You are on page 1of 3

ULAT-SALAYSAY

ni: Geraldine Mae B. Dapyawin

Ang pagpapakitang-turo ay isa sa mga gawain na aming isinagawa sa aming


medyor sa Filipino sa asignaturang F110 Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang
Panturo. Bawat isa sa amin ay inatasang magpakitang-turo bilang paghahanda na din sa
aming nalalapit na pagpapakitang-turo sa aktwal na klase pagsapit namin sa ika-apat na
taon sa kolehiyo. Inatasan kami na gamitin ang mga maikling kwentong aming sinuri
para maging paksa sa aming pagpakikitang turo. Ika-pito ako sa nagpakitang-turo sa
aming klase kaya naman ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mapaghandaan ito.
Gumawa ako ng masusing banghay na magiging gabay ko sa aking pagpapakitang turo.
Pumili din ako ng mga angkop na istratehiya na aking gagamitin para maisakatuparan
ang layunin na aking tinakda. Ginamit ko din ang kaalamang aking natutunan sa pagpili
ng nararapat na kagamitang panturo, gumamit ako ng graphic organizer na aking
natutunan na aangkop sa paksang aking tatalakayin. Shempre kinondisyon ko rin aking
sarili sa gagawing pagpapakitang-turo, humugot ako ng lakas ng loob sa mga taong
walang sawang sumusuporta sa akin. Bago pa man ako magpakitang-turo ay pinag-aralan
ko din ng mabuti ang mga dapat tandaan sa pagpapakitang-turo pati na rin ang
pamantayan sa pagmamarka na binigay sa amin.

Araw ng Lunes nang ako’y magpakitang-turo sa oras na 9:30 ng umaga hanggang


10:30 nito. Sinimulan ko ang aking pagpapakitang-turo sa isang panalangin na
pinangunahan ni Bb. Rizza Jamisola. Sinundan ito ng pagpapa-ayos ko ng silid sa klase
katulad ng pagpapapulot ng mga kalat sa sahig at pati na rin pagpapa-ayos ng mga upuan
at ng kanilang sarili. Matapos ito ay tinanong ko ang klase kung mayroon bang liban.
Nagsimula ang daloy ng aking pagpapakitang-turo sa pagtuturo ko ng isang awitin sa
aking klase na pinamagatang “Ako’y Isang Komunidad.” Pinili kong simulan ang aking
klase sa ganitong motibasyon para makuha ang kanilang interes at mabuhay ang kanilang
mga diwa at ganahang makinig sa aking pagtuturo. Masaya naman ang kinalabasan ng
aking motibasyon dahil nagustuhan ng aking mga mag-aaral ang awitin at sayaw na
itinuro ko sa kanila. Sinundan ko naman ito ng isa pang laro na 4-pics-one-word na kung
saan may pinakita akong mga litrato sa estudyante at hinayaan ko silang hulaan kung ano
ang pinapakahulugan ng mga larawang iyon. Pinaliwanag ko din sa kanila na ang mga
larawang iyon ay may kaugnayan sa magiging aralin namin. Aktibo namang nakilahok
ang mga mag-aaral sa nasabing laro at kanila ding nahulaan ang nais ipakahulugan ng
mga larawan. Pakatapos ng mga isinagawang paunang gawain, akin nang inilahad sa
klase ang magiging paksa namin ngayong araw at ito nga ay ang maikling kwentong
“Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian Candelabra” na isinulat ni Lualhati Bautista.
Bagama’t may kaunti ng kaalaman ang mga mag-aaral sa aralin ay muli ko pa ring
binalikan ang kwento. Binigay ko sa kanila ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento
sa pamamagitan ng paggamit ng Storyboard, may pinakita akong mga larawan sa kanila
na talaga namang naglalarawan sa mahalagang pangyayari sa kwento, akin itong
pinaliwanag at binigyan ko din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbahagi din ng
kanilang nalalaman sa aralin. Matapos ito, ay nagpatuloy na kami sa pagsusuri ng
maikling kwento at para maging masaya ang aming talakayan ay gumamit ako ng
istratehiyang pagtuklas sa “Lihim ng Mahiwagang Kahon.” Ang mahiwagang kahon na
ito ay naglalaman ng mga katanungang may kaugnayan sa aming aralin, pina-ikot ko ang
mahiwagang kahon sa klase sa saliw ng kantang tinuro ko sa kanila. Ang sinumang
huling matatapatan ng mahiwagang kahon ay siyang bubunot dito at sasagutin ang
nabunot na katanungan. Iikot ang kahon na ito sa buong klase hanggang sa maubos ang
mga katanungang naroon. Naging masigla ang aming talakayan at naging aktibo ang
lahat sa pagsusuri namin ng maikling kwentong “Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian
Candelabra.” Para naman sa pagpapalalim ng pag-unawa ng aking mga mag-aaral ay
gumamit ako ng “Cause and Effect Chart” upang tukuyin ang mga suliraning kinaharap
ng pangunahing tauhan sa kwento at ang naging sanhi at bunga nito. Para naman sa
binigay kong paglalapat sa aming natalakay na aralin ay inatasan ko ang klase na
magsulat ng pangyayari sa kanilang buhay na may pagkakatulad sa naging tema ng
kwento, akin itong pinasulat sa isang kalahating papel at ang maswerteng dalawang mag-
aaral na nabunot ko upang basahin ang kanilang nagawa ay sina Bb. Krisha Gantalao at
Bb. Allona Mae Jejillos. At para malaman ko kung naunawaan talaga ng klase ang aming
talakayan ay binigyan ko sila ng maikling pagsusulit. Naging madali para sa klase ang
pagsagot ng pagsusulit na binigay ko kaya naman halos 99% sa kanila ang nakakuha ng
100% na marka. Nagtapos ang aking pakitang-turo sa pagbibigay ko ng takdang aralin sa
klase na kung saan inatasan ko silang gumawa ng tula tungkol sa mga kinaharap nilang
suliranin sa buhay at kung paano nila ito nasolusyunan, pinasulat ko ito sa isang buong
papel at inaasahan kong ipapasa kinabukasan.

Napakagandang karanasan ang pagpapakitang-turo dahil kahit sa isang simpleng


pamamaraan ay naranasan ko ito at aking napagtagumpayan. Sa aking pagpapakitang-
turo maraming bagay ang nalaman at natutunan ko, hindi pala talaga madali ang pagiging
tagapagdaloy ng klase, napakahirap dahil magsisimula ka talaga sa sistematikong
pagpaplano ng iyong aralin, kung paano mo ito ibibigay sa iyong mga mag-aaral at kung
ano ang nararapat na kagamitang panturo ang naaangkop sa iyong layunin. Tunay ngang
mahirap ngunit pakatapos mong maisakatuparan ang lahat ng ito’y makakaramdam ka ng
matinding kasiyahan. Ngayon pa lang ang nasasabik na akong maging isang ganap na
guro at kapag dumating ang araw na iyon ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya
upang maging isang epektibong guro sa aking mga mag-aaral.

You might also like