You are on page 1of 32

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
Ikatlong Kuwarter

Ikalawang Semestre, 2022- 2023


EMILY J. MACALTAO
GURO III
PANALANGIN:
Balik-aral:
Sabihin kung ang mga sumusunod na
pahayag ay Kasama o Hindi kasama sa
katangian at konsepto ng PERSUWEYSIB.

1. May layuning manghikayat at


mangganyak.
2. Tulungan ang iba na makita ang iyong
pananaw at sang- ayunan ito.
3. Kailangan ang exaherasyon o
pagmamalabis ang paglalahad.

4. Hindi kailangan ang mga katibayan


sa sulatin.

5. Dapat umaayon sa katibayan,


katotohanan at mga ideya.
kkhkhkk
Kasanayang Pampagkatuto:

Naibabahagi ang kahulugan at


katangian at kalikasan ng iba’t
ibang tekstong binasa. (F11PS –
IIIb – 91)
Mga Tiyak na Layunin:

a. Natutukoy ang tekstong deskriptibo at ang


mga uri nito;

b. Nakalalahok nang may kasiglahan sa mga


gawain; at

c. Nakabubuo ng isang tekstong deskriptibo.


TEKSTONG
DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay
nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
bagay, lugar at maging ng mga katangiang
taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon ito sa tanong
May Ginto sa Kapaligiran

Tumingin sa paligid. Tumingala sa


kalawakan.
Damhin ang hanging dumadampi sa balat.
Tingnan ang lupang tinatapakan….
Pansinin ang lawak at masasabing
“Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng
Maykapal sa kanyang
nilikha!’ Malalawak ang kabukiran,
kagubatan at karagatang
nagtataglay ng makukulay na kaanyuan.
Paraisong kaysarap tirahan!
1. Anong uri ng teksto ang
inyong binasa?

2. Bakit nasabing ito ay


isang deskriptibong
teksto?
URI NG
PAGLALARAWAN
KARANIWANG PAGLALARAWAN

Layunin nito ang magbigay ng kaalaman


hinggil sa isang bagay ayon sa
pangkalahatang pangmalas ng manunulat.
Sa pamamagitan ng tiyak na salitang
naglalarawan, naipapakita ang fisikal o
konkretong katangian. Higit na
binibigyang-diin sa paglalarawang ito kung
ano ang nakikita at hindi ang nilalaman ng
Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang
impresyon ng sinumang makakaharap ni Linda.
Dala marahil iyon ng kanyang mapang-akit na
mga mata na nakahahalina sa sinumang
makakakita nito. Ang kanyang namumurok na
pisngi at ang napakalalim na biloy ay lalong
nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay
tumawa.
- Anonymous
Anong uri ng Sa paanong
teksto ang paraan
inyong nagbigay ng
binasa? paglalarawan
ang teksto?
MASINING NA PAGLALARAWAN

Naglalayong pukawin ang guni-guni


at damdamin ng mambabasa. Higit na
nabibigyang- diin dito hindi ang tiyak
na larawang nakikita kundi ang
makulay na larawang nalilikha ng
imahinasyon.
Gumagamit ito ng mga
salitang nagpapaganda
rito gaya ng mga tayutay
at iba pang mga salitang
talinghaga.
Sipi mula sa Bahay na Bato
ni Antonio B.L. Rosales
Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos
ng bagyo ay higit pang malaki ang ipinagbago ng
Magdalo kaysa sampung taong pagkawalay nila sa
nayon niyang ito. Halos lahat ng nakikita niyang
kabaguhan ay likha ng nakapag-aalimpuyong hangin
at ulan.
Gaya ng dati, ang malumot nang munting
simbahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng
hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ng
luklukang kawayang mahahabang oras din
pinapag-init niya samantalang nakikipag-
inuman siya ng tuba, nakikipagtayugan ng
mga pangarap sa kanyang mga kapwa bata.
Anong uri ng teksto ang
inyong binasa?

Sa paanong paraan
nagbigay ng paglalarawan
ang teksto?
1. Pamilya

2. Komunidad

3. Bansa

4. Daigdig
RUBRIK/PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA

DIMENSYON PUNTOS

1. Nilalaman 50%
2. Kalinawan, kaisahan at kaugnayan 30%
3. Wastong gamit ng mga salita, wastong
baybay 20%
Paglalapat:

Ano-anong mga aral ang napulot sa mga


naunang aktibidades sa klase?
(Panalangin, Balik-aral, Pagbuo ng teksto,
Pangkatang –Gawain)
Paglalahat:

Ano ulit ang tinalakay sa araw na


ito?

Ano ang pagkakaiba ng dalawang uri


ng tekstong deskriptibo?
PAGTATAYA:
Panuto: Isulat kung ang paglalarawang
ginamit sa mga sumusunod na pahayag
ay Karaniwan o Masining na
paglalarawan.

1. Sadyang masaya at malungkot ang


umibig.
2. Nakabibighani ang kanyang ngiti.
3. Lubhang napinsala ng bagyo ang kanilang
bayan.

4. Sa wari ko’y masarap manirahan sa


baryo.

5. Anong ligaya ng puso sa tuwing ika’y


mamasdan.
TAKDANG- Sumulat ng
ARALIN: isang
Deskriptibong
Sanaysay
patungkol sa
sarili.

You might also like