You are on page 1of 6

Pangalan _____________________ Taon at Seksyon__________ Kabuuang Marka ________

IKAAPAT NA MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO


Paksa : Mga Dakilang Asyano
Pamagat ng Texto : Pilosopiyang Tsino
Uri ng Texto : Argumentativ
Gamit ng Wika : Pagbibigay ng alternatibong solusyon
Istruktura ng Wika : Mga salita/pangungusap na nagpakita ng alternatibong
solusyon
Kasanayang Pampag-iisip : Pagsasabi ng opinyon at paniniwala
Halagang Pangkatauhan : “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.”
Unang Teksto
CONFUCIUS, DAKILANG PILOSOPONG TSINO
“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”
Ito ang inilahad sa isang bahagi ng aklat ni Confucius, isang pilosopong Tsino, sa isang bahagi ng
kanyang aklat na “Gintong Aral.”
Nagsimula siyang magturo sa gulang na 22 at naglingkod sa pamahalaan subalit dahil sa hindi
magandang pamumuno napilitan siyang tumiwalag dito. Para sa kanya ang unang dapat gawin ng pinuno
ay magpakita ng mga halimbawa sapagkat kailangan bilang pinuno ay magtaglay ng sumusunod na
katangian. Karangalan, pagiging makatwiran, katapatan, at pagmamahal sa kapwa’t utang na loob.
Ayon pa rin sa kanya “kung ang pinuno ay mabuti, lahat ay magiging maayos kahit walang nag-
utos. Kung siya ay hindi mabuti, hindi siya susundin kahit mag-utos.”
Hindi lamang sa pampulitikang aspeto nagbigay ng magandang pilosopiya at kaisipan si Confucius
bagkus sa lahat ng pamumuhay ng tao na dapat niyang lakaran at patnubay sa buhay.
Naririto ang ilan sa kanyang kaisipan na naging gabay ng mga Tsino sa kanilang pamumuhay sa
“Gintong Aklat.”
 Paggalang sa Magulang
Kung walang paggalang ang isang tao sa kanyang mga magulang, ano pa ang pagkakaiba
niya sa isang hayop?
 Buhay at Kamatayan
Kung hindi pa natin nauunawaan ang buhay, paano natin mauunawaan ang kamatayan?
 Mabuting Pamahalaan
Ang unang tungkulin ng isang pinuno ay ang magpakita ng magandang halimbawa.
 Kahinahunan
Ang susi ng lahat ng kaisipan ay ang timbang na panloob na kabutihan at panlabas na
kagandahan ng ugali.
Utang ng mga Tsino ang sistemang etiko-politikal kung saan itinuro ang pagiging huwaran ng
namumuno upang sundin. Siya ay guro, tagahubog ng diwa at karakter ng mga tao. Bagaman hindi siya
nagtagumpay sa layuning magkaroon ng puwang sa pulitika. Ang kaisipang unibersal ng jin. Ito ay
nakatulong sa pagiging makatao, kagandahang-loob at ganap na kabutihan na naging batayan ng
pananalig ng Tsino na dapat maging panuntunan ng lahat.
Kung susuriin ang mga pilosopiyang inilahad mas makabubuting ito’y maging panuntunan ng lahat
upang ang mundo ay maging maayos at mapayapa.
Gawain 1 Kilalanin si Confucius sa pamamagitan ng mga sumusunod na nakatalang deskripisyon.
Pangalan
Nasyonalidad
Pangunahing Katangian
Kakayahang
Pangkaisipan
Hanapbuhay o Gawain
Mga Paniniwala sa
Buhay
Kalagayan sa Buhay
Aral na Naiwan
Gawain 2 Ipaliwanag ng mga impormasyon batay sa texto.

