You are on page 1of 12

Father Saturnino Urios University

Teacher Education Program


Butuan City

Masusing Banghay-Aralin
Sa Pagtuturo ng Filipino VII

Ipinasa ni: Ipinasa kay:

Kamille Joyce T. Herrera Gng. Marlene M. Moreto


Mag-aaral Cooperating Teacher

Bb. Rheomie D. Opiasa


Tagapayo

Petsa ng Pagtuturo:
Ika-1 ng Oktubre taong 2018
I. Paksang Aralin: Ponemang Suprasegmental

II. Mga Layunin:


Sa loob ng isang oras na talakayan, gamit ang kagamitang pampagtuturo, 90% ng mga
mag-aaral ay inaasahang:
A. nakatutukoy ng tamang diin, tono at hinto,
B. nakapagbabahagi ng kahalagahan ng ponemang suprasegmental; at
C. nakagagawa ng sabayang pagbigkas na nilalapatan ng wastong diin, tono at hinto.

III. Kagamitang Pagmpagtuturo:


A. Sanggunian:

Jocson, M., & Tolosa, M. (2013). Hiyas ng Lahi 8. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

Oracion, L. (2015). Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan 7. Valenzuela City: Guarantor Press, Inc.

Julian, A., et al. (2012). Pluma II. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

B. Mga Cartolina, Marker, Papel, Projector

IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. pagtsek ng atendans

B. Panlinang na gawain
a. Pagganyak
Mayroon tayong bagong gawain.
Magbibigay ako ng sitwasyon at
sasagutan ninyo ito.
Kapag galit si Nanay dahil matagal
kang gumising, ano sa tingin ninyo ang
sasabihin niya?
John! Wala ka bang pasok?
Magaling! Kung masaya ang mga
magulang mo dahil mataas ang marka
mo sa paaralan?
Wow! Congrats!
Okey. Ano naman ang linya mo kapag
nanghihingi ka ng papel?
Pwede bang makahingi ng papel?
Mahusay!
Basahin:
Kumain ka na.
Kumain ka na?
Kumain ka na!

Ano ang ipinagkaiba ng mga salitang


nasa itaas?
May iba’t ibang tono po.
Magaling!

b. Paglalahad
Nakita ninyo sa una nating ginawa na
may iba’t ibang bugso o diin ng
pagbigkas, iba’t ibang tono ng
pagsasalita at kung paano hihinto. May
iba’t ibang pamamaraan ng paghahatid
ng mensahe.
May iba’t ibang paraan ng pagbigkas sa
mga salita o pangungusap at iyan ang
tatalakayin natin ngayon. May ideya na
ba kayo sa paksa nating ngayon?
Clue po.
Dalawang salita. P at S. 8 at 13 letra.
Ponemang Suprasegmental
Tama! Ano kaya ang ponemang
Suprasegmental? May ideya ba kayo
batay sa ginawa natin kanina?
Paraan ng pagbigkas po.
Okey! Alamin natin ngayon kung paano
bibigkasin nang wasto ang mga salita at
pangungusap

c. Pagtatalakay
Basahin ang mga sumusunod at
bigyang-pansin ang sinalungguhitang
salita.
“Isang hapong magtatakipsilim na
Halos, si Tandang Filemon at ang kaniyang asawang si
Bausis ay nakaupo sa kanilang pinyuan. Maligayang
tinatanaw nila ang magandang paglubog ng araw.
Nakatapos na silang maghapunan at magpapalipas na
lamang ng ilang mga oras upang sila ay
makapagpahinga na. Napag-usapan nila ang kanilang
halamanan, ang kanilang baka, ang kanilang alagang
mga pukyutan, at ang kanilang ubas na tanim, na noon
ay nakagapang sa bakuran at may mga bunga na
nagsisimula nang mamula.” -Ang Mapaghimalang
Pitsel

