You are on page 1of 7

Voice Over: Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa

Pagtuklas at Paglikha“ Ang panapos na pagdiriwang sa Buwan ng


Wika sa taong dalawang libo’t dalawampu’t dalawa.

- Inaanyayahan namin ang lahat ng mga guro na pumunta dito sa


likuran.

(Reading of the teachers)

- Magsitayo ang lahat para sa panalangin na pinangunahan ng


mga mag-aaral sa Ikasampung Baitang at manatiling nakatayo
para sa pambansang awit sa pagkumpas ni Ginoong Anthony G.
Escala

B: Magsiupo na po ang lahat.


G: Mga kapwa ko mag-aaral,
B: Mga mahal naming guro at punong-guro na si Bb. Bering
G: At sa ating mga mapagkalingang mga magulang.

B: Sa Cebuano, Maayong Buntag !


G: Sa mga Taga-leyte, Maopay na aga ha aton nga tanan!
B: Sa mga taga Batanes, Kapian kapanu dius cha mavekhas!
G: Sa Kapampangan, Mayap a abak keko ngan"!
B: Sa Ilocano, NA-IM-BAG NGA-BIGAT !
G: Sa Ingles, Good morning!
ALL: Magandang Umaga sa ating lahat.

G: Lalo na sa magandang dilag na katabi ko ngayon, magandang


umaga Binibining Rose !
B: Magandang hapon rin sayo matipunong Ginoo, John!

G: Taon-taon ay talagang hinihintay natin ang kapana-panabik na


pagdiriwang na ito.
B: Tama! Mismong ang lahat ay ayaw paawat sa pagsali sa iba’t
ibang paligsahan inihanda para sa atin.
G: Kaya naman, hindi ko na patatagalin pa ito. Halina’t
salubungin natin si Bb. Almera para sa ...
ALL: Pambungad na Pagbati!

B: Maraming salamat sa iyong masigabong pambungad na pagbati at


makabuluhang mensahe Bb. Almera.
G: Bago natin tunghayan ang iba’t ibang patimpalak ng iba’t
ibang baitang.
B: Gusto muna naming marinig ang inyong hiyawan.
G: Nasaan ang elementary department!
B: Ang Pre-school department!
G: Hindi naman pahuhuli ang High School department!
B: Wow! Ang taas ng energy ninyo, ito ay nagpapatunay na kayo ay sabik na sabik na sa
magaganap ngayong umagang ito.

G:Alam mo partner , sabik na sabik na akong matunghayan ang kakaibang talento ng ating
kapwa mag-aaral. Ano pa bang hinihintay natin , wag na tayong patumpik-tumpik pa, simulan
na natin.
Ngayon, halina’t tunghayan natin ang iba’t ibang mga patimpalak
na mangyayari mismo sa umagang ito.
B: Unang matutunghayan natin ay ang Patimpalak sa Deklamasyon.
ALL: Tunghayan ang Pambato ng ika-apat na baitang, Yohan Roscual.
B: Palakpakan!
(Intermediate Department)
G: Ngayon, matutunghayan naman natin ang pambato ng ika-limang
baitang para sa patimpalak sa Deklamasyon.
B: Palakpakan natin si
ALL: Athenna Yzabellah
(Deklamasyon- Grade 5)

B: Talaga namang kahanga-hanga ang mga talentong ipinapakita ng


ating kapwa mag-aaral diba Ginoong John?
G: Tama ka Rose , kaya nga " Taas noo kong ipagmamalaki na ako'y isang
Jozepian”.

G: Sa puntong ito, matutunghayan natin ang mga nagwagi sa


PAGSASALING-WIKA at PAGBAYBAY na ginawa noong nakaraang Linggo.
Ang pagsasaling-wika at pagbaybay ay binuksan para sa lahat ng mag-
aaral mula sa ika-apat na baitang hanggang sa ikasampung
baitang.

Para sa pagbibigay ng parangal ,maari ko bang tawagin si Bb. Hazel ang ating punong
departamento sa Filipino .

Bb. Hazel: narito ang mga nanalo sa nasabing patimpalak. Unahin muna
natin ang mga nanalo sa Pagsasaling-wika

Para sa ika-apat na baitang ay walang iba kundi si Cassandra Raganas.

Bb.Hazel : Para naman sa ika-limang baitang, ang nanalo ay si


_________________

Para naman sa ika-anim na baitang walang iba kundi si______________.

Para sa ikapitong baitang_________

Para sa ikawalong baitang________

Para sa ika-siyam na baitang_____

At para naman sa ikasampung baitang________


G: Muli , binabati namin ang lahat ng mga nanalo sa patimpalak sa
pagsasaling-wika.

