You are on page 1of 7

Saint James High School

Curato St., Brgy. 5, Buenavista, Agusan del Norte


SEC Reg. No. PW00001134
Telefax (085) 343-4332 343-4834

MODYUL PARA SA FILIPINO 11


(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

MELC’S
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa – 98)
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU – IIIb – 89)
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig (F11PB – IIId – 99)
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS – IIIf – 92)

Paksa: ARALIN 2
Tekstong Deskriptibo/Naglalarawan

 Ang tekstong Deskriptibo/Naglalarawan


 Ilang tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba pang Teksto
Ano ang matututunan mo?
Ang layuning pagkatuto ng modyul na ito ay:
1. makapagtatalakay sa iba’t ibang mga elemento sa pagsulat ng isang tekstong
deskriptibo;
2. makasusuri sa halimbawang ibinigay para sa isang Tekstong deskriptibo;
3. makakasulat ng isang paksa gamit ang tekstong deskriptibo.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?


Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling pagkatuto at pag-unlad.
Gamitin mo ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan
at wasto sa iyo ang paggamit, kailangang maging malinaw sa iyo ang mga nararapat
gawin at sundin. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang paggamit nito basta’t
sagutan ang mga gawaing nakahanda at basahin at intindihing mabuti ang panuto.

Tungkol saan ang Modyul na ito?


Ang ating magiging asignatura sa semestre na ito ay nakatuon sa pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang makatutulong upang makabuo kayo sa huli ng isang
makabuluhang pananaliksik. Ang inyong pananaliksik na gagawin ay siyang
makakatulong upang sa gayon ay mapapaunlad at mapapanatili ninyo ang wika at
kulturang ating kinalakihan. Upang matamo ito, nararapat lamang na matuto kayo na
sumulat ng iba’t ibang uri ng teksto. Ang pangalawang teksto na inyong matututonang
isulat ay ang TEKSTONG DESKRIPTIBO/NAGLALARAWAN.
Talakayin natin!
Tekstong Deskriptibo/Naglalarawan
o nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang
taglay ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari.
o Ito ay tumutugon sa tanong na “ANO”.

o Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito
ng iba ay parang nakita narin ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
o Karaniwang gumagamit ng pang-uri at pang-abay

o Pangunahing layunin ng tekstong naglalarawan ay ang makabuo ng isang


malinaw na biswal , larawan at imahen sa isipan ng mambabasa sa
pamamagitan ng madetalyeng paglalarawan.

o Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa limang pandama:

 Paningin
 Pandinig
 Panlasa
 Pang-amoy
 Pandama

 PANINGIN
 Matangkad na lalaki
 Maganda ang mga mata
 Kulay berde ang halaman
 Kay tangkad mo, para kang poste

 PANDINIG
 Maingay sa plaza
 Mahina ang iyong boses
 Malakas ang kaniyang sigaw

 PANLASA
 Maasim ang sinampalukan
 Maanghang ang Bikol Express
 Halos mapaso ang dila ko sa anghang ng Bikol Express na ulam namin kanina.

 PANG-AMOY
 Mabango ang nilabhan
 Mabaho ang basurahan
 Masusuka ako sa baho ng kanal sa labas

 PANDAMA
 Mahapdi ang sugat
 Malamig ngayong gabi
 Nasunog na ang balat ko sa tindi ng init ng araw
COHESIVE DEVICES
 Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
 Ito ay ginagamit upang malinaw at mas maayos ang daloy ng mga kaisipan sa
teksto.

1. REPERENSYA
 Higit na magiging mabisa ang diwang ipinahiwatig ng isang talata
kung hindi mag-uulit ng mga pangalan.
 Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumutukoy o maging
reperensya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay
ginagamitan ng panghalip.

A. ANAPORA
 Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o
sino ang tinutukoy.
 Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangalan sa unahan ng pangungusap.

HALIMBAWA:
 Ang aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging
mabuting kaibigan.

(Ang ito sa ikalawang pangungusapat tumutukoy sa aso na nasa


unang pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap
upang malamn ang tinutukoy ng panghalip na ito.)

B. KATAPORA
1. Kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang
tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto.

