You are on page 1of 17

MAIKLING

KUWENTO
Ano ang maikling kuwento?
Ito ay isang akdang pampanitikan sa
tuluyan na sa pamamagitan ng mga
pangungusap at talata’y binubuo ng may-
akda upang sa kanyang kapangyarihan at
kakayahan bilang isang alagad ng panitikan,
mailahad niya ang isang pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan,
makapagkintal ng isang bisa sa puso at
diwa ng mga mambabasa.
Ito ay likha ng bungang-isip na hango
sa isang bahagi ng buhay na tunay na
nangyari o maaaring mangyari.
Mga Salik /
Sangkap
ng
Maikling
Kuwento
1.Tagpuan –
Tumutukoy ito sa pook at
panahong pinangyarihan ng mga
tagpo sa akda, naglalarawan ito
ng ginagalawan o kapaligiran
ng mga tauhan. Inilalarawan
ito nang buong linaw, pati na
ang kaugalian ng mga nasa
kapaligiran ay masisinag sa
mabisang pamamaraan.
2. Tauhan –
Kaunti lamang ang mga tauhan ng
maikling katha bagama’t laging
may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa
kuwento ay tumutulong lamang sa lalong
ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing
tauhan sa akda. Sa kanyang ga-law at
ugali nakasalalay nang malaki ang
kagandahan ng akda. Kailangang siya’y
maging tunay at buhay. Siya at
ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang
di-tuwiran.
3. Banghay –
Tumutukoy ito sa
pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari. Dapat itong
maging maayos at
magkakaugnay upang maging
matatag at kapani-paniwala.
Mga Bahagi
ng
Maikling
Kuwento
1. Panimula
Sa bahaging ito
paaasahin ng may-akda ang
mga mambabasa sa isang
kawili-wili at kapana-
panabik na akda. Humigit-
kumulang, ang mga
sumusunod ay nakapaloob
sa mga unang talata ng
akda
A. pagpapakilala sa mga tauhan –
maipabatid ang kanilang pagkatao
ng pangunahing tauhan;
mapangibabaw ang katangian ng
pangunahing tauhan upang
magkagiliw agad sa kanya ang mga
mambabasa
B. pagpapahiwatig ng suliraning
kakahaharapin ng mga tauhan –
kailangang palitawin ang
suliranin ng pangunahing
tauhan upang maitanim sa
isipan ng mga mambabasa na
sa kanya iinog ang mga susunod
pang pangyayari
C. pagkakintal sa isipan ng mga
mambabasa ng damdaming
palilitawin sa kuwento ang lahat ng
mga pangyayari at tauhan sa akda
ay kailangang isang damdamin
lamang ang antigin sa mga
mambabasa
D. paglalarawan ng tagpuan –
sa di-tuwirang pamamaraan,
magagawa ng may-akdang madama
ng mga mambabasa ang kapaligirang
gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng
pangunahing tauhan sa akda;
2. Tunggalian

Ito ang nagbibigay-


daan sa madudulang tagpo
upang lalong maging kawili-
wili at kapana-panabik ang
mga pangyayari kaya’t
sinasabing ito ang sanliga ng
akda.
3. Kasukdulan

Dito nagwawakas ang


tunggalian. Pinakamasidhing
pananabik ang madarama ng mga

mambabasa sa bahaging ito


sapagkat dito pagpapasyahan ang
kapalaran ng pangunahing
tauhan o ng bayani sa kuwento.
4. Wakas

Bagama’t ang isang


maikling kuwento ay maaari nang
magwakas sa kasukdulan, may
mga pagkakataong kailangan pa
rin ang isang katuusan upang
ipahayag ang mga pangyayari
pagkatapos ng kasukdulan.
Mga Uri
ng
Maikling Kuwento
1. Kuwento ng Pag-ibig
2. Kuwento ng Maromansang
Pakikipagsapalaran
3. Kuwento ng Madulang
pangyayari
4. Kuwento ng katatawanan
5. Kuwento ng Katatakutan
6. Kuwento ng Tauhan
7. Kuwentong Makabanghay
8. Kuwento ng Katutubong
Kulay/Kapaligiran

You might also like