B: Ginoong John, mukhang handang-handa na ang mga pambato ng


High School Department para sa Deklamasyon.

G: Oo nga Binibining Rose , kaya wag na nating patagalin pa,


tawagin na natin ang pambato ng ika-pitong baitang sa kanyang
piyesa na “Inang Wika” na isinulat ni Amado V. Hernandez.
Bigyang natin siya ng isang masigabong palakpakan.

G: Isunod naman natin ang pambato ng ika-sampung baitang


Guinevere Rose Taneo para sa kanyang sariling gawa na piyesa na
pinamagatang “Si Goryo”. Bigyan natin siya ng isang masigabong
palakpakan.

B:Tawagin naman natin ang pambato ng St. Cecilia na si


______________ para sa kanyang piyesa na “Ako ito, Pangarap ko
to”

G: Hindi rin naman magpapahuli ang pambato ng Grade 8 St. Francis of


Assisi, sa kanyang piyesa na “Inang Wika” ni Amado V. Hernandez.
Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan.

All: Kay ganda nga naman ng ating WIKA, na Tatak ng Pagka-


Pilipino.

G: Kaya ngayong tapos na tayo sa DEKLAMASYON, tutunghayan naman


natin ang mga nanalo sa paligsahan ng PAGBAYBAY

Para sa pagbibigay ng parangal ,maari ko bang tawagin ang ating Academic Head na si Ginoong
Jerome Almero .

Ikaapat na baitang : Hannah Collamat

Ikalimang baitang:

Ikaanim na baitang:

Ikapitong baitang :

Ikawalong baitang :

Ika-siyam na baitang :

Ikasampung baitang :

B: Muli, bigyan natin ng masigarbong palakpakan ang mga nagwagi para sa


patimpalak na ito.
G: Iba nga naman talaga pag ikaw ay isang tatak JOZEFIAN.
PaLaban!

B: Sa puntong ito, Tutunghayan naman natin ang isa pang timpalak


na talaga namang magpapatunay na hindi lamang magaling ang mga
JOZEFIANs sa pag-akting kundi magaling rin sila sa pagkanta.

All: Handa na ba kayo JOZEFIANs?

G: Eh ang mga kalahok kaya, handa na nga kaya sila?

B: Mukhang handa na sila partner! Kaya tunghayan natin ang isa


na namang patimpalak na tiyak ay sa kanilang tinig at kumpas ng
mga kamay siguradong mamahalin mo sila.

G: Kaya naman tawagin na natin ang unang kalahok na manghaharana


sa atin, siya’y mula sa ika-sampung baitang, palakpakan natin si
___________________________________.

B: ang ikalawang kalahok, ay mula naman sa ika-siyam na baitang,


kita’y kanyang haharanahin sa kanyang awiting
“_________________” palakpakan natin si

ALL:______________________________________.

G: Hindi rin naman magpapatalo ang pambato ng Grade 8 St.


Francis of Assisi, Earliza Ruizol. Tayo’y kanyang e.hehele sa
kanyang napiling awitin na “_____________________” Palakpakan
natin siya.

B: Ang panghuling kalahok para sa Timpalak sa pagkanta, High


School Edisyon. Ito’y walang iba kundi ang pambato ng Grade 7-St
Blasé, Andre Josef Perilla. Palakpakan natin siya.

G: Partner hindi ko na kaya, Grabe napaka talentado ng mga kapwa


natin mag-aaral. Break muna tayo sa kantahan. Tunghayan muna
natin ang mga nanalo sa Poster-Slogan Making na ginanap noong
Agosto 24, 2022.

Para sa pagbibigay ng parangal,maari ko bang tawagin ang ating Punong- Guro na si Bb. Bering.

Bb. bering: Primary Department , pumarito ka at tanggapin mo ang iyong


premyo at sertipiko.

Bb: Para sa Intermediate naman, hali ka at tanggapin mo rin ang


iyong prempyo at sertipiko,_______________________.
Bb. Bering: at panghuli, para naman sa Junior High School, ikaw ang
napiling nanalo sa timpalak na ito,
________________________________.

All : Bigyan natin ng isang masigabong palakpakan ang mga nanalo


dahil talagang hinusayan nila ang paggawa.

B: Balikan na nating muli ang Timpalak sa Isahang Pagkanta,


kanina ay narinig natin ang mga tinig ng ating mga ate at kuya
sa High School.

G: Ngayon naman, matutunghayan natin ang mala anghel na tinig ng


Intermediate Department. Unang pambato na sasabak ay walang iba
kundi ang pambato ng Grade 4- St Lorenzo Ruiz, isang masigabong
palakpakan para kay Angele______

B: Ngayon naman ay tawagin natin ang ikalawang kalahok, mula sa


ika-limang baitang. Ipaparinig niya sa ating ang nakakaantig niyang
boses, ____________________.

