You are on page 1of 3

Kamille Joyce T.

Herrera

Paglilimi

Unang araw ng Community Extension Service, itinalaga agad kami kung saan kami magtuturo at
kung sino-sino ang aming tuturuan. Natalaga kami bilang guro sa mga batang nasa ika-anim na baitang.
Marami sila kung kaya’t halos tiglilima kami ng mga batang tuturuan. Isa-isa kaming nagpakilala sa bawat
isa. Sinabi nila na nahihirapan sila sa Mathematics at Filipino. Nalaman ko na hindi gaano karangya ang
buhay nila roon. Nasiyahan ako nang malaman ko na masaya sila sa pagdating namin. Alam nila na naroon
kami upang turuan sa kanila. Nakawawala ng bagot ang kanilang mga ngiti nang kami ay masilayan.
Masaya ako dahil masaya sila.

Sa unang araw pa lang na pagkikita, nagturo na kami agad ng Mathematics sa kanila. Nabatid ko
na iba na ang lebel ng kaalaman na inaasahan ng DepEd sa kanila sapagkat ikaanim na baitang pa lang sila,
mahirap na ang paksang tinatalakay nila. Masasabi kong nahirapan ako sa paksang iyon sapagkat masyado
na ring komplikadong paksa iyon - “Area of Composite Figures”. Kahit mahirap, sinubukan kong lutasin
ang problemang iyon. Malaking butil ng pawis na ang kumawala mula sa aking noo subalit lumalaban pa
rin para lang makatulong ako kahit papaano sa kanila. Iniuugnay ko ang paksang-aralin sa tunay na buhay
nila nang sa ganoon ay mas madali nilang maunawaan. Ginamit ko rin ang mismong pangalan nila upang
hindi sila mabagot habang tinatalakay namin ang mahirap na paksa nila. Nasiyahan ako nang ngumiti sila
noong tawagin ko ang kanilang pangalan bilang isa sa bidang karakter. Dumating na ang oras ng
pagpapaalam namin sa kanila. Bago kami nagpaalam, naggroufie muna kami nang sa ganoon ay mayroon
kaming remembrance sa kanila.
Kamille Joyce T. Herrera

Paglilimi

Ikalawang araw ng aming pagkikita. Nakatatanggal-pagod talaga ang kanilang pagbati at ang
kanilang mga ngiti mula sa mata at labi. Lalo pa silang dumami. Marami ang nadagdag subalit may iba
namang lumiban sa klase. Kahit ganoon pa man, nasiyahan ako sapagkat masigasig sila na maturuan
namin.

Tinuruan namin sila ng Pangatnig – isa sa mga bahagi ng pangungusap sa Filipino. Ang pangatnig
ay salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay o pangungusap. Halimbawa: subalit, upang, dahil,
habang, upang, o, samntala, datapuwat, at, kaya, sakali, kapag, maging, kung, bagkus at marami pa.
Habang tinuturo namin ito sa kanila, naging masigasig ang aming klase sapagkat lahat sila ay naaliw at
nagsipagbigay ng mga sarili nilang halimbawa. Ang mga halimbawang binigay nila ay puro hugot – ang
rason kung bakit nakakaaliw ang klase. Nabatid ko na kapag tungkol sa pag-ibig ang pinag-uusapan,
nagiging aktibo ang klase, lahat sila ay nakikilahok, lahat sumasagot at masisilayan ang ngiti sa kanilang
mga labi na animo’y nakaranas na sila ng pagkasawi sa pag-ibig. Natutunan ko na sa klase, dapat talakayin
din ang mga bagay na kung saan nakakarelate sila upang maging mas masigla ang klase.

Sa buong oras na tinuturuan namin sila, masigla ang klase dahil sa mga hugot na binigay nila.
Bawat halimbawa nila ay puro patungkol sa pag-ibig. Kahit bata pa sila, ang mga sinasabi nila ay parang
mula sa mga matatandang sawi sa pag-ibig. Hindi dapat natin sila minamaliit. Ayon nga sa kanta ni Aikee,
“Kahit bata man ako
Alam kong minamahal kita
Hindi ito isang laro
Di ako nagbibiro
May puso rin ako
Kahit bata pa ako”
Kamille Joyce T. Herrera

Paglilimi

Ikatlong araw ng aming pagkikita, nasilayan naming muli ang kanilang matatamis na ngiti buhat
ng pagkagalak na makita kami ulit upang turuan sila. Ang itinuro namin sa kanila sa araw na yaon ay
Science. Patungkol sa mga planeta. Pinaglaro namin sila ng tanyag na larong “planets”. Dahil doon, naging
masigla ang aming talakayan.
Pinaglaro rin namin sila ukol sa mga tinalakay namin noong nakaraang tagpo. Higit na naging
masigla ang klase.
Natutunan ko na dapat ang guro ay maraming estratehiya sa pagtuturo nang sa ganoon ay hindi
mabagot ang mga mag-aaral. Dapat ay kakaiba at iba-iba ang ang mga estretehiyang ginagamit upang may
bago na naman sa kanila at mas magiging masigla ang talakayan. Kakaunti lamang ang mga mag-aaral sa
araw na iyon sapagkat mayroon palang Holy Communion sa kanilang simbahan nang araw na iyon subalit
kahit kakaunti lamang sila, lumaban pa rin kami sa pagtuturo upang matulungan namin sila.
Nagagalak ako at masigasig sila sa pagkatuto ng bagong paksa. Masaya rin ako dahil nakita namin
na naaaliw sila sa mga oras na naroon kami at nagtuturo. Masasabi kong masaya sila sa aming pagtuturo
kasi ginagawa nila ang kanilang makakaya upang makasali pa rin sa talakayan matapos silag magholy-
communoin. Marami-rami sila na humabol sa klase at kami ay nagagalak na makita silang interesado sa
paksa at sa aming presensya. Sana’y masubaybayan pa namin sila.

You might also like