You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino I

Quarter 3 Linggo 1
Unang Araw
I. Layunin: Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin at
salitang may dalawa, tatlo o apat na pantig. F1PY-IIf-2.2/ F1PY–IV–2.2

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang may dalawa,
tatlo o apat na pantig.
B. Sanggunian: MELC, pahina 144
C. Kagamitan: mga larawan, manila paper na may awit na “Bahay Kubo”
/ Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pagganyak
Ipaawit sa mga mag-aaral ang awiting “Bahay Kubo” (Power
Point)
b. Balik-aral
Pagbigay tunog ng mga letra.
 Anu-ano ang mga letra na nasa pantig?
 Anu-ano ang mga letra na nasa katinig
B. Pagtuturo/ Pagmomodelo
a. Paglalahad
 Ipakitang muli ang awiting napanood sa power point.
 Awiting muli.
 Anu-ano ang mga salitang nabanggit sa awiting “Bahay
Kubo”
 Anu-ano ang mga halamang nabanggit sa awitin?
b. Pagtatalakay
 Ispeling o pagbabaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na
pagkakasunod ng mgs letrang bumubuo sa isang salita.

1
 Basahin ang mga letra.
Mga Patinig:
Aa Ee Ii Oo Uu
/ey/ /i/ /ay/ /o/ /yu/
Mga Katinig :
Bb Cc Dd Ff Gg Hh Jj Kk Ll Mm
/bi/ /si/ /di/ /ef/ /dyi/ /eyts/ /dyey/ /key/ /el/ /em/
Nn Ňñ NGng Pp Qq Rr Ss Tt Vv
/en/ /enye/ /en dyi/ /pi/ /kyu//ar/ /es/ /ti/ /vi/
Ww Xx Yy Zz
/dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/
 Ang tawag sa mga letra ng Alpabetong Filipino ay ayon sa
bigkas Ingles ng mga Pilipino maliban sa ñ /enye/.
 Ang pagbigkas o pasalitang pagbabaybay sa Filipino ay
ginagamitan ng titik at hindi ito pinapantig.
 May mga salitang galing/ hango sa awiting “Bahay Kubo”
kagaya ng:
Kubo /key-yu-bi-o/
Mani /em-ey-en-ay/
Upo /yu-pi-o/
Luya /el-yu-way-ey/
 Ilang pantig mayroon ang salitang kubo? Mani? Upo? At
Luya?
 Gawing ng guro ang pagpapantig sa pamamagitan ng
pagpapalakpak sa kamay o pagbibilang sa daliri?
 Ilang palakpak ang narinig Ninyo?
 Sige gawin n’yo.
c. Paglalahat
 Dapat nating tandan na ang ispeling o pagbabaybay ay isa-
isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod ng mgs letrang
bumubuo sa isang salita.
 Ano ang dapat nating tandan sa pagbabaybay?

2
C. Guided Practice
 Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo
 Ibigay sa mga mag-aaral ang mga Gawain.
 Sabihin/ basahin ang panuto kung paano nila ito gawin.
 Magbigay ng paraangal sa unang pangkat na makatapos ng maayos
sa kanilang Gawain.
Pangkat 1 “Buuhin mo Ako”
Panuto: Buuhin ang nakagupit na larawan at idikit sa
Manila Paper.
Pangkat 2 “Sana, Piliin mo Ako”
Panuto: Bilugan ang angkop na baybay ng mga larawan.
Pangkat 3 “Mababaybay mo ba Ako? Gawin mo”
Panuto: Tukuyin ang larawan. Isulat ang wastong
baybay ng sumusunod na larawan . isulat sa manila
paper katapat ng larawan.

D. Independent Practice
Panuto: Hanapin sa Kolum B ang tamang salita sa mga
larawang nasa Kolum A. Letra lamang ang isulat sa patlang bago ang
bilang.

A B
___________1. a. upo

__________ 2. b. sitaw

__________ 3. c. kubo

__________ 4. d. luya

__________ 5. e. mani

3
E. Ebalwasyon
Panuto: Isaayos ang mga letra sa mga sumusunod na salita.

1. obuk

2. yabah

3. watab

4. puo

5. inam

(SAGOT)
1. buko
2. bahay
3. bataw
4. upo
5. mani
F. Takdang – aralin
Panuto: Gumupit ng limang gulay na iyong paburitong kainin.

Inihanda nina:

ANNALYN T. TUTO AIMAE G. LUMOCSO GENELIE S. FABILLA


T-III /Patawag ES T-I /San Miguel ES T-I/Mabuhay ES

JEANNETTE C. DINGCONG BELEN B. CALUMBA


T-III/ Ganase ES T-III/ Banigan/ES
Binigyang pansin ni:

SUSAN A. SIMBAJON
MT-II/Banigan ES

You might also like