You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Pamantasan ng Silanganing Pilipinas


PEDRO REBADULLA MEMORIAL CAMPUS
Catubig, Hilagang Samar
uepprmcampus@gmail.com

PANGKAT 5
JARAMILLA JAYSON B.
NOTARTE ROVILY
ASIGNATURA: PANUNURING PAMPANITIKAN
SEMESTRE/T.P.: Ikalawang Semestre, T.P. 2023-2024
LEKTYURER: PRINCESS MAE YDIAN-IRINCO

I. URI NG KWENTO
 KWENTO NG SIKOLOHIKO
II. PAMAGAT
 Ang Value ng X kapag Choppy si Maam
III. NILALAMAN
a) Tauhan
 Patricia - pinakapangunahing tauhan, isang guro sa asignaturang
Matimatika.
 Tonet - ay isang guro sa Ingles, Master teacher III at tagapayo ng
the torch.
 Ina ni Kian Demesa - Matandang babae na ina ng kanyang
estudyanteng si Kian Demesa, na humingi ng konsiderasyon
patungkol sa kanyang anak na wala pang bakuna.
 Beb - Filipino teacher, homeroom adviser, adviser ng book club at
coach ng Volleyball Varsity.
b) Tagpuan
 Bahay ni Patricia- kung saan ginanap ang mga pangyayari sa
kuwento.
c) Galaw ng pangyayari o banghay
1. Pangunahing Pangyayari
- Nagsimula sa tanong na Handa ka na? Kung saan ang mga
tauhan ay naglabas ng mga hinanakit o mga problemang
kanilang dinaranas na dulot ng pandemya. Kung saan ang
kwento mismo ay naganap sa bahay ng pangunahing tauhan na
si Patricia at dito makikita ang kanilang pagbabalik tanaw sa
mga pangyayaring naganap bago ang pandemya.
2. Pasidhi o Pataas na Pangyayari
- Ang pangyayari sa kuwento kung saan ang isang estudyante ni
Patricia ay nanghiram o nangutang sa kanya ng pera sa
kadahilanang wala ng trabaho ang ama nito at kailangan nila ng
pera. Ang sitwasyong ito ay nagbigay katanungan sa kanyang
sarili, kung anong klaseng guro ba siya.
3. Karurukan o Kasukdulan
- Ang nakakapanabik na pangyayari sa kuwento ay ang
pagbabalik paaralan. May sitwasyong pumunta sa bahay ng
gurong si Patricia ang Ina ng kanyang isang estudyante. Dito
isinaad ang pag- uusap sa pagitan ng dalawa. Kung maaari ng
pumasok sa paaralan ang kanyang anak kahit na hindi pa ito
nabakunahan. Kung ligtas na nga ba talaga. Ang sitwasyong ito
ay nagbigay pangamba sa guro kung dapat ba siyang
magsinungaling o hindi.
4. Kakalasan o Pababang Aksyon
- Sa paglutas sa sitwasyong nangyari ay sagot na
makakapagpagaan ng loob ng matanda ang kanyang binigay
upang ito ay hindi mangamba kahit na mahirap para sa kanya
sapagkat wala siyang kasiguraduhan. Umalis ang matanda ng
may ngiti.
5. Wakas
- Bumalik siya sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop. Kahit
na hirap siyang magpatuloy natapos niya ang presentasyon.
Nag-vibrate ang kanyang cellphone na nagpakita ng mensahe
mula sa kanyang kapwa guro. Sa mensaheng "ba't pakiramdam
ko ang masasabi ko bukas pag maingay ang klase, "everyone
please mute your mic." na tinugunan niya ng "ang isasagot nila,
"mam choppy po kayo"

IV. TAGLAY NA BISA


 Bisa sa Isip
- Nagkakaroon ng pagbabago sa isipan patungkol sa mga
guro ,kung saan ay nabibigyan tayo ng kwentong ito ng kamalayan o
kaalaman patungkol sa kung ano ang mga karanasan ng mga guro sa
kanilang buhay lalong-lalo na noong panahon ng pandemya.
Nabanggit sa kwento na si ma'am Pat ay nagkaroon ng
pagdadalawang isip kung maayos ba siya bilang isang guro at kung
tama ba ang kanyang mga ginagawa ,dahil sa pandemya nasubok
ang kanyang katatagan at paninindigan sa kanyang propesyon ,ngunit
sa kabila ng lahat ay naging matatag siya at inisip nalamang niya ang
kapakanan ng mga estudyante.