CONFUCIUS

PILOSOPIYA

Buhay Pamahalaan Lipunan


Ikalawang Teksto

PAGMAMAHAL AT PAGGALANG SA MAGULANG


Ayon kay Confucius, isang tungkulin ng anak ang mahalin at igalang ang kanyang mga magulang.
Ang pagmamahal sa magulang ay kailangang laging buhay at taglay ng isang anak. Ang sumusunod ay
ilan sa kanyang aral tungkol sa pagmamahal sa kanyang mga magulang.
“Kung ang iyong ama ay nabubuhay pa, pansinin mo ang kanilang mga kilos at gawi, kayo ay
mapagmahal na anak.”
“Huwag saktan ang damdamin ng inyong mga magulang.” Paglingkuran sila ng naaayon sa mga
kautusan at mabuting asal kung sila’y buhay. Ibigay rin naman sa kanila ang mga karapatang naaayon sa
mga kautusan at mabuting gawi kung sila’y mamatay.
“Kailangang malaman natin ang gulang ng iyong mga magulang.” Ang kanilang katandaan ay
nakapagbibigay ng tuwa at aliw bagaman nagdudulot din naman ito ng kalungkutan.
“Ang pagtutol nang mahusay ay isang mabuting gabay na magagawa ninyo para sa inyong mga
magulang.” Kung mapansin ninyo na ayaw nilang sundin ang inyong mga payo o kuru-kuro mapitagan pa
rin kayo higit pa kayong magsumikap at huwag kayong magsalita nang laban sa kanila.
Gawain 4 Sagutin ang mga gabay na tanong

Mga Anong damdamin ang namayani sa inyo pagkatapos mabasa ang texto? Patunayan.

 Anong mensahe ang nais ipabatid ng sumulat sa mambabasa?

 Nahikayat ka ba sa opinyong nais ipabatid ng sumulat?

C. Pagbibigay ng input ng guro ukol sa tono at uri ng texto.

Tono ng Texto

Tumutukoy sa damdamin at kilos na naghari sa texto. Maaaring


ang texto ay nanlilibak, malungkot, nagagalit, masaya, o kaya naman ay
mabilis, mabagal, papataas o pababa.

Makikilala ang mga ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tiyak


na salitang ginamit ng manunulat.

Textong Argumentativ (Persweysiv)

Ang textong Argumentativ – nagbibigay rin ng impormasyon at


interpretasyon na ang tanging layunin ay hikayatin ang mambabasa
upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.

D. Muling pagbabalik sa lunsarang texto (Confucius, Dakilang Pilosopong Tsino) at ipasuri


ayon sa layon at uri ng texto sa paraang pangkatan.

Pangkat 1 at 2 : Anong damdamin ang nangingibabaw sa texto?

Damdamin Paliwanag Pagtukoy sa Bahagi


Pangkat 3 at 4 :
TEXTO

Layunin
URI
Paraan ng may akda sa pagsulat

 Malinaw ba ang damdaming nais ipahayag ng sumulat?

 Nahikayat ba kayo sa inilahad ng kaisipan ng may-akda?

 Bakit tinatawag na argumentativ ang textong tinalakay?

 Magbigay ng patunay.

E. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri ng mag-aaral.

F. Pagbibigay ng feedback sa narinig na pag-uulat.

 Malinaw ba ang naging talakayan sa pag-uulat na isinagawa?

 May mga impormasyon bang hindi naitala o nabanggit sa pag-uulat?

G. Pagbubuo ng sintesis

 Bakit kailangang marunong tayong sumulat ng textong argumentativ?

 Ano ang kahalagahan nito upang maipahayag natin ang ating damdamin?

PAGSUSURING GRAMATIKAL

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

Sitwasyunal : Paano mo bibigyan ng solusyon ang mga sumusunod na sitwasyon?

1. Salita/Pangungusap na nagpapakilala ng alternatibong solusyon


Pagbagsak ng ating turismo.
– ito ay ang mga sasagot sa tanong na paano masosolusyonan ang
isang
2. suliranin.
Pagtaas ng krimen sa ating paligid.

3. Maaaring gamitnng mga


Kawalang-galang ang kabataan
mga sumusunod na pahayag
sa kulturang Pilipino. sa
pagbibigay ng alternatibong solusyon.
B. Pagbibigay ng guro ng kailangang input upang makilala at magamit ang mga
salita/pangungusap
 Makabubutinasiguro
nagpapakilala ng alternatibong solusyon.
 Higit na mainam kung
 Ganito ang dapat gawin
 Kailangan
 Dapat
 Una mong dapat gawin
 Makabubuting
 Makatutulong nang malaki
 Dapat ay ganito ang gawin
C. Muling pagpapabasa sa textong lunsaran Confucius, Dakilang Pilosopong
Tsino.

D. Pagsusuri ng mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng alternatibong solusyon


(Pangkatan) sa tulong ng Word Listing.

Alternatibong
Solusyon

Salita Parirala Pangungusap

E. Pagpapalalim sa paksa batay sa sumusunod na tanong :

 Sa palagay ninyo, epektibo ba ang paggamit ng mga salita/pangungusap na


nagpapakilala ng alternatibong solusyon?

 Sa palagay ninyo, kailangan pa ba ang kaalaman sa paggamit ng mga


salita/pangungusap na nagpapakilala ng alternatibong solusyon sa pagbuo ng textong
argumentativ?

