You are on page 1of 8

7 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 3: Week 1
Learning Activity Sheets
FILIPINO 7

Pangalan: ______________________________ Ikatlong Markahan: Unang Linggo


Taon at Pangkat: _________________________ Petsa: ______________________

ANG PAGGAMIT NG PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ang ponemang suprasegmental ay naglalarawan sa makahulugang yunit ng tunog na


karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong
phonemic upang malaman kung ano at paano ang pagbigkas.
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
Nakatutulong ito upang maging maliwanag at maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono at Punto


Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng mga pantig sa salita.
Ang tono ay tumutukoy naman sa paraan ng pagsasalita na nagpapahayag ng matinding
damdamin at ang punto ay ang tinatawag na accent.

Halimbawa:
● Nagpapahayag: Maligaya siya.
● Nagtatanong: Maligaya siya?
● Nagbubunyi: Maligaya siya!

2. Diin at Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas at diin ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng salita.

Halimbawa:
● pa.so - burn
paso- pot
● tu.bo - pipe
tubo - sugarcane
● bu.hay – life
buhay- alive

3. Hinto o Antala
Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang panandalian habang
sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang paghinto.
Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan
ng pangungusap. Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat
na paghinto at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang
kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.

Halimbawa:

Tito Juan Anton ang pangalan niya// (Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya// (Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at
ipinakikilala Si Juan Anton)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya// (Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan.
Ipinakikilala si Anton)

Tito/ Juan/ Anton ang pangalan niya// (Ipinakikilala si Anton kina Tito at Juan)

1
Kasanayang Pampagkatuto at koda:

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin at antala)


F7PN-IIIa-c-13

(Ikatlong Markahan-Unang Linggo)

Pagsasanay 1 – Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung ito ay hindi wasto.
___________1. Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan.
___________2. Ang diin ay tumutukoy sa haba ng bigkas.
___________3.Ang hinto ay nangangahulugang pagtigil sa pagsasalita
___________4. Ang tono ay tumutukoy sa paraan ng pagsasalita na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
___________5. Ang haba ay tinatawag na accent.
___________6. Sinisimbulo ng kuwit ang panandaliang paghinto sa pangungusap.
___________7. Intonasyon ang tawag sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng mga pantig sa
salita.
___________8. Mahalaga ang bantas sa pasulay na pagpapahayag.
___________9. Tuldok naman ang bantas kung katapusan ng pangungusap.
___________10. Tinatawag na ponemang suprasegmental ang mga panitikan sa Pilipinas.

Pagsasanay 2- Panuto: Isulat ang titik ng tamang gamit ng salita bago ang bilang . Ang unang bilang
ay magsisilbing halimbawa at gabay.

Halimbawa:
a
_____1. Hiram lamang ang ___________ ng tao.
a. buhay b. buhay
b
_____2.Apat lamang ang ___________ na nailigtas sa sakuna.
b a. buhay b. buhay

1. ______ magsilbing aral sa kanya ang .


a. baka b. baka
2. Ang _____ ay isang hayop na ang pagkain ay damo.
a. baka b. baka
3. Napakagandang tamnan ng mga halamang namumulaklak ang ______.
a. paso b. paso
4. Lagyan mo ng gamot ang iyong______.
a. paso b. paso

2
5. Ang bilang ng iyong tupa ay _______.
a. pito b. pito
6. Ang ______ ay isa sa mga instrumento na ginagamit ng mga guwardiya.
a. pito b. pito
7. Ang _____ ay ginagawang asukal.
a. tubo b. tubo
8. May tumatagas na tubig sa palikuran sapagkat may nasirang _____ nito.
a. tubo b. tubo
9. Kung piso ______ ang kanyang pera ay hindi niya mabibili ang kanyang gustong
pagkain.
a. lamang b. lamang
10. Sampung puntos ang kaniyang _________ sa kalaban kaya siya ang
idineklarang panalo sa laban.
a. lamang b. lamang

Pagsasanay 3- Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang pangungusap. Gawing gabay ang
halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:

a 1. Isinasaad na hindi umulan kahapon.


