You are on page 1of 6

Di- Masusing Banghay-Aralin sa Filipino II

October 23, 2023- Lunes


(9:40-11:10)

GINALYN TRECEÑO SONIA B. VARGAS


Student Teacher Cooperating Teacher

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang may 75% kwastuhan sa mga
sumusunod;

a.) Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita. F1KP-IIf-5
a.1. Kilalanin ang mga salitang may pinagsama-samang tunog. /m/, /s/,/a/,/i/, /o/, /b/, /e/,
/u/, /t/, /k/, /l/, /y/,/n/ , /g/, at /ng/
a. 2. Ibigay ang pangalan ng mga larawang may pinagsama-samang tunog. /m/, /s/,/a/,/i/,
/o/, /b/, /e/, /u/, /t/, /k/, /l/, /y/,/n/ , /g/, at /ng/

II. Nilalaman at Kagamitan


A. Nilalaman: Nakikilala ang mg tunog na bumubuo sa pantig ng bawat salita.
B. Kagamitan
1. MELC: N/A
2. Curriculum Guide : N/A
3. Curriculum Map: pahina 82
4. Learning Materials : mga totoong bagay, mga larawan, tarpapel
5.OtherLearningMaterials:https://easymart.ph/wp-content/uploads/singkamas.jpg
https://media.istockphoto.com/photos/cute-orange-kitten-with-large-paws-picture-
id149866992?k=6&m=149866992&s=612x612&w=0&h=uC08AEfzTVkB-
IyHE_a_sYFleNzKAw5tOy4BlCE2ka8=

6. Konsepto:
Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa bawat pantig ng mga salita sa pamamagitan
ng pagkilala sa tunog ng bawat letra.
III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Mga Pamantayan sa loob ng silid-aralan
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin ngayong umaga. Nais ko munang ipaalam sa inyo
ang ating mga pamantayan sa loob ng silid-aralan.
1. Makinig!
2. Tumingin!
3. Umupo ng maayos.
4. Ilagay ang kamay sa ibabaw ng mesa.

2. Drill
Ngayon mga bata bago tayo dumako sa ating pag aaralan ngayon alamin muna natin ang mga tunog
ng mga letrang ito.

m, s, a, i, o, b, e, u, t, k, l, y, n, g at ng

3. Pagbabalik-Aral
Magbigay ng halimbawa ng salitang may pinagsama-samang tunog.

4. Pagganyak

Mga bata upang tayo ay manatiling matibay at malusog ano ang tatlong pinaka-importanteng bagay
na kailangan natin?

Magaling!

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ang tubig, bigas at gulay na inyong sinabi ay ilan lamang sa mga salitang may pinagsama-
samang tunog.
Meron ako ditong isang totong tubig, meron naman ako dito isang larawan ng tubig.
Ito naman mga bata ang salitang tubig.
Segi nga isa-isahin nga natin ang mga pinagsama-samang tunog sa salitang tubig. Bilangin din
natin kung ilan ang pantig nito.

Meron ako dito isang totoong bigas, at ito naman ang larawan ng bigas at ito naman ang salitang
bigas. Segi nga isa-isahin nga natin ang mga pinagsama-samang tunog sa salitang bigas.
Bilangin din natin kung ilan ang pantig nito.

Meron ako dito isang totoong gulay, at ito naman ang larawan ng gulay at ito naman ang salitang
gulay. Segi nga isa-isahin nga natin ang mga pinagsama-samang tunog sa salitang gulay.
Bilangin din natin kung ilan ang pantig nito.

Magaling!
Meron naman ako ditong mga salita na may pinagsama-samang tunog.

Halimbawa:
ngiti ngipin ginang nganga galing
gulong nguso ngungo talong
timbang nginig bulong gunting sining
gising matsing kuting unggoy sanga
banga nguya singsing singkamas saging

Ilalahad ng guro ang ibang mga larawan ng bawat pangalan o salita.

2. Mga Pagsasanay
Gawain 1: Ibigay mo na!
Panuto: Isulat ang nawawalang unang tunog ng salita.

___ipin ____imbang ____unting ____atsing ____ingsing


Gawain 2: Hanapin mo ako!
Panuto: Pagtambalin ang mga salita at larawan.
A B
1. singkamas

2. banga

3. gabi

4. kuting

5. talong

Gawain 3: Pangkatang Gawain


Bago tayo magsimula sa ating pangkatang gawain, sabay-sabay nga nating bigkasin ang ating
pamantayan.
1. Gumamit ng mahinang boses.
2. Maupo na pormang bilog.
3. Huwag pumunta sa ibang grupo.
4. Magtulong-tulong ang bawat isa sa grupo.

Pangkat Mansanas
Panuto: Isulat ang nawawalang tunog upang makilala ang salita.
Pangkat Saging
Panuto: Pagkabitin ng guhit and mga salita sa hanay A at larawan sa hanay B.

A B

1. bangka

2. timbang

3. bungkal

sungka

Pangkat Strawberry
Panuto: Isulat ang pangalan ng bawat larawan.

1. 2. 3.

3. Paglalahat
Mga bata paano nga ulit natin makilala ang mga pinagsama-samang tunog sa isang salita?

4. Paglalapat
Tingnan ninyo ang mga bagay sa lob ng inyong bag. Ano ang masasabi niyo hinggil dito?
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang pangalan ng bawat larawan.

1. 2.

3. 4.

5.

V. Takdang Aralin
Magbigay ng limang (5) salitang may pinagsama-samang tunog. Isulat ito sa inyong kwaderno.

You might also like