Paano binibigkas ang mga salitang


sinalungguhitan? Isa lang ba ang paraan
ng pagbigkas ng bawat salita?
Hindi po
May ibang kahulugan pa ba ang
salitang sinalungguhitan?
Mayroon po.
Ano kaya ito?
Maaari pong Hapones.
Magaling! ang ikalawang salita naman?
Maaari pong hayop.
Tama!
Ito ang tinatawag na diin. Ano kaya
ang diin, Jillian?
Ang lakas ng pagbigkas ng salita
Maaari! Ang diin ay tumutukoy sa lakas
ng bigkas ng pantig sa salita.
Nakakapagpabago ng kahulugan ang
diin.
Basahin: Aso, aSO
Ano ang ibig sabihin ng unang salita?
Hayop po.
Okey, ang ikalawa?
Smoke po.
Mahusay! May halimbawa ba kayo sa
isang salita subalit may dalawang
kahulugan ayon sa diin?
BUhay, buHAY
Okey, ano ba ang ibig sabihin ng
unang salita?
Buhay po na life.
Ang ikalawa naman?
Alive po.
Mahusay! Naunawaan na ba ang diin?
Opo.
Ito naman ang basahin n’yo.
“Lumuha ka habang sila ay palalong nagdiriwang
Sa libingan ng maliit ang malaki’y may libangan
Katulad mo ay si Huli na aliping bayad-utang
Katulad mo ay si Sisa binaliw ng kahirapan
Walang lakas na magtanggol
Walang tapang na lumaban
Tumataghoy kung paslangin tumatangis kung
nakawan”

Paano binigkas ang saknong a?

Dire-diretso po
Tama. Ang saknong b?

Humihinto po saglit?
Bakit napahinto saglit?

Dahil po sa kuwit.
Mahusay! Ang saknong c?

May taas-baba po ng pagbigkas.


Magaling! ano ba ang tawag sa pagtaas
at pagbaba ng pagbigkas?

Intonasyon.

Mahusay! Intonasyon o tono ang tawag


sa pagtaas at pagbaba ng tinig. Mayroon
itong eskala
3 – mataas
2 – katamtaman
1 – mababa

Basahin:
Mabait
ang eskala ay maaaring 3,2,1
Ito “mabait?” ano sa tingin ninyo ang
eskala?
2,1,3
Okey. Iyan ang tono. Ang pagtaas at
pagbaba ng tinig. Maaari din itong
gamitin sa pangungusap. Halimbawa:
1. sasama kaya siya? (nag-aalinlangan)
2. Sasama siya? (nagtatanong)
3. sasama siya. (nagsasalaysay)
Maaari ba kayong magbigay ng
pangungusap na maaaring lapatan ng
iba’t ibang tono?
Opo.
Sige, subukan ninyo.
Aalis siya.
Aalis siya?
Mahusay! Naunawaan na ba ang tono?
Opo.
Basahin naman itong dayalogo.
“Si Gng. Moreto ba iyon?”
“Hindi si Gng. Moreto iyon.”
“Hindi, si Gng. Moreto iyon.”
Binasa ng mga mag-aaral.
Ano ang ibig sabihin ng ikalawang
pangungusap?
Hindi si Gng. Moreto ang nakita nila
Ano naman ang ibig sabihin ng ikatlong
pangungusap?
Si Gng. Moreto ang nakita nila.
Magaling! ano ang ipinagkaiba ng
dalawang pangungusap?
May kuwit po ang huli.
Tama! Nagiging magkaiba ang
kahulugan ng pangungusap dahil sa
kuwit. Paano ba babasahin ang
pangungusap kapag may kuwit?
Humihinto po nang sandali
Tama! Ito ang tinatawag na hinto o
antala. Ito ay ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maunawaan
ang pahayag. Sa paghinto, ano ang
bantas na maaaring gamitin?
Kuwit
Ano pa?
Tuldok
Tama! Maaari ring gamitin ang semi-
kolon at kolon. maaari ding sesura.
/ - sandaling paghinto
// - ganap na paghinto
Halimbawa:
Hindi pula - iba ang kulay
Hindi / pula// - pula ang kulay

Basahin:
a. doktor/ felix ang boyfriend ko.
Doktor felix, ang boyfriend ko.

Ano ang ibig sabihin ng unang


pangungusap?
Ipinakilala niya sa doktor ang kaniyang
Mahusay! Ang pangalawang boyfriend na si felix.
pangungusap naman?
Ang pangalan ng doktor ay felix tapos
ipinakilala ang boyfriend niya.
Tama!
Magbigay ng ibang halimbawa.

