You are on page 1of 20

Pagpapakilala Sa

Sarili
Tukoy-Alam

Hayaang ipakilala ng mga bata ang kanilang sarili.


Tumawag ng mga volunteer para sa gawaing ito.
Anong karanasan sa
unang araw ng pasukan ang
hindi mo malilimutan?

Ano kaya ang nangyari sa


unang araw ng pasukan?

Basahin ang kuwento.


Unang araw ng pasukan sa
Paaralang Elementarya ng Sta.
Clara. Makikita ang tuwa at galak
sa bawat isa. Natutuwa ang lahat
na makita muli ang mga kaklase
at kaibigan.
Abala ang lahat sa
paghahanap ng bagong
silid-aralan, maliban sa
isang batang si Ella.
Siya ay bagong mag-
aaral sa paaralan. Bagong
lipat lamang sila sa lugar
kaya wala pa siyang
kakilala o kaibigan man
lang.
Palinga-linga siya sa
paglalakad. Pasilip-silip siya sa
mga silid-aralan. Ang takot niya
ay pilit na itinatago hanggang sa
mapaiyak na siya nang tuluyan.
Ilang saglit lang, isang maliit na
boses ang kanyang narinig.
“Ano’ng pangalan
mo?” Isang matamis na
ngiti ang kanyang
iginanti sabay sabing,
“Ako si Ella. Ikaw?”
Ano ang nararamdaman ng mga
bata sa unang araw ng pasukan?
Bakit masaya ang mga bata?
Bakit kakaiba ang nararamdaman
ni Ella?
Bakit siya malungkot?
Ano kaya ang sumunod na nangyari?

Paano mo ipakikilala ang iyong sarili?


Basahin sa mga bata ang sinabi ng bagong
kaibigan ni Ella.
Para sa Guro : Gumawa ng puppet upang
magamit sa gawain na ito.
Ipakilala ang puppet na ginawa sa pamamagitan
ng pagsasabi ng :
“Ako si Marina.
Ako ay pitong taong
gulang.
Nasa Ikatlong
Baitang ako.
Nakatira ako sa
Purok 4.”
Ano ang unang sinabi ni Marina
tungkol sa kanyang sarili?

Ano-ano pa ang sinabi niya?

Ano ang dapat tandaan sa


pagpapakilala ng kanyang sarili sa
kapwa bata?

Paano ito gagawin kung sa


matanda siya magpapakilala?
Pagpapayamang Gawain.

Iayos ng pabilog ang mga bata.


Kasabay ng tugtog ang bolang
ipapasa sa katabi sa kanan. Kung
sino ang may hawak ng bola
paghinto ng tugtog ang siyang
magpapakilala ng sarili sa
pamamgitan ng pagbuo ng mga
pangungusap na nasa tsart.
Ako si ________.
Ako ay ________ taong gulang.
Ipinanganak ako noong ________.
Nakatira ako sa ________.
Ang aking mga magulang ay sina
________.
Ano ang dapat tandaan sa
pagpapakilala ng sarili?

• Sa pagpapakilala ng aking sarili ay


una kong sinasabi ang aking ________.
• Sinasabi rin ang araw, buwan at taon
ng aking ____________.
• Ang lugar kung saan ako nakatira ay
tumutukoy sa aking ________.
• Binabanggit ko rin ang pangalan ng
aking mga ___________.
Magtawag ng mga bata
na magsasabi ng isang
pangalan ng kanyang
kaklase at ilang
impormasyon na
natatandaan na natatandaan
niya tungkol sa tinukoy na
mag-aaral.
Takdang - Aralin
Kumpletuhin ang impormasyon na nasa
tsart.

Ako si _________________________.
Ako ay ___________ taong gulang.
Ipinanganak ako noong ________.
Nakatira ako sa ________________.
Ang aking mga magulang ay sina
_______________________.

You might also like