You are on page 1of 12

Wika at Panitikan

Ang blog na ito nagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sabjek ng Sining ng Komunikasyon at ng
Malikhaing Pagsulat. Makakatulong ito sa mga estudyante at guro ng/sa Filipino. Ang mga kaalamang ito
ay hango sa mga aklat o artikulong nababasa ng may-ari ng blog na ito.

Sunday, September 9, 2012

Mga Ponemang Suprasegmental

Mga Ponemang Suprasegmental

Ang mga ponemng suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na


karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong
ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang
diin, intonasyon at hinto.

Diin. Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa Filipino,
karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang
pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:

/ba:hay/ - tirahan /pagpapaha:ba?/ - lengthening

/kaibi:gan/ - friend /sim:boloh/ - sagisag

Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang nababago ang
kahulugan ng salita. Tulad nito:

/ba:lah/ - bullet /kasa:mah/ - companion

/bala?/ - threat /kasamah/ - tenant

/tu:boh/ - pipe /maŋ:gaga:mot/ - doctor


/tu:bo?/ - sprout /maŋga:gamot/ - to treat

/tuboh/ - sugar cane /kaibi:gan/ - friend

/paso?/ - flower pot / ka:ibigan/ - lover

/pa:so?/ - burn

/pasoh/ - expired

Pagsasanay

I. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga transkripsyong ponemiko. Isulat sa patlang sa
kaliwa ang sagot. Isulat naman sa patlang sa gawing kanan ang transkripsyong ponemiko ng isinasaad na
kahulugan. Makikita sa unang bilang ang halimbawa:

_____skirt_____1. /sa:yah/ _____/sayah/__1. be happy

______________2. /si:kat/ _______________2. known

______________3. /bu:sog/ _______________3. full

______________4. /ba:ta?/ _______________4. bathrobe

______________5. /li:gaw/ _______________5. stranger

Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na


maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan
ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy
sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging
sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng
Quezon, karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay
nagpapahayag ng tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba ang punto at tuno bagamat iisa ang
intonasyon.

* Pagsasalaysay/paglalarawan Dumating sila kanina.

Maganda talaga si Rona.


* Masasagot ng OO o HINDI Totoo?

Sila iyon, di ba?

* Paghahayag ng matinding damdamin Naku, may sunog!

Hoy! Alis dyan!

*Pagbati Kumusta ka?

Magandang umaga po

Salamat sa iyo.

* Pagsagot sa tanong Oo, aalis na ako.

Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Hinto. Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang panandalian


habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang paghinto. Sa
pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng
pangungusap. Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto at
ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa
pag-iiba ng hinto sa pangungusap.

Tito Juan Anton ang pangalan niya// (Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya// (Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si
Juan Anton)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya// (Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si
Anton)

Tito/ Juan/ Anton ang pangalan niya// (Ipinakikilala sina Tito at Juan kay Anton)

yenbehold at 7:14 PM

Share
30 comments:

UnknownDecember 15, 2012 at 1:31 PM

wow. lhat ng post mo iancris ng cocoincide sa topic nmin! word to word... the best ka?! ty

Reply

Replies

UnknownNovember 15, 2018 at 7:24 PM

thank you too

Reply

UnknownJune 3, 2013 at 6:01 PM

may natotonan aq sa mga ito,,,,jejejeeje

Reply

UnknownJuly 26, 2013 at 9:12 PM

*thumbs up*

Reply

yenbeholdJuly 28, 2013 at 10:50 PM

maraming salamat at ur welcome...


Reply

UnknownDecember 1, 2013 at 12:53 PM

dadagan nyo pa nga po ng tungkol sa 1. Haba

* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat

pantig.

* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

* mga halimbawa ng salita:

bu.kas = nangangahulugang susunod na araw

bukas = hindi sarado

2. Diin

*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng

binibigkas.

