You are on page 1of 2

PTA MEETING 2018

VRSHS

 Isang Mapagpalang Hapon po sa ating lahat!


Ikinagagalak po namin,ng Vedasto R. Santiago High School, ang
pagtitipon sa hapon na ito sapagkat ito ay tanda na naman ng
pagkakaisa ng mga guro at ng mga magulang sa iisang layunin… layuning
makapagbigay ng lathala patungkol sa ating mga mag-aaral. Dito natin
matutunghayan ang bunga ng hirap at tyaga ng mga mag- aaral, gayundin
ng mga magulang at maging ng kani- kanilang mga guro.

 Ngunit bago po natin simulan ang palatuntunan sa hapong ito,


inaanyayahan po muna namin ang lahat na tumayo para sa pag- awit
ng ating pambansang awit na kukumpasan ni Gng.Shiela Marie T.
Gonzales, guro sa Araling Panlipunan, kasama ang mga piling mag-
aaral ng AP Club.

 Manatilidin po tayong nakatayo para sa doxology na inihanda ng mga


piling mag-aaral mula sa AP Club na sasamahan naman ng pambungad
na panalangin na pangungunahan ni Gng. Desiree Almenanza, guro sa
ESP.

 Maari na pong magsiupo.


Para pormal na simulan ang ating programa, inaanyayahan po si Gng.
Daria D. Cardona, Head Teacher ng Filipino Department na kakatawan sa
ating butihing Punong Guro Leonora Manalastas para sa kanyang
pambungad na pananalita. Salubungin po natin siya nang masigabong
palakpakan.

 Maraming salamat po Gng. Daria sa inyong makabuluhang mensahe. At


upang magbahagi ng kaniyang angking talento, inaanyahan ko po ang
aking co-teacher na si G. Kenneth S. Cruz, guro sa Filipino, sa
kanyang pampasiglang bilang.

 Maraming salamat sa sobrang husay na si Sir Kenneth. At upang


magbahagi ng kanyang mensahe, tinatawagan po ang ating
responsableng PTA President, G. Bernardo F. Mananquil

 Maraming Salamat po G. Mananquil. Ngayon po, atin naman pong


pakinggan ang isang mensaheng magmumula sa ating Engr. Rodolfo R.
Santiago, ang Daddy Pogi ng Vedasto R. Santiago High School.

 Lubos po ang pasasalamat ng ating eskwelahan kay Engr. Santiago,


palakpakan po natin siya muli sa walang sawang suporta sa ating
paaralan. Ngayon, upang maibsan ang ating antok sa hapong ito,
saksihan po natin ang isang pang pampasiglang bilang na magmumula
kay Gng. Anna Mae J. Guttierez, Administrative Aide ng VRSHS.

 Marami pong salamat, Gng. Guttierez. Ngayon, para naman po sa


isang Mensaheng Inspirasyunal na magmumula sa ating Kagalang
galang na Mayor Marivee Mendez-Coronel, tinatawagan po si Bb. Anna
Francesca M. Coronel, ang butihing anak ng ating Mayor Ivee.
(palakapakan po natin)

 Salamat po Bb. Coronel, walang sawa po ang pasasalamat ng aming


paaralan sa pagtugon ninyo sa aming paanyaya.
 Ngayon, dadako po tayo sa parte ng ating palatuntunan kung saan
tatalakayin ang pagiging responsableng magulang sa ating mga anak
na pinamagatang “Pag Hilumin at Pagyamanin: Pagkakaroon ng
Problema sa Relasyon ng magulang at anak, tayo na po at makinig
kay G. Delfin Serrila Jr., PTCA- Homes

 Maraming Salamat po, G. Serrila. Nawa’y hindi lang po tayo nakinig


mabuti, bagkus ito po ay ating isasapuso.

 Bilang pagwawakas ng programa, inaanayahan po si Gng. Maricel D.


Hernandez, ang Ingat-Yaman ng FEA at guro sa ESP, upang kumatawan
sa ating presidente ng nasabing samahan. Salubungin po natin siya
ng masigabong palakpakan.

 Salamat po Ma’am
Maraming Salamat po sa pakikiisa sa programang ito. Dalangin po namin
ang inyong palagiang pagtugon sa mga ganitong klaseng paanyaya ng
ating paaralan. At umaasa po kaming sa susunod na markahan ay muli po
kayong pupunta upang ipakita ang suporta, ‘di lamang sa amin pati na
rin po sa inyong mga anak. Muli po maraming salamat sa lahat!

 Ang lahat po ng magulang ay inaanyayahang magtungo sa silid-


aralan ng kanilang mga anak para sa gaganaping pagpupulong at
pagbibigay ng card. Maraming salamat po!

END

You might also like