You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino I

Quarter 3 Linggo 7
I. Layunin: Nabibilang ang pantig sa isang salita F1KP-Iie-4

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagbilang Ng Pantig sa isang Salita

B. Sanggunian: MELC,
C. Kagamitan: mga larawan, manila paper na may awit na “Bahay Kubo”
/Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pagganyak
Ipaawit sa mga mag-aaral ang awiting “Bahay-Kubo”
May nakita ba kayong bahay-kubo sa inyong lugar?
(Araling Panlipunan Integration)
Ano ang kadalasang kulay ng bahay-kubo?
(MAPEH-Arts Integration)
(Power Point)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pamagat ng awit?
2. Anong mga gulay ang nabanggit sa awit?
3. Kayo ba ay kumakain ng gulay? Bakit?
4. Zmagbigay ng mga salita mula sa awit?
5. Magbigay ka nga ng lima
b. Balik-aral
Pagbigay tunog ng mga letra.
 Ano-ano ang mga letra na nasa pantig?
 Ano-ano ang mga letra na nasa katinig
B. Pagtuturo/ Pagmomodelo
a. Paglalahad

1
Ang pantig ay ang galaw ng iyong bibig saltik ng dila na may
kasabay na tunog ng lalamunan.Halimbawa: to la, ay
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita. Ang mga salita ay
binubuo ng dalawa, tatlo, apat o higit pang mga pantig.

b. Pagtatalakay
Ilang pantig mayroon ang mga salita sa ibaba.
1. Kubo
2. Sitaw
3. Patani
4. Kalabasa
5. sigarilyas
Bilangin ang pantig ng mga salita ayon sa bilang ng pantig
nito?
Itinapon ang araw maganda pakiusap
1pantig 2pantig 3pantig 4pantig 5pantig
 Ilang pantig mayroon ang salitang kubo? Mani? Upo? At
Luya?
 Gawing ng guro ang pagpapantig sa pamamagitan ng
pagpapalakpak sa kamay o pagbibilang sa daliri?
 Ilang palakpak ang narinig Ninyo?
 Sige gawin n’yo.

c. Paglalahat
Basahin: PROPEL Integration
Tandaan
 Ang mga salita ay maaring
Isang pantig: ang
Dalawang pantig: ba-ta
Tatlong pantig: ma-sa-ya
Apat na pantig: ma-tu-lu-ngin
 Ano ang dapat nating tandaan ?

2
C. Guided Practice
 Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo
 Ibigay sa mga mag-aaral ang mga gawain.
 Ipaliwanag ng mabuti ang panuto.
 Magbigay ng parangal sa sinumang pangkat na unang makatapos
at maayos ang pagkagawa.
Pangkat 1 “Pantigin mo Ako”
Panuto: Pagpantigin ang bawat salita. Isulat sa puwang
ang bawat pantig.
Pangkat 2 “Idikit mo Ako”
Panuto:Bilangin ang pantig ng mga salita ayon sa bilang
ng pantig nito .

“Sana, Piliin mo Ako”


Panuto: Bilugan ang angkop na baybay ng mga larawan.
Pangkat 3 “Mapapantig mo ba Ako? Gawin mo”
Panuto: Pantigin ang mga salita at ibigay ang bilang ng
pantig.

D. Independent Practice
Panuto: Bilangin ang pantig ng mga salita ayon sa bilang
ng pantig nito.
Itinapon araw ang maganda
1 pantig 2 pantig 3 pantig 4 na pantig
E. Ebalwasyon
Panuto: Pantigin ang mga salita at ibigay ang bilang ng pantig.

Pagpapantig-__________________
Bilang ng pantig-____________________
baka

3
F. Takdang – Aralin
Panuto: Sumulat ng limang salita na kadalasan ginagamit sa
paaralan.at pagpapantigin ito.

Inihanda ni:
Janice B. Villalon

You might also like