You are on page 1of 2

Isang mapagpalang araw sa lahat!

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa
atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na
nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang bawat tao.

Higit sa lahat, nagsisilbi itong sagisag ng ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba't ibang impluwensya sa
bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.

Kaya ngayong araw ay ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan bilang pag- alala sa ating Wikang
Filipino na may temang:

Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang
Panlipunan

Inaanyayahan po ang bawat isa na magsitayo, para sa Pambungad na panalangin, na susundan naman ng
pambansansang awit na itutugtug sa tulong ng audio visual play. Manatiling nakatayo para sa pag-awit ng himno ng
lungsod ng Talisay.

Emcee1: Sa pagkakataong ito ay ating pakinggan ang pambungad na pananalita, tawagin natin ang ating seksing ginang,
natatangi at walang katulad na si Gng. Rachelle Payda-Fernandez.

----------------------------------------------------------PAMBUNGAD NA PAGBATI-----------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa mainit na pagbati Gng Payda…

Ngayon naman ay ating pakinggan ang ating bagong punongguro, ang aking paboritong guro, Gng. Jonnabel O. Bendebel
para sa kanyang mensahe.

Maraming salamat maam.

Bago pa man natin ianunsyo ang mga gawain para sa Buwan ng Wika sataong ito, ihahandog ang isang awitin ng iyong
lubos na tagapaglingkod ang isang madamdaming kanta ni Moira na pinamagatang Dito ka lang….

________________________________________________---presentasyon--____________________________________

Emcee 1: wow na wow! Tiyak nga naman na tagos sa puso ang kantang ito lalo nat puno ng emosyon. Dahil sa wika,
malaya nating naihahatid ang ating mga hinaing, saloobin at mga nararamdaman. Salamat sa ating wika.

Kung kaya, nandito na ang ating pinakahihintay na aktibidad na ilalantad ng ating pinakamagandang guro sa Filipino,
ginang Josel Paquit-Navarro, pinakamalakas na palakpakan po.
(PAGLALAHAD NG PAMANTAYAN NG BAWAT AKTIBIDAD)

Emcee: Kayat sa mga gurong taga payo ng bawat kalahok mangyaring pakigabayan ang inyong mga pambato para sa
maayos na daloy ng programa.

Idaraos ang mga gawaing ito sa ika-31 ng Agosto. Inaanyayahan rin na suotin ang magagarang kasuotan sa araw na ito.

At ngayon, ating tawagin ang Supermom ng Cansojong, Ginang Merasol Fernandez para sa kanyang Panapos na
Mensahe.

Maraming salamat po Ginang sa nakakaengganyong mensahe.

Palakpakan po natin ang lahat ng tumulong na natapos rin ang programang ito. Palakpakan din po natin ang Maykapal sa
pagbibigay ng wikang naging daan sa pagkakaisa at pagkakaindihan ng bawat isa.

Maraming salamat SA inyong pagdalo, ang iyong tagapaglingkod, Binibining Joanna Camille Papalid. Magandang Hapon!

You might also like