You are on page 1of 6

FILIPINO 102- MODULE 3

PANGALAN:___________________________________________________ TRAK AT SEKSYON:__________________

ARALIN 2: TEKSTONG DESKRIPTIBO


Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:
 Magamit ang kakayahan sa paglalarawan ng isang bagay o konsepto;
 Matukoy ang isang teksto bilang isang tekstong deskriptibo;
 Magamit ang kahusayan sa paglalarawan ng isang kaisipan tungo sa pagsulat;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo; at
 Makasulat ng isang tekstong deskriptibo.

GAWAIN 1- SIMULAN NATIN! (5 puntos bawat isa)

Basahing mabuti ang paglalarawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang tila nangungusap. Di
ko mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na
sana ako sa kanya subalit alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking
bawat galaw, tila nang-akit upang siya’y balikan, yakapin, at ituring na akin. Siya na nga at wala nang iba
ang hinahanap ko. hindi ako makapapayag na mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos
magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan. “Manong, ang asong iyan na ang gusto ko.
Siya na nga at wala nang iba. Babayaran ko at nang maiuwi ko na.”

1. Naging epektibo ba ang ginawang paglalarawan? Bakit?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________

2. Naisip mo ba agad na isang aso pala ang inilarawan?__________


Anong bagay ang una mong inakalang inilarawan batay sa mga naunang pangungusap?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________
3. Anong katangian ng talata ang sa palagay mo ay agad nakakukuha sa atensiyon ng mambabasa?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________
May mga tekstong kapag binasa, may imahen o
larawang nabubuo sa isipan ng bumabasa. Ganito ang
layunin ng tekstong deskriptibo. May natatanging ALAM MO BA?
halaga ang tekstong deskriptibo bilang isang
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring
sanggunian sa pagsulat ng isang pananaliksik:
maging subhetibo o obhetibo. Masasabing subhetibo ang
a) ito ay nakatutulong sa pagpapagalaw ng isip paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng
sa pagbuo ng isang imahen. Paglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit
nilalaman ang instrument ng tekstong ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang
deskriptibo. mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
b) Gumagamit dito ng mga salitang panuring o katotohanan sa totoong buhay. Ito ay karaniwang
naglalarawan, tulad ng pang-uri at pang-abay. nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo
c) Maaaring inilarawan dito ang tao, bagay, tulad halimbawa ng mga tauhan sa maikling kuwento.
pangyayari o sitwasyon, ideya, konsepto o Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga tauhan kaya’t
isang kaisipan at kilos na may mahalagang ang lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay lamang
ang kanyang imahinasyon. Ang ganitong uri ng
bisa sa paghahatid ng makabuluhang
paglalarawan ay maituturing na subhetibo. Halimbawa’y
mensahe.
maaari niyang ilarawan ang tauhan sa ganitong paraan:
“Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na
ngiti, at mga matang may taglay na halina sa sinumang
makakita. Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan
ng taos-pusong pagbati sa bawat makasalubong ay
Dalawang uri ang tekstong deskriptibo. dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng iba.”
Walang pinagbatayang totoong tao ang paglalarawang
1. Karaniwang paglalarawan – ito ay kadalasang
ito subalit sa pagnanais ng manunulat na maikintal sa
gumagamit ng mga payak na anyo ng pananalita sa
isipan ng mambabasa ang isang positibong tauhan sa
paglalarawan.
kanyang akda ay ginamit niya ang ganitong paglalarawan
Halimbawa: sa kanyang pangunahing tauhan.

1. Nakakalbo na ang ilang kabundukan sa Luzon. Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y
2. Malakas ang hagupit ng hanging dala ng bagyo. may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang
3. Buhat-buhat ng inang Aeta ang kaniyang anak lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa
habang naglalakad sa kapatagan magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang
4. Matindi ang pagmamahalang namamagitan sa mga mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga
nag-isang dibdib na iyon salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya
5. Humahalimuyak ang sangsang ng pabangong binili maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng
niya sa ibang bansa. kanyang paksa. Halimbawa’y hindi niya maaaring
~ Kung susuriin ang mga halimbawang sabihing “nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik
sa paaanan ng luntiang hagdan-hagdang palayan ng
pangugusap, gumamit dito ng mga payak na pang-uri
Banaue” sapagkat wala namang kalapit na karagatan ang
o pang-abay upang ilarawan ang mga imahen:
lugar na nabanggit. Sa halip, maaari niyang banggitin ang
2. Masining na paglalarawan - maaaring hindi payak malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng
ang pamamaraan ng pagbuo ng mga malikhaing hagdan-hagdang palayang pinagmumulan din ng patubig
paglalarawan subalit gumagamit pa rin ito ng mga sa mga nakatanim na palay. Dito’y masasabing obhetibo
salitang panuring na ang kaibahan lamang ay nasa ang paglalarawan sapagkat nakabatay sa katotohanan.
mataas at mas mabulaklak na pamaraan. Ang
paggamit ng mga paglalatawang imahen ang nagiging
dahilan din ng pagkakaroon ng higit na mas malalim
na pagbibigay-kahulugan sa isang imahen. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa sa ibaba:

Magkasalo tayo sa isang hapag, Ikaw, sa kabilang kanto n gating kinauupuan Ako, sa iyong harapan.
Humingi tayo sa serbedora n gating pagsasaluhan. Inihain ang paborito nating pagkain. Sapat nang sulyapan
ka samantalang ngumunguya ka. Sapat nang mapagsalo nating ang simpleng biyaya para sa ating dalawang
may pusong tumutugma sa kalikasan ng pagmamahal.

