang binasang akda?
-Ang akda ay tungkol sa eleksyon o
pagboto.
2. Ano ang layunin ng binasang akda?
-Layunin ng akda na manghikayat sa mga
46

mambabasa na maging matalino sa pagboto


at ‘wag itong ipagbili sa kung sinumang
kandidato.
3. Ano ang tono ng akda?
- Mapanudyo ang tono ng akda.
4. Ano ang damdamin o emosyong ipinararating ng
akda sa mambabasa?
-Nagpapahayag ng damdamin ng pagkainis at
pangamba.
5. Sino ang nagsasalita sa akda?
47

- Ang manunulat ng akda ang nagsasalita sa


akda.
MARAMING
SALAMAT!
48

You might also like