*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

*Mga halimbawa ng salita:

BU:hay = kapalaran ng tao

bu:HAY = humihinga pa

LA:mang = natatangi

la:MANG = nakahihigit; nangunguna

3. Tono

* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap

* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at

mataas na tono.

* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.


3 sa mataas.

* halimbawa ng salita:

Kahapon = 213, pag-aalinlangan

Kahapon = 231, pagpapatibay

talaga = 213, pag-aalinlangan

talaga = 231, pagpapatibay

4. Hinto

*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging

malinaw ang mensahe.

*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )

o gitling ( - )

* mga halimbawa ng salita:

Hindi, siya ang kababata ko.

Hindi siya ang kababata ko.

Reply

Replies

yenbeholdDecember 9, 2013 at 9:44 PM

thank you sa dagdag kaalaman.

UnknownJuly 29, 2014 at 10:37 AM

thanks :)
Reply

UnknownAugust 12, 2015 at 10:58 AM

This comment has been removed by the author.

Reply

UnknownAugust 12, 2015 at 10:59 AM

This comment has been removed by the author.

Reply

UnknownAugust 12, 2015 at 11:03 AM

maraming salamat po sa lhat ng nagbibigay ng info, laking tulong nito sa assignment ko.

Reply

Replies

yenbeholdAugust 14, 2015 at 8:04 PM

salamat naman kung nakatutulong ito sa iyo

Reply

UnknownJuly 5, 2016 at 5:20 PM

thanks for everything!!!


Reply

UnknownJuly 22, 2016 at 7:49 AM

This comment has been removed by the author.

Reply

UnknownJuly 22, 2016 at 7:52 AM

Dapat doon sa example mo

Tito/ Juan/ anton ang pangalan niya//

Dapat kasi si Anton yung pinapakilala kay Tito at Juan hindi si tito at juan ang pinakilala kay Anton :)

salamat dito, marami din akong natutunan

Reply

UnknownSeptember 6, 2016 at 9:31 AM

di ko maintindihan

Reply

UnknownSeptember 26, 2016 at 9:52 PM


Alright. I can use it on my report tomorrow.. Salamat po

Reply

Replies

UnknownSeptember 26, 2016 at 9:53 PM

- Adrianna Asedillo

Reply

Simple Girl03October 10, 2016 at 5:12 PM

it so mahirap finding ...

Reply

UnknownNovember 8, 2016 at 6:07 PM

teacher ba you nice one galing magturo ni kuy's ty sa ito :)

Reply

UnknownMay 16, 2017 at 10:13 AM

salamat sa kaalaman iyong ibinahagi ito ay makatutulong ng malaki upang mapalawig ang kaalaman sa
talasalitaan.

Reply
UnknownSeptember 5, 2018 at 7:08 AM

Ano ang ang sagot sa ba:TA?urgent kailangan ko sa assignment

Reply

UnknownNovember 7, 2018 at 9:11 PM

Thank you

Reply

UnknownNovember 8, 2018 at 4:31 PM

Hehe ngayon ko lang to nabasa thanks sa sagot,,,,👍

Reply

UnknownNovember 25, 2018 at 2:24 PM

Thanks po, napakamakabuluhan

Reply

UnknownFebruary 7, 2019 at 1:19 PM

Thanks

Reply
UnknownOctober 14, 2019 at 8:25 PM

Mali yan

Mali yan

Reply

UnknownNovember 12, 2019 at 7:37 AM

Wow! Lahat ng kailangan ko nandito! Maraming salamat!

Reply

UnknownFebruary 26, 2020 at 8:28 PM

thx

Reply

Mild RedOctober 8, 2020 at 10:35 AM

_____skirt_____1. /sa:yah/ _____/sayah/__1. be happy

______________2. /si:kat/ _______________2. known

______________3. /bu:sog/ _______________3. full


______________4. /ba:ta?/ _______________4. bathrobe

______________5. /li:gaw/ _______________5. stranger

what are the answers?

Reply

Home

View web version

About Me

yenbehold

View my complete profile

Powered by Blogger.

You might also like