a. Hindi umulan kahapon //
b. Hindi / umulan kahapon //
b 2. Hindi sinang-ayunan ang pagbanggit ng kausap na umulan kahapon.
b a. Hindi umulan kahapon //
b. Hindi / umulan kahapon //

1. Hindi makadadalo ang mga kaibigan niya


a. Hindi /darating ang mga kaibigan ko.//
b. Hindi darating ang mga kaibigan ko//

2. Hindi sinang-ayunan at makararating ang mga kaibigan niya


a. Hindi /darating ang mga kaibigan ko.//
b. Hindi darating ang mga kaibigan ko//

3. Ipinakikilala niya sa Padre ang tatay niya na ay ngalang Jose.


a. Padre/ Jose ang tatay ko//
b. Padre Jose/ ang tatay ko//

4. Ipinakikilala naman niya kay Padre Jose ang kaniyang tatay.


a. Padre/ Jose ang tatay ko//
b. Padre Jose/ ang tatay ko//

5. Ipinakikilala ni Manuel ang sarili kay Manong Jose


a. Manong Jose/ Manuel ang pangalan ko//
b. Manong/ JoseManuel ang pangalan ko//

6. Ipinakikilala ni Jose Manuel ang sarili niya sa manong.


a. Manong Jose/ Manuel ang pangalan ko//
b. Manong/ JoseManuel ang pangalan ko//

3
7. Hindi siya si Richard.
a. Hindi/ ako si Richard//
b. Hindi ako si Richard//

8. Hindi sinang-ayunan at ipinakilala ang sarili bilang Richard.


a. Hindi/ ako si Richard//
b. Hindi ako si Richard//

9. Nahihirapan lumangoy
a. Hindi/ madali ang lumangoy.//
b. Hindi madali ang lumangoy.//

10. Nadaliang lumangoy.


a. Hindi/ madali ang lumangoy.//
b. Hindi madali ang lumangoy.//

Pagsasanay 4 – Panuto: Gumawa ng pangungusap na ginagamitan ng mga ibinigay na salita sa


bawat bilang. Isulat ang mga pangungusap sa kahon. Sundan ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:
● Sala (living room)

Nakagaganda ang mga dekorasyon sa sala.

● Sala (sin)

Sino ang may sala sa mga nangyayari.

1. Manggagamot (doctor)

2. Manggagamot (to treat)

3. Sikat (famous)

4. Sikat (radiation/ ray)

4
5. Paso (flowerpot)

6. Paso (burn)

7. Tayo (us)

8. Tayo ( stand )

9. Puno ( tree )

10. Puno ( full)

Pagsasanay 4 – Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa kaliwang talahanayan at isulat naman
ang sagot sa kanang bahagi ng talahanayan. Ang sagot sa bawat bilang ay bubuoin ng tatlo
hanggang limang pangungusap.

1. Ano ang ponemang suprasegmental?


(3 puntos)

5
2. Paano mo magagamit nang wasto
ang mga salita ayon sa diin, haba,
hinto at antala?
(3 puntos)

3. Bakit mahalaga ang ponemang


suprasegmental sa pagsulat at
pagsasalita?
(4 puntos)

Repleksyon- Panuto: Isulat sa patlang ang sagot sa tanong.

Bilang mag-aaral, paano ka magiging magaling sa paggamit ng Ponemang Suprasegmental?

_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

Mga Sanggunian:

Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esguerra, Alma M. Dayag Pinagyamang


Pluma 7. 927 Quezon Avenue, Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2017, mga pahina
285-294

Yenbehold. Mga Ponemang Suprasegmental, January 1, 1970.


http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/mga-ponemang-suprasegmental.html.

Jose Emmanuel Maningas Assistant Treasurer at Augustinian Recollect Student Crusaders


( ARSC ) Follow. “Ponolohiya.” SlideShare. Accessed June 22, 2021.
https://www.slideshare.net/jemaningas/ponolohiya.

6
Inihanda ni:

KATHLEEN KAYE M. GARCIA


Manunulat/ Naglapat
AMUCAO HIGH SCHOOL

Sinuri nina:
HELEN G. LAUS EdD
EPSvr Filipino

LILY BETH B. MALLARI


EPSVR-LRMS

ROBERT E. OSONGCO,EdD
CID-Chief

You might also like