You are on page 1of 3

BUWAN NG WIKA SCRIPT

JOHANNAH: Sa aming punong tagapamahala, Teacher Diobe at Teacher Vic


Galleno, sa aming punongguro, Teacher Ruth Pasion, sa aming mga guro, sa mga
magulang, mga kapwa ko mag-aaral at sa inyo pong lahat, MAGANDANG
UMAGA!

TIMOTHY: Sa pagdating ng buwan ng agosto ay ipinagdiriwang natin ang


Buwan ng Wika upang magbalik tanaw sa kadakilaang ginawa ng ating
itinuring na ama ng wikang pambansa, Manuel Luiz Quezon.

JOHANNAH: Tama ka riyan TIMOTHY, Siya ang naging tulay upang


magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa pagtalaga ng isang
pambansang wika ang "Filipino". Dahil sa ating wika at sa kulturang
pinangangalagaan natin, mas nakikilala sa buong mundo ang ating pagka-
Filipino.

TIMOTHY: Sang-ayon ako riyan, kahit nasa makabagong panahon na tayo


ngayon patuloy pa din nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa.
Kaya naman wag na tayong magpatumpik-tumpik pa… umpisahan na natin ang
ating programa. Inaanyayahan ko po ang lahat na tumayo para saksihan ang
pagpasok ng mga kulay……. at susundan ng panalangin mula sa ika-apat na
baitang.

……………………...PAGPASOK NG KULAY……..……………………...
……………………………DOXOLOGY…….………………………..…...

JOHANNAH: Manatiling nakatayo para sa ating PAMBANSANG AWIT sa


kumpas ni JESUSA BELLE YGOT mag-aaral sa Kindergarten, susundan ng
PANATANG MAKABAYAN sa pamumuno ni LANCE JAIRVIN ALFONSO mag-
aaral sa ika-limang na baitang at pagkatapos ang Victorious Children Hymn.

TIMOTHY: Maaari nang umupo ang lahat. (Bago ang lahat nais ko pong
magpakilala ako po si TIMOTHY at kasama ko po si JOHANNAH)…. Ngayong
ika-(31) TATLUMPUT-ISA ng Agosto (2019) DALAWANG LIBO AT LABING
SIYAM ay ipinadiriwang natin ang Buwan ng ating wikang pambansa na may
temang “WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO”.

JOHANNAH: Bukod sa buwan ng wika, ipinagdiriwang din naten ngayong


buwan ang pag gunita sa pagkamatay ni Ninoy Aquino at kapanganakan ni
Manuel L. Quezon. At alam mo ba na si Manuel L. Quezon ang ama ng ating
wikang pambansa. Ang wikang ating nakasanayang bigkasin.

TIMOTHY: Talaga nga namang kay inam bigkasin ng wikang Filipino. Bukod sa
maganda pakinggan at madaling bigkasin, dito ko din naipapakita ang aking
pagiging tunay na Pilipino.

1
JOHANNAH: Tama ka TIMOTHY, kung kaya’t hindi natin dapat makalimutan
ang ating sariling wika at dapat itong mahalin, pagyamanin at higit sa lahat
ipagmalaki.

TIMOTHY: Tama ka diyan JOHANNAH! Mukhang handang handa na ang ating


mga panauhin kaya naman magsimula na tayo sa ating programa. Upang
pormal ng buksan ang ating programa, inaanyayahan ko po si Teacher RUTH
PASION, ang ating punongguro upang magbigay ng panimulang pananalita at
pormal na ipakilala ang ating panauhing pandangal.