HALIMBAWA:

Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga


at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap
sa aking pagdating ay sapat na para makapawi sa kapaguran hindi lang
ang aking katawan kundi ang aking puso at isipan.

( Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong


kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa.)

2. Substitusyon
2. Ang Substitution ay nangangahulugan at tumutukoy sa pagpapalit o
pagbabago at paglalagay ng pamalit sa isang nawalang bagay
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.

HALIMBAWA:

Nawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang kita ng bago.

( Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa


ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa
iisang bagay, ang aklat.)
3. ELLIPSIS
 May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap.

HALIMBAWA:

A. Bumili si Ginang apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.


(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng nagbabasa dahil nakalahad na ito sa unang bahagi ng
pangungusap.)

B. : Pumunta si Erick sa tindahan at bumili si Erick ng tinapay.


: Pumunta si Erick sa tindahan at bumili ng tinapay.

4. KOHESYON LEKSIKAL
A. Reiterasyon- – Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.

1. PAG-UULIT O REPETISYON – Maraming bata ang hindi nakapapasok sa


paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang edad.
2. PAG-IISA-ISA - Nagtatanim sila ng gulay sa bakuran. Ang gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.
3. PAGBIBIGAY -KAHULUGAN- Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula
sa pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng
ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
Mga Pangunahing Paksa

1. MGA TAO/ TAUHAN


 Hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol
sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din.
 “Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maong at putting kamiseta. “
 Ang pinakamahusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa
pahina ng akda ngunit pati sa puso ng mga mambabasa.
 Mapipintog ang kaniyang mga muscle. Usbong ang kaniyang kalamnan.
Buo ang dibdib, bakat ang mga ugat. Samakatuwid, matipuno ang
kaniyang katawan. Nag-iimbita sa isang pagtanggap na maganda ang
templo ng kaniyang pagkatao. Manipestasyon na buo ang kaniyang
pagkalalaki, ang kaniyang pagkatao.

 Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at


nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa taong inaataki ng
malaria. Ang totoo’y may sakit siyang talaga. Parang nakasabit na lang
ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan, at
nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kaniyang namumutla at
nagluluhang mata.
2. MGA BAGAY

 Sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at


ito rin ang magbibigay nang mas malalim na kahulugan dito.

 Maaaring ilahad ang kwento sa likod ng bagay kung paano ito


nagging makabuluhan sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.

HALIMBAWA:

 Makislap na animo’y hinugot sa pusod ng dagat na nabudburan ng


lahat na uri ng mga perlas. Makintab ang panlabas na anyo nito.
Solido naman ang panloob na akala mong isang kongkretong
pundasyon. Nagagamit ang bagay na bilang pantulong upang
mahubad ang lisya at dumi ng katawang tao.

 Sa tuwing itatayo ko ang krismatri kapag nalalapit na ang kapaskuhan


ay parang laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga mga
palamuti. At hindi basta-basta palamuti, yung mamahalin. Pagkatapos
ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang
bulaklak naman ang binili ko.

 Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismastri. “ Ang


ganda!” Ang may pagkamanghang sabi ng bawat nakakakita.
Malalaki at makikintab na polang bola, malalaki at magagandang
pulang poinsettia… Ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?

3. MGA LUGAR/ TAGPUAN

 Ano ang hitsura ng tagpuan at ng kapaligiran nito?

HALIMBAWA:
Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray, nakaririmarim na
basura, naglipanang langaw, mga mangangalakal ng basurang
nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan, nakapanlulumong
kahirapan at kapangitan.

 Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid?

HALIMBAWA:
Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa mga gawain, iyakan
ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal, ingay ng mga
trak na nagdadala ng basura, hugos ng basurang ibinabagsak sa
tambakan, busina ng mga sasakyan sa di kalayuang kalsada.

 Anong amoy ang namamayani?

HALIMBAWA:
Masangsang na amoy ng nabubulok na basura, amoy ng usok na
angmula sa bunton ng mga basura, amoy pawis ng usok na na
nagmula sa mga basurerong bilad sa araw, maaasim na na amoy
ng mga batang hindi pa napapaliguan ng ilang araw, amoy ng
tuyong iniihaw sa kalan.

 Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?

