You are on page 1of 3

SABAY: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

OLIVE: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda: kaya ating pagyamaning
kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

HERMES: Siyang tunay Bb. Olive. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay
buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

OLIVE: Tama, G. Hermes! Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t
ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.

HERMES: Sa ating minamahal na Punong-guro, Gng. Gina P. Sumogat, sa ating butihing patnugot, Gng.
Pamela T. Banguiran, sa ating mga tagapangasiwa, sa aming mga minamahal na mga guro at sa kapwa mag-
aaral isa pong pinagpalang umaga sa inyong lahat.

OLIVE: Ako po si Olive Danielle Gaurana mula sa Baitang Walo (8).

HERMES: At ako naman po si Hermes Lawrence Amparado mula rin sa Baitang Walo (8).

SABAY: At kami ang inyong guro ng palatuntunan sa pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA 2023.

OLIVE: Sa pagdating ng Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika upang mabalik-tanaw
ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel L. Quezon. Siya ang naging
tulay upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa pagtalaga ng isang pambansang Wika ang Filipino.

HERMES: Sa taong ito, ang Gil Montilla National High School – Cabadiangnan Extension ay nakikiisa sa buong
bansa upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang,

SABAY: Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan.

Magandang Umaga at Maligayang Panonood sa lahat!

I AND II. PANALANGIN AT PAMBANSANG AWIT

OLIVE: Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaaring tumayo tayong lahat para sa ating pambungad na
panalangin.

HERMES: Manatiling po tayong nakatayo para sa pagbibigay pugay sa ating Pambansang watawat at sa pag-
awit ng Lupang Hinirang.

OLIVE: Maraming Salamat at maaarin ng umupo ang lahat.

III. PAMBUNGAD NA PANANALITA

HERMES: Sa puntong ito ay makinig naman po tayo sa isang Pambungad na Pananalita mula sa ating butihing
Guro at Coordinator ng asignaturang Filipino, Gng. Pamela T. Banguiran upang ibahagi ang kasaysayan,
kaalaman at layunin ng tema ng Buwan ng Wika. Bigyan po natin siya nang masigabong palakpakan.

OLIVE: Maraming Salamat po Gng. Pamela sa inyong pananalitang nakapagbigay kaalaman at inspirasyon sa
ating mga mag-aaral. Tunay nga namang napakahalaga ng paggamit ng ating sariling wika sa pag-aaral ng
mga bagay na dapat matutunan upang tayo ay maging isang mabuting mamamayan.
IV. INTERMISSION NUMBER

HERMES: Bago natin ipagpatuloy ang ating programa sa pagbibigay pugay sa ating Wika, tayo muna ay
magliwaliw at tunghayan ang intermisyon number na ibibigay sa atin ni/ng __________________.

OLIVE: Maraming salamat sa pagbibigay ng napakagandang presentasyon.

V. PAGPAPAKILALA NG TAGAPAGSALITA

HERMES: Sa selebrasyong kagaya nito, maliban na mabibigyan tayo ng aliw at kasiyahan, nararapat lamang
na mas mapayabong pa natin ang ating kaalaman kung bakit idinadaos natin ito.

OLIVE: Kung kaya, upang mas mabigyan tayo ng inspirasyon at mapukaw ang ating pagmamahal sa ating
sariling wika, tayo ay may napiling Tagapagsalita na tutulongan tayo na magkamit noon.

HERMES: Mga kaibigan, upang ipakilala ang ating Tagapagsalita NG Programa natin ngayong umaga, ating
ibibigay ang oras kay Gng. Jhelmae Gregas-Debuyan.

VI. MENSAHE

OLIVE: Maraming Salamat sa iyong makabulohang mensahe, Gng. Rowena Fano, tunay ngang nakakataba ng
puso ang maging isang Pilipino. Muli, ay bigyan siya natin ng masigabong palakpakan.

HERMES: Ngayon ay muli naming tinatawagan si Gng. Pamela Banguiran sa paghahandog ng sertipiko ng
pagpapahalaga para sa ating Gurong-Tagapagsalita na naglaan ng oras sa pag-alay ng kaalaman at
inspirasyon para sa ating lahat at bilang pasasalamat sa kanyang suporta sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

OLIVE: **magbabasa ng sertipiko** Marapat lamang pong pumunta po tayo sa entablado upang tanggapin
ang inihandog naming sertipiko ng Pagkilala na iaabot din ng ating Punong-guro, Gng. Gina P. Sumogat. Sa
muli, maraming salamat.

VII. PAGBIBIGAY SERTIPIKO

HERMES: Isang paraan ng pagdiriwang ng ating paaralan ay ang iba’t ibang presentasyon na kung saan
maipapahatid ang layunin ng nasabing tema ng Buwan ng Wika. Ang pangunahing presentasyon
namatutunghayan natin ngayong araw ay ang “Pagbigkas ng Tula”, kaakibat nito ang “Pagkanta” at
“Pagsasayaw” mula sa mga pili at katangi-tanging mga mag-aaral. Sila ay buong husay na nag-ensayo upang
maipakita sa inyo ang kanilang mga nakatagong talento.

OLIVE: Kaya huwag na nating patagalin pa at ating tunghayan ang mga iba’t-ibang talento na ipinagmamalaki
nating mga Pilipino. Una sa lahat ay ang pagtutula.

HERMES: Ang tula ay isang pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa maririkit na pananalita. Ngayon atin
nang matutunghayan ang iaalay na tula ni _____________________

OLIVE: Maraming salamat

HERMES: Ngayon naman ay ating matutunghayan ang

OLIVE: Maraming salamat

HERMES: Ngayon naman ay ating matutunghayan ang


OLIVE: Maraming salamat

HERMES: Ngayon naman ay ating matutunghayan ang

VIII. PRESENTASYON

OLIVE: Tunay ngang napakahuhusay ng kapwa nating mga mag-aaral mula sa Hayskul lalong-lalo na sa
pagbabahagi ng kanilang angking kakanyahan sa pagbigkas ng tula, pagkanta at pagsayaw. Isa ngang
patunay na hindi pa rin naisasantabi ng ating mga kapwa kabataan ang likas at kahalagahan ng paggamit ng
ating Inang Wika, ang Wikang Filipino.

HERMES: Tama ka dyan, Bb. Olive. Kaya sa muli bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.

OLIVE: Sa puntong ito, nais naming kunin ang pagkakataon upang pasalamatan