0% found this document useful (0 votes)
153 views2 pages

Buwan NG Wika

Uploaded by

Vina Oringot
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
153 views2 pages

Buwan NG Wika

Uploaded by

Vina Oringot
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Sabay: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

Joshua: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang isda: kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

Vina: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng
wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

Joshua: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating Pambansang
Wika ay hindi lamang para sa pakikipagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating
pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.

Vina: Kaya ngayong umaga atin muling saksihan ang isang palatuntunan nang ating paaralan bilang pag-
alala ng ating Wikang Filipino na may temang:

Sabay: “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha” Maligayang


Panonood sa Lahat

Joshua: Inaanyayahan po ang bawat isa na magsitayo para sa Pambungad na panalangin na


pangungunahan ng ating itinalagang guidance counselor na si G. Fermen C. Semense at susundan ng
pambansang awit.

Vina: Sa pagkakataong ito ay ating pakinggan ang pambungad na pananalita, tawagin natin ang ating
butihing Secondary School Head Teacher 1 na si G. Poley M. Tayong. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan!

Joshua: Maraming Salamat po G. Tayong sa iyong napakagandang mensahe, ngayon naman ay aming
inaanyayahan si Gng. Aquisah A. Montemayores, tagapamuno ng Filipino para pag-aanunsyo sa
pangkalahatang gawain at aktibidad ng buwan ng wika.

Vina: Maraming Salamat, [Link], ngayon naman ating tawagin si EJ M. Baylon mag-aaral
sa Baiting 11 (labing-isa) para magbahagi sa ating ng kahalagahan ng Filipino at Katutubong Wika bilang
kasangkapan sa pagtuklas at paglikha.
Joshua: Siyang tunay, kaya nararapat lamang na ating pahalagahan ang Wikang Filipino sapagkat isa
itong kasangkapan na humulma sa ating pagkakakilanlan bilang isang tanyag na Pilipino.

Vina: Sa puntong ito, ating panoorin ang mga pinaghandaang pampasiglang intermisyon ng mga mag-
aaral mula sa baitang 8 (walo) mag-aaral sa klase ni Bb. Mae Apple B. Entendez, susundan ng baitang 10
mula sa klase ni Bb. Cherly Nacua, at Baitang 7 mula sa klase ni Gng. Mariolina Decalit.
Joshua: Maraming salamat mga mag-aaral sa inyong pagtatanghal. Aba at kahit sa murang edad ay
kahanga-hanga na. Ngayon naman po ay tinatawagan ang punung-guro ng ating paaralan, Gng. Jean B.
Alindo para magbigay ng kanyang mensahe. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!

Vina: Maraming Salamat Gng. Alindo sa iyong mga tinuran. At ngayon ating tunghayan ang intermisyon
mula sa baitang 10 na si Kyzeah Shayne M. Salazar. Isang masigabong palakpakan.

Joshua: Maraming Salamat Kyzeah. Ang susunod na bahagi ng ating palatuntunan ay tiyak na inyong
magugustuhan sapagkat magkakaroon tayo ng pamimigay ng mga regalong aytem para sa mga piling
mag-aaral. Ating tinatawang si G. Poley M. Tayong.
Vina: At para sa pangwakas na pananalita tinatawagan si Gng. Jovita M. Animas, guro ng Filipino. Isang
masigabong palakpakan
Joshua: Salamat Gng. Animas labis po kaming nasisiyahan sa iyong mga pananalita. Binabati namin ang
lahat ng nagtaguyod sa Pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong taon. Gayundin ang mga guro, mag-
aaral at mga stakeholder. Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging matagumpay ang programang ito.

Sabay: Dito na nagwawakas ang ating programa.

Vina: Ako po si Bb. Vina Oringot

Joshua: At ako naman po si G. Joshua Duma-og

Sabay: Mabuhay ang Wikang Filipino! Maraming Salamat!

You might also like