~ Kung susuriin ang halimbawang maikling teksto, may nais itong buuing imahen. Nasa pamamaraan na ito ng
interpretasyon ng mambabasa kung anong solidong imahen ang mabubuo sa kaniyang diwa. Sapagkat malikhain,
maaaring magkaroon ito ng ibang pagpapakahulugan. Ang mahalaga, tulad ng layunin ng isang tekstong deskriptibo,
makabuo ng imahen sa diwa ng bumabasa ng teksto.
GAWAIN 2: Magbigay ng (3) pangungusap sa bawat uri ng tekstong deskriptibo.

Karaniwang paglalarawan: (2 puntos bawat numero)

1. __________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________

Masining na paglalarawan:

1. ___________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________

Gamit ang Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba
pang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong
gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga
kaisipan sa isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na
pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan
kaya’t kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at
kahulugan ng bawat bahagi nito.

5 Pangunahing Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal

1. Reperensiya (Reference)---Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumutukoy o maging


reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anaphora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung
nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa teksto).

Halimbawa:
 Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang
pangungusap. Kailangan balikan ang unang pangungusap upang malaman ang
tinutukoy ng panghalip na ito.)
 Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay
sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang aking katawan kundi ng aking puso at
damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid.
Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang
pagbasa.)

2. Substitusyon (Substitution)---Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang


salita

Halimbawa:
 Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)

3. Ellipsis---May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o


magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag
para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
 Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat
dahil nakalahand na ito sa unang bahagi.)

4. Pang-ugnay---Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa


sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na
nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan nga mga pinag-ugnay.

Halimbawa:
 Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman
ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal---Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng


kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.

a. Reiterasyon---Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.

(1) Pag-uulit o repetisyon---Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

(2) Pag-iisa-isa---Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.

(3) Pagbibigay-kahulugan---Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga


pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila
para sa hapag-kainan.

b. Kolokasyon--- Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa


isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ng isa. Maaaring magkapareha o maaari ding
magkasalungat.

Halimbawa:
 nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, doctor – pasyente
 puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap
GAWAIN 3

Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa upang makasulat ng mga
halimbawa ng tekstong deskriptibo. (5 puntos bawat numero)

1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawain mong mas mabisa
ang paglalarawan sa damdamin. Bumuo ka ng diayalogo ni Len na nasasaad ng narramdaman. Isulat ang
diyalogo sa mga linya.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang kaarawan.
Ilarawan mo ang damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang gnawa na nagpapakita ng labis na
pagtatampo.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Walang patid ang pagluha ni Bea dahil sa pagkabigo ng kanyang unang pag-ibig. May mahal palang
iba ang taong pinakamamahal niya. Gumamit ng tayutay o matatalinghagang pananalitang maglalarawan
sa damdamin o emosyon ni Bea.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 4- ILAPAT NATIN!

Pakinggan ang kantang “kapaligiran” ng bandang Asin at iguhit sa isang bondpaper ang nabuong imahenasyon sa
napakinggang kanta. Huwag kalimutang ilarawan at ipaliwanag ang iginuhit.

Kahusayan sa paglahad ng imahen sa isipan ng mambabasa gamit 10


ang paglalarawan.
Sistematiko at kahusayan sa paggamit ng cohesive device 10
kabuoan 20 puntos

Mga Estratehiya sa Mabisang Paglalarawan


Mahalagang pumili ng anggulong gagamitin sa paglalarawan. Halimbawa, kung ang ilalarawan ay isang aktibidad sa
paaralan, pagpasiyahan kung ang paraan ng paglalarawan ay mula sa anggulo ng nanonood sa aktibidad o ng mga taong
mismong kasama sa aktibidad.
Isa pa ring estratehiya sa paglalarawan ay ang paggamit ng mga salitang naglalarawan na kaugnay sa mga
pandama. Nagpapakita ito na ginagamit nang mabisa ng manunulat ang kaniyang paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa,
at pandama. Ano-anong mga salita ang naiisip mo upang maglarawan ng iyong nakikita, naamoy, nadirinig, nalalasahan, at
nadarama?
Sa masining ng paglalarawan naman, makatutulong ang paggamit ng mga tayutay o matatalinghagang
pananalita.

GAWAIN 5- PAUNLARIN NATIN!

Ilarawan ang imahen gamit ang masining na paglalarawan na hindi bababa sa 4 na pangungusap.

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________________________________

MAHALAGANG PAGKATUTO

Itinuturing na pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo ang makabuo


ng isang imaheng taglay ang pagpapaliwanag ng konseptong binubuo. Ang
pangunahing pamaraan ng tekstong ito ay ang paglalarawan na gumagamit naman ng
bahagi ng pananalita na pang-uri at pang-abay. Nagtataglay na makabuo ng isang
imahen na higit na magiging matibay na pundasyon sa pagbuo ng isang paksang
tatalakayin sa pagsusulat o pananaliksik.

You might also like