JOHANNAH: Maraming Salamat po Teacher Ruth. Maraming salamat din


Binibining _____________________ sa inyong napakagandang mensahe,
nawa’y nabuksan ng ating panauhing pandangal ang inyong mga natutulog na
damdamin…. Muli maraming salamat po…. Tayo na po at mag-umpisa sa ating
pinakahihintay na pagtatanghal…. Atin na pong saksihan ang isang espesyal
na bilang mula sa mga mag-aaral sa UNANG BAITANG.
----------------------------------- (PERFORMANCE) ------------------------------------
TIMOTHY: Nakatutuwa naman pagmasdan ang kapwa nating mag-aaral mula
sa UNANG BAITANG. Dumako naman tayo sa isa ding natatanging bilang mula
naman sa NURSERY at PREKINDERGARTEN.
----------------------------------- (PERFORMANCE) ------------------------------------
JOHANNAH: Palakpakan naman natin ang NURSERY at PREKINDERGARTEN
sa kanilang napakasiglang pagtatanghal…... Atin namang pagmasdan ang
galing ng mga mag-aaral sa KINDERGARTEN.
------------------------------------ (PERFORMANCE) -----------------------------------
TIMOTHY: Maraming salamat mga mag-aaral sa KINDERGARTEN. Atin naman
pong saksihan ang isang tula mula sa UNA, IKALAWA AT IKATLONG
BAITANG.
----------------------- (tula…SA AKING MGA MAGULANG) ---------------------
JOHANNAH: Maraming Salamat kapwa ko mag-aaral. Atin munang puputulin
panandalian ang mga pagtatanghal upang bigyan ng parangal ang mga
nagwagi sa POSTER MAKING na naganap noong ikalabing-pito ng Agosto.
Inaanyayahan ko po si Teacher Laurence Gonzales upang ibigay ang mga
pamantayan sa paghusga at upang ipakilala ang mga nanalo…

------------------------------ (TEACHER LAURENCE) ----------------------------------


TIMOTHY: Tayo na at magpatuloy. Isang espesyal na pagtatanghal mula sa
IKALAWANG BAITANG naman ang ating saksihan.
-------------------------------------- (PERFORMANCE) ---------------------------------
JOHANNAH: Maraming Salamat kapwa ko kamag-aral sa IKALAWANG
BAITANG. Atin naman pong tunghayan ang isang pagtatanghal mula sa ating
mga ate at kuya sa IKAAPAT NA BAITANG.

2
------------------------------------- (PERFORMANCE) ----------------------------------
TIMOTHY: Oh, nakamamangha naman ang inyong talento… Ituloy tuloy na po
natin ang ating programa, isang sayaw din naman ang inihanda ng mga ate at
kuya natin sa IKALIMANG BAITANG.
------------------------------------ (PERFORMANCE) -----------------------------------
JOHANNAH: Maraming salamat mga kapwa ko mag-aaral sa ikalimang
baitang. Ngayon naman atin salubungin ng palakpak ang mga mag-aaral sa
IKATLONG BAITANG.
------------------------------------ (PERFORMANCE) -----------------------------------
TIMOTHY: Maraming salamat kapwa ko mag-aaral sa ikatlong baitang.
Sadyang nakabibilib ang inyong pagtatanghal… Talaga nga naman na ang
kagaya nating kabataan ay may taglay na lakas ng katawan at talas ng isipan
kaya napagtagumpayan naten ang mga pagtatanghal na ito.

JOHANNAH: Tama ka riyan Timothy, bukod sa mga nabanggit mong katangian,


taglay din natin ang pagkamakabayan base sa ating mga ipinamalas na
presentasyon. Parang nagbalik din tayo sa mga panahon ng ating mga ninuno
at nagpapatuloy sa makabagong henerasyon.

TIMOTHY: Tama ka diyan JOHANNAH, bukod sa nasasariwa natin ang


nakaraan ay nararamdaman din natin na tayo ay isang tunay na Pilipino dahil
sa mga aral na itinuro ng ating mga ninuno.

JOHANNAH: Magpasalamat din tayo sa ating mga ninuno at naipaglaban nila


ang ating bansa mula sa mga mananakop. Kung hindi marahil sa kanila,
nananatili tayong alipin ng mga dayuhan. Salamat din sa mga ninuno natin na
nagpaumpisa ng ganitong pagdiriwang. Kaya naman muli… palakpakan naten
ang ating mga ninuno bilang pagpupugay sa kanilang kadakilaan.…

TIMOTHY: Bago tuluyang matapos ang ating programa, Nais ko pong


anyayahan ang ating punong tagapamahala na si Teacher Diobe Galleno
upang magbigay ng pangwakas na pananalita.
------------------------------------ (teacher Diobe) --------------------------------------
JOHANNAH: Maraming Salamat po Teacher Diobe. Tawagin naman natin si
Teacher ANGELIE M. MENDEZ upang magbigay ng pangwakas na panalangin.

TIMOTHY: Patapos na po ang ating programa, inaanyayahan ko po ang lahat


na tumayo upang saksihan ang PAGLABAS NG MGA KULAY.
----------------------------(PAGLABAS NG MGA KULAY) --------------------------
JOHANNAH/TIMOTHY: AT DITO PO NAGTATAPOS ANG MUNTI NAMING
PROGRAMA, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT...

You might also like