F. Pagbuo ng sintesis batay sa paksang pinag-usapan.

 Paano nakatutulong ang pagpapakilala ng alternatibong salita sa pangungusap upang


makabuo ng solusyon sa isang suliranin?

I. EVALWASYON

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Magpakita ng larawan ni Mohandas Ghandi at pasagutan ang tala sa ibaba.


Alam Na Gustong Malaman Nalaman Na

B. Pagbabasa isa pang halimbawa ng textong argumentativ “GANDHI AMA NG


DEMOKARASYANG INDIA.”

GANDHI, KAMPEON NG MASA

Kung ang bansang India ang mababanggit sa kasaysayan, hindi maaaring di-mabanggit ang
pangalang Mohandas Kapramchand Gandhi sapagkat gumanap siya ng napakahalagang bahagi ng
kalayaan ng India sa pamamagitan ng paraang passive resistance.

Naniniwala si Gandhi na ang lakas ng kaluluwa (Ahimsa) ay malaking puwersa laban sa mga
kaaway. Para sa kanya, higit na mainam na lumaban sa matahimik na paraan sapagkat kung sasaktan sila
ng mga kolonyalista, ang mga ito ay hindi patutulugin ng kanilang konsensya hanggang mapagtanto nila
na masama ang kanilang ginagawa at sila ay magbago.

Nang panahong iyon ay magulo sa India. Kabilang ang mga karahasan at kaguluhan. Umabot sa
400 ang namatay at 1,200 ang nasugatan sa mga Hindu, sapagkat tinututulan nila ang hindi
makatarungang pagbubuwis.

Bilang kinikilalang pinuno ng panahong iyon nais ni Gandhi na mapigil na ang pagdanak ng dugo.
Nag-umpisa siyang magpinitensya at hindi kumain ng maraming araw dahil para sa kanya sa ganitong
paraan lamang malalabanan ang mga mapaniil na Britanya.

Dahil sa kanyang ipinaglaban, maraming Hindu ang nagmartsa sa lansangan. Ang mga Ingles ay
nagkaroon ng takot sa maaaring ibunga ng pangyayaring ito. Maaaring magdulot ito ng higit pang
kaguluhan. Kaya minabuti ng 300 pinunong Ingles na magbitiw sa tungkulin. Nawalan ng saysay ang batas
ng mga Ingles sa asian.

Ang mga pangyayaring ito ang gumising sa buong bansa upang tularan ang mga panuntunang
ginawa ni Gandhi.

Bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan siya ay tinaguriang “Ama ng Masa” ng buong daigdig
dahil sa di-matatawaran niyang ambag sa kasaysayan.

C. Pagsusuri sa binasang texto batay sa salita/pangungusap na nagpapakilala ng


alternatibong solusyon.

D. Pagpapasulat ng textong argumentativ sa tulong ng ibinigay na pamagat. Bago sumulat,


pabubuin muna ng guro ng angkop na mga salita/pangungusap ang mga mag-aaral.

PAMAGAT

simula

katawan

wakas

E. Pagpapahalaga sa sinulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa.


F. Pagbibigay ng faynal na input tungkol sa tinalakay na aralin.

PAGMAMAHAL AT PAGGALANG SA MAGULANG

Ayon kay Confucius, isang tungkulin ng anak ang mahalin at igalang ang kanyang mga magulang.
Ang pagmamahal sa magulang ay kailangang laging buhay at taglay ng isang anak. Ang sumusunod ay
ilan sa kanyang aral tungkol sa pagmamahal sa kanyang mga magulang.

“Kung ang iyong ama ay nabubuhay pa, pansinin mo ang kanilang mga kilos at gawi, kayo ay
mapagmahal na anak.”

“Huwag saktan ang damdamin ng inyong mga magulang.” Paglingkuran sila ng naaayon sa mga
kautusan at mabuting asal kung sila’y buhay. Ibigay rin naman sa kanila ang mga karapatang naaayon sa
mga kautusan at mabuting gawi kung sila’y mamatay.

“Kailangang malaman natin ang gulang ng iyong mga magulang.” Ang kanilang katandaan ay
nakapagbibigay ng tuwa at aliw bagaman nagdudulot din naman ito ng kalungkutan.

“Ang pagtutol nang mahusay ay isang mabuting gabay na magagawa ninyo para sa inyong mga
magulang.” Kung mapansin ninyo na ayaw nilang sundin ang inyong mga payo o kuru-kuro, maging
mapitagan pa rin kayo at higit pa kayong magsumikap at huwag kayong magsalita nang laban sa kanila.

You might also like