Felix / the cat


Magaling! ano ba ang ibig sabihin ng Felix the cat
unang pangungusap?
Tinawag si felix at ipinakita ang pusa
Okay, ang ikalawa?
Felix ang pangalan ng pusa
Magaling!
d. Paglalahat
Ano nga tinalakay natin sa araw na ito?
Ponemang suprasegmental po
Ano ang kahulugan nito?
Tumutukoy po sa kung paano binibigkas
Ano ang kabilang sa ponemang ang mga salita.
suprasegmental?
Diin, tono at hinto.
Magaling. ano nga ang diin?
Lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Mahalaga bang may diin sa mga salita?
Bakit? Opo. Upang mas magkaintindihan ang mga
nag-uusap.
Ano pa?
Para po maging malinaw ang ibig iparating
ng nagsasalita
Tama. Maliban sa diin, ano pa?
Tono.

Ano ang tono? Pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng salita.


Mahalaga bang may tono sa pagsasalita? Opo. Dahil kapag isang tono lang, walang
Bakit? emosyon, hindi agad maintindihan.

Tama! Ano ang panghuli?


Hinto.
Ano ang hinto?
Saglit na paghinto sa pagsasalita
Mabuti. Mahalaga ba ito? Bakit?
Opo upang mas maunawaan ang nais
Okay. iparating ng nagsasalita.

e. Pagpapahalaga
Sa kabuuan, ang ponemang
suprasegmental ay lubhang mahalaga sa
pakikipagtalastasan upang maging
malinaw at epektibo ang pagpapahayag
ng damdamin. Kung hindi malinaw ang
diin, tono at antala, maaari itong maging
sanhi ng hindi pagkakaunawaan. Kaya
dapat nating tandaan na sa bawat
pagbigkas natin sa mga salita o
pangungusap, isaalang-alang natin ang
damdamin ng kausap.

f. Paglalapat
Naunawaan na ba ninyo ang diin?
Opo
Ang tono?
Naunawaan po.
Ang antala o hinto?
Naunwaan din po.
Magaling kung naunawaan na ng lahat.
Ngayon naman ay may ipapakita akong
tula. Sa loob ng sampung minuto, mag-
ensayo kayo kung paano ninyo
gagawing malikhain ang sabayang
pagbigkas ng tula. Lapatan ito ng
angkop na diin, tono at antala.

“Mahabaging ina! Kailan s’ya lalaya?


Kailan lalagutin sansiglong tanikala?
Kayhirap bang amining dahil sa kanya,
Kayraming kalul’wa ang nakalalaya?

Bakit di s’ya kayang tanggapi’t lingapim


Gaya ng paglingap sa wikang umalipin?
Bakit ikaw’y bingi sa’ming munting tinig
Gayong laganap na wika sa daigdig?”
Saknong mula sa tulang “Pakiusap Ina” ni
Jayson Alvar Cruz

V. Ebalwasyon
I. Bibigkasin ko ang salita ng dalawang beses at piliin ang salitang may tamang diin.
1. kabuhayan
a. KAbuhayan c. kabuHAyan
b. kaBUhayan d. kabuhaYAN
2.sakripisyo
a. SAkripisyo c. sakriPISyo
b. sakRIpisyo d.sakripisYO
3. karangalan
a. KArangalan c.karaNGAlan
b.kaRAngalan d. karangaLAN
II. ngayon naman, bibigkasin ko ang mga salita at lagyan ng 1,2,3 ayon sa lebel ng tono
4. talaga?
5. mayaman
6. mahirap

III. alin sa sumusunod na pangungusap ang tumutugon sa kalagayang tinutukoy ng


sumusunod:
7. ayaw mong tanggapin na siya ang may kasalanan sa nangyari.
a. hindi/ siya ang nagnakaw ng singsing.
b. hindi siya/ ang nagnakaw ng singsing
c. hindi siya ang nagnakaw / ng singsing

8. magkaibigan ang talong babae


a. sina Dianne/ Jillian / at Ruela ay magkakaibigan
b. sina Dianne Jillian/ at Ruela ay magkaibigan
c. sina Dianne Jillian at Ruela ay magkaibigan

9. Hindi nagtext si John


a. Hindi / si John ang nagtext
b. Hindi si John ang nagtext
c. Hindi si John/ ang nagtext.

VI. Takdang Aralin


Sa inyong librong Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Baitang 7, sa pahina
227-228. Basahin at pag-aralang muli ang ponemang suprasegmental.

You might also like