HALIMBAWA:
Maiinit o maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit na pawis at
alikabok, hindi komportable, nakaririmarim o nakadidiring bagay
sa paligid, kawalan ng pag-asa.

 Ano ang lasa ng mga pagkain dito?

HALIMBAWA:
Medyo may katigasan na laman na manok na nagsisimula nang
mapanis kaya’t maasim na , masebo at matabang na karne mula
sa karnderyang nilalangaw.

4. MGA PANGYAYARI

HALIMBAWA:
 Ang Mal a Aldo o Mahal na Araw ang pinakamahalagang araw ng
taon para sa mga Capampangan. Ayon sa iba, ang
pagpipinetensiya ay isang marahas na ritwal sapagkat
isinasagawa ng ilang Pilipino, lalo na ng mga Capampangan, ang
tila madugong tradisyong palabas sa daan.

5. IDEYA O KONSEPTO

HALIMBAWA:
 Hindi mo malalaman kung ano ang dapat isipin o gawing
desisyon. Ito ang bumabagabag sa aking diwa. Ito ang
sumusulyak sa aking damdamin. Ito ang nagpapagulo sa aking
ulirat. Sa tuwing naiisip ko ito, halos pinupunit nito ang aking
pagkatao. Sa tuwing nararamdaman ko ito, hinihiwalay nito ang
aking katawan at kaluluwa. Bumabagabag ito sa aking kabuuan.
Sa aking kamalayan.

6. DAMDAMIN O EMOSYON
 Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan
sa tauhan ngunit ito ay nakapokus sa kaniyang damdamin o
emosyong taglay.

o Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Maaninag ng mambabasa


mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay
nito.

HALIMBAWA:

Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kaniyang


paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama.
Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang naunuyo niyang
mga labi.

o Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang


emosyon o damdaming taglay niya.

HALIMBAWA:

“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya’t dapat lang
na sa hulihan kayo pumila!”

o Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng


tauhan minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o
emosyong naghahari sa kaniyang puso at isipan.
HALIMBAWA:

“Umalis kana!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim bagang na
nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula
sa kaniyang mga mata.
o Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita.

HALIMBAWA:
Ito na marahil ang pinakamadilim na sandal sa kaniyang buhay. Maging ang langit ay
lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.

Gawin at Isumeti!
Gawain #1
PANUTO: Sa bondpaper, magdikit o magprint ng isa o higit pa na mga larawang
nagpapakita ng isang lugar na pinakapaborito mong napuntahan. Magsulat ng isang
tekstong naglalarawan ukol sa lugar at iyong mga karanasan sa pagpunta doon. Ang
inyong susulating teksto ay hindi bababa sa 150 bilang ng mga salita.
Siguraduhing kayo ay nakasunod sa format na nasa ibaba kung gusto niyong I print ang
inyong output. . Maaari namang gumamit ng sulat kamay ngunit siguraduhing malinis at
madaling maintindihan ang pagkakasulat.
Saint James High School
Brgy. 5, Buenavista, Agusan del Norte
FORMAT:
SHORTBONDPAPER PANGALAN:___________________
PAMAGAT NG
FONT SIZE: 11 ASIGNATURA:__________
BAITANG AT
FONT STYLE: ARIAL SEKSYON:_______________
CRITERIA: GURO:_______________________

Nilalaman at tamang impormasyon- 15


Orihinalidad- 15
Tamang paggamit ng wika at bantas- 10
Kabuohan 40 puntos

Gawain #2
PANUTO: Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat
isa upang makasulat ng mga halimbawa ng tekstong deskriptibo.

1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board


exam ay gawin mong mas mabisa ang paglalarawan sa
damdamin niya. Bumuo ka ng isang diyalogo.
2. Walang patid ang pagluha ni Bea dahil sa pagkabigo ng kanyang
unang pag-ibig. May mahal palang iba ang taong pinakamamahal
niya. Gumamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita sa
paglalarawan sa kanyang emosyon o damdamin.
3. Maglarawan ng isang uri ng pagkain kung saan halos matakam
ang mambabasa dahil sa pagkalalarawan mo sa itsura, amoy at
lasa nito.

You might also like