G:Aba’y hindi rin magpapahuli diyan ang pambato ng ika-anim na


baitang, tayo naman ay kanyang pa-iibigin, palakpakan natin si
________________________________.

Habang tintali pa kung sino ang nanalo sa ating naganap na patimpalak kanina, ay
tunghayan muna natin ang sayaw na pamukaw sa ganda na ihahatid sa
atin ng mga dance troupe ng SJPIICS. Bigyan natin sila ng isang
masigabong palakpakan.

B: Maraming salamat SJPIICS dance troupe na pinangungunahan ng


kanilang dance instructor na si Ginoong Anthony Escala para sa
napakagandang presentasyon.

(TAGISAN NG TALINO)

G: Sa puntong ito, magiging seryoso muna tayo. Ang patimpalak na


mangyayari ngayon ay susubok sa katalinuhan ng ating mga kapwa
mag-aaral. Ito ay may tatlong kategorya (madali, katamtaman, at
mahirap)

B: Ang makakakuha ng mataas na puntos para sa nasabing timpalak


ay siyang hihiranging panalo.

B: Kaya sa lahat ng mga kalahok, pumarito na sa harapan dahil


ilang minuto mula ngayon ay sisimulan natin ang nasabing
patimpalak.

(TAGISAN NG TALINO EASY AND AVERAGE ROUND)


G: Hinga muna tayo saglit dahil mukhang sumasakit na ata ang mga
utak ng ating mga kalahok dahil sa mga katanungan. Sa puntong
ito ay matutunghayan natin ang isang intermission number mula sa
Faculty Department,tayo’y kanyang pakikiligin sa kanyang
napakagangdang boses, isang masigabong palakpakan para kay
Binibining Almera Jaculbe.

B: Maraming salamat Bibinibing Almera, talaga nga namang kami ay


iyong napakilig sa napakaganda mong boses.

G: Sa puntong ito’y ipagpatuloy na natin ang patimpalak sa


tagisan ng Talino, ngunit sa puntong ito sa Katamtamang at
mahirap na Kategorya naman tayo. Handa na ba ang lahat?

G: Kaya ngayon, may kasabihan nga tayo kapag may itinanim at


pinaghirapan may aanihin.
B: Tama ka diyan John. Iaanunsyo na natin ngayon at bibigyan ng
premyo ang mga nanalo sa iba’t ibang paligsahan sa loob ng
Walong araw na pagdiriwang.
G: Kasama ang ating mga aktibong guro na buong pusong ibinigay ang
kanilang oras at panahon sa pagkakaroon natin ngayon ng isang
makabuluhan at magandang pagdiriwang.
All: Walang iba kundi sina Bb. Hazel at Bb. Almera.
(AWARDING)

B: Ngayon, dahil may nagbubukas..


G: Alam naman nating may magtatapos din..( kakalungkot naman)
B: Kaya naman para sa kanyang pagtatapos na bati, salubungin
natin ang ating pinagpipitagang punong departamento ng Filipino
na si
ALL: Bb. Hazel Kate Flores
(Closing Remarks)

B: Maraming Salamat sa iyong napakaganda at makabuluhang


mensahe.

G: Sa likod ng mga magaganda at makukulay na mga sayaw ay hindi


naman pahuhuli ang ating mga mahal na guro.
All: Kaya halina’t tunghayan natin ang ating mga talentado, bibo,
mga gwapo at mga magagandang guro ng SJP II CS.
(Teacher’s DANCE)

G: Wow! Kakaiba nga naman sila, talagang ginalingan! Kaya naman


ipinagmamalaki kong Josefian ako. Diba, Partner?

B: Tama ka diyan John.


All: Tandaan at laging isaisip na ang wika ay kaluluwa at salamin
sa pagkatao ng isang bansa.
G: Kaya para sa lahat, isang masigabong palakpakan dahil
matagumpay nating nagawa ang pagdiriwang natin ngayon.
B: Muli ,kami ang inyong tagadaloy ng programa, ako si Ginoong John Hermel Batiller

G- at ako naman si Bb. Guinevere Rose Taneo..

B : Na nagsasabing, " Wika’y pagyamanin at pahalagahan upang tayo’y


umunlad.

G: Dahil ito ay pamana pa ng ating mga ninuno at simbolo ng ating pagka- Pilipino"

All: Maraming salamat at Magandang umaga sa inyong lahat. Mabuhay ang


Katutubong Wika!

You might also like