 Bisa sa damdamin
-Nagkakaroon ng pagbabago sa damdamin ,sapagkat siguradong
maaantig ang puso o damdamin ng mga mambabasa dahil sa mga
karanasan ni ma'am Pat na nabanggit sa kwento ,na akala ng
nakararami ay naging madali ang trabaho ng mga guro dahil sa
pandemya ,ngunit ang totoo ay mas humirap pa ito dahil sa biglaang
pagbabago ng paraan ng pagtuturo at hindi nila mawari kung may
natututunan ba ang mga estudyante sa talakayan lalo na at
ginaganap ito via zoom. Maaantig ang ating puso o damdamin dahil
sa mga sakripisyo ng ating guro para mapabuti ang pagkatuto ng mga
estudyante.
 Bisa sa kaasalan
- Nagkakaroon ng bisa sa kaasalan kung saan ay magbabago ang
ating pakikitungo sa mga guro ,mas igagalang pa natin sila at
pahahalagahan ang kanilang pagtuturo dahil nalaman natin sa kwento
ang mga sakripisyo nila para sa atin na mga estudyante,na ang
tanging hanggad lang nila ay mapabuti ang ating buhay .

V. KAMALAYANG PANLIPUNAN
 Ang kuwento ay nagpapakita ng mga hamon at pagbabago sa
sistema ng edukasyon dahil sa pandemya, kung saan ay nahirapan
sa pag- aadjust at pag- aadapt ang mga guro at estudyante sa
bagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto. Binigyang diin din dito
iyong pagkakaroon ng masamang epekto ng pandemya sa kalusugan
sa mental health ng mga guro at estudyante.

VI. KAMALAYANG PANGKULTURA


 Ipinakia sa kuwento ang pagbabago sa tradisyon ng pagtuturo ng mga
guro at ang pagkatuto ng mga estudyante dahil sa pandemya. kung
saan ang dating face to face ay naging Online Class. Dahil doon ay
hindi naging maayos ang pagtuturo ng mga guro dahil sa hindi stable
na signal at hindi rin maayos na pagkatuto ng mga mag- aaral dahil
sa wala silang gadyet na gagamitin at hindi maayos na signa.

VII. TEORYA
 REALISMO
- Ang kuwentong ito ay teoryang realismo, sapagkat ito’y nasasalamin
sa totoong buhay kung saan ito’y nangyari noong nagkaroon ng
pandemya at ang dinanas na hirap ng mga guro para lang maituro ng
maayos iyong mga aralin at maipakita sa lahat na ayos lang sila sa
kahit sa loob-loob ay hindi.
 HUMANISMO
- Sinasaad dito na ang tao ang sentro ng kwento, kung saan
nakapokus sa mga tauhan. Kung saan ito ay kwento tungkol sa isang
guro na si Patricia na humaharap sa mga hamon na epekto ng
pandemya siya ay nahaharap sa pagsubok ng pag- aadapt sa
paggamit ng bagong estratehiya sa pagtuturo, na kung saan ay hindi
nagaganap sa mismong paaralan.
 SIKO-ANALITIKO
- Si Pat bilang pangunahing tauhan, siya’y sumasalamin sa
pagaalinlangan hinggil sa kaniyang kakayahan bilang isang guro at
ang stress na dulot nito sa kaniyang buhay. Bagamat, puno ng
walang kasiguraduhan at pagod, patuloy na nagpursigi siya sa
kaniyang tungkulin bilang isang guro.
 SIKOLOHIKAL
- Ang kwento ay nagsasad o nagpapakita ng pag- uugali ng
pangunahing tauhan. Kung saan nalubog ito dulot ng kaniyang mga
naranasan o mga pangyayari sa buhay niya sa panahon ng pademya.
 FEMINISMO- MARKISMO
- Ang kwento ay nagpapakita kung paano tinugunan ni Patricia ang
mga problemang kanyang kinaharap sa panahon ng pandemya. Sa
paraang hindi pagtalikod sa suliranin kundi pag- iisip ng mga
maaaring solusyon dito.
VIII. PAGPAPAHALAGA
- Dedikasyon sa propesyon, halaga ng pagmamahal

You might also like