You are on page 1of 5

PAGSULAT NG REPLEKSIBONG SANAYSAY

Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa


paglalarawan o paglalahad ng kuwento. Nangangailangan ng mataas na
kasanaya sa pag-iisip gaya ng mapanuring kamalayan at mapanuring diwa.

Sa akademikong repleksiyong papel mahalagang gumamit ng


dekriptibong wika.

Ang pagsulat ng akademikong repleksiyong papel, mahalagang gumamit


ng deskriptibong wika. Sa pamamagitan nito maipababatid sa mga
mambabasa na nauunawaan at lubos na pinag-iisipan ang paksa. Dahil ito
ay nakabatay sa karanasan, inaasahang magsusulat dito tungkol sa sarili,
mga ideya at opinyon kaya’t hindi problem ang paggamit sa panghalip na
“ako”.

REPLEKSIBONG SANAYSAy

 Ito ay hango sa dalawang salita ito ay “Repleksyon” at “Sanaysay”.


Repleksyon ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw,
sanaysay naman ay nangangahulugang isang maikling komposisyon na
kalimitang naglalarawan ng personal na kuro-kuro ng may akda.

 Ito ay isang masining na pagsulat ng may kaugnayan sa pansariling


pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Sa madaling
salita isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay na sanaysay.
-Mga sulating maaaring nasa ayon ng personal na sanaysay-

•Journal •Dairy •Reaksiyong papel •Learning log

KAHALAGAHAN NG REPLEKSIBONG SANAYSAY


Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay tayo ay nagpapahayag ng
damdamin, at may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapuwa at
kapaligiran.

-3 Kahalagahan-
 ito ay proseso ng pagtuklas
 sa pamamagitan nito ay natutukoy natin ang ating kalakasan at
kahinaan.
 hinahasa ang kasanayan sa metacognition o ang kakayahang suriin at
unawain ang sariling pag-iisip.

Sinang-ayunan nina DI Stefano, Gino Pisara at Staats (2014) ang pahayag ng


isang amerikanong pilosopo,sikologo ag edukador nasi John Dewey, ito ay…

“Hindi tayo natututo sa karanasan…natuto tayo sa pagbubulay sa ating


karanasan.” -JOHN DEWEY

Dahil sa pag-aaral nila DI Stefano, Gino Pisara at Staats (2014) nangiging


mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng
repleksyon.

2
2 KATANGIAN NG REPLEKSIBONG SANAYSAY

•Personal ang repleksibong sanaysay, sa sulating ito ay sinasagot ng


manunulat ang mga repleksibong tanong upang maipakita ang ugnayan sa
manunulat sa kanyang paksa.
Hal.
- Ano ang iyong reaksiyon sa pinanood mong teleserye?
- Ano ang paborito mong asignatura sa paaralan at bakit?
- Paano mo iuugnay ang sarili mo sa pangunahing tauhan sa binasa mong
nobela?

•Personal at Subhetibo may sinusunod parin itong direksiyon. Maari ito


sa pagsulat ng talaarawan, ngunit hindi ito tanggap sa pagsulat ng
repleksiyon lalo na kung akademiko ang layunin niyo.

PAGSULAT NG REPLEKSIBONG SANAYSAY


Bago magsulat ng repleksibong sanaysay may mga tanong na dapat
nating itanong sa ating sarili

Mga tanong;
1. Ano ang pakiramdam ko sa paksa?
2. Ano kaya ang magiging epekto nito saakin?
3. Kung maapektuhan ako nito, bakit? Kung hindi man, bakit?
4. Magtanong ng magtanong (huwag limitahan ang mga tanong)

At kapag na sagot na ang mga ito, maari nang simulan ang pagsulat

3
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKSIBONG SANAYSAY

Ilista ang mga tanong at ibuod


 Mga nagsisilbing pangunahing ideya or tesis
 Tukuyin ang mga argumento o ideyang susuporta dito

Ilahad ang mga ito sa mga talata sa siyang bubuo ng papel


 Ebidensya o makatotohanang pahayag
 Nagbibigay ng bigat at sustansya sa repleksyon

Konklusyon
 Ibuod ang pangunahing ideya o tesis
 Maaring mag-iwan ng mga tanong
(Hal. Tungkol sa kung ano ang pananaw ng iba sa paksa?)
 Maaring hamunin ang mambabasa

Matapos isulat ang paksa, balikan ang nga unang itinanong sa sarili

1. Ito ba talaga ang pakiramdam ko sa paksa?


2. Ito ba talaga ang naging epekto nito sa akin?
3. Naapektuhan ba talaga ako ng aking isinulat? Kung hindi, bakit kaya?

Ang pagtatanong na ito ay paraan upang masiguro ang katapatan sa


pagsulat ng repleksibong sanaysay. Maging tapat sa iniisip at nararamdaman
habang isinusulat ito, kung hindi mawawalan ng saysay ang pagsulat nito.

4
5

You might also like