You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


DARAGA COMMUNITY COLLEGE
Salvacion,Daraga,Albay 4501

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga salitang magkatugma.
2. Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma.
3. Nakasusulat ng mga salitang magkatugma.

II. Paksang-Aralin
Sanggunian: CG Filipino 1 pp. 15-18
Kagamitang Panturo: tsart, mga larawan, manila paper

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Motibasyon
Awitin ang kantang “Bahay Kubo”.

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti,


Ang halaman doon ay sari-sari;
Singkamas at talong, sigarilyas at mani,
sitaw, bataw, patani,
Kundol, patola, upo’t kalabasa,
At saka mayro’n pa, labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya,
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Tungkol saan ang inawit natin?


Tungkol sa mga gulay na may parehong
tugma.
Mahalaga ba ang pagkain ng gulay?
Opo! Kasi masustansiya ito.

Ano-anong mga salitang may tugma ang mga


munti – sari-sari
nabanggit sa kanta?
sitaw – bataw
mani – patani
B. Paglalahad ng Paksa

Ano ang mga napansin ninyo sa mga salitang


Magkatugma po ang pantig ng huling
iyon?
salita.
Ano ang tawag natin sa mga salitang iyon?
Salitang magkatugma po!
Tama! Iyan ang ating tatalakayin ngayon.
C. Talakayan

Ang magkatugmang salita ay mga salitang


magkakasintunog dahil magkapareho ang
bigkas ng mga huling pantig. Minsan ay
magkakatulad din ang bilang ng pantig ng ( Nakikinig ng mabuti.)
dalawang salita.

Basahin natin ang mga halimbawa:

Halimbawa ng mga salitang


magkatugma sa kantang “Bahay
Kubo”

munti – sari-sari
sitaw – bataw
sigarilyas – singkamas
mani – patani
kalabasa – mustasa

May sasambitin akong mga salita at ibibigay


niyo ang kanilang mga katugmang salita.

1. Aso
2. Baliw Baso
3. Itim Aliw
4. Hari Dilim
5. Bola Pari
Lola
D. Paglalapat

Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong


pangkat at bibigyan ito ng gawain.

Panuto: Kulayan ang mga larawan ng may


mga magkatugmang salita.

Pangkat 1.

Pangkat 2.
( Pupunta sa kanilang pangkat at gagawin ang
iniatas na gawain)

Pangkat3.

E. Paglalahat

Ano ang tawag sa mga salita na


Magkapareho ang tunog?
Magkatugmang salita
Paano natin matutukoy na ang dalawang
salita ay magkatugma?
Kapag parehas ang bigkas at bilang ng huling
Tandaan! Ang mga magkatugmang salita ay letra
mga salitang magkapareho ang hulihang
tunog.

IV. Ebalwasyon

Basahin ang mga salita. Bilugan ang


dalawang kahon ng mga salitang
magkatugma.

aso isa laso


kahon dahon puno
atis saging kamatis
aklat papel sulat
saya payong bayong

V. Takdang Aralin

Magbigay ng sampung pares ng salitang


magkatugma.

Inihanda nina:
Longakit, Ricky Mar M.
Ludangco, Bernardo Jr L.
Romero, Renel M.
Guita, Thalia M.
Malinao, Janarie D.
Manere, Reca L.
Nuyte, Cristine N.
Oropesa, Vhea B.
Repato, Vanessa S.
Sarmiento, Janine
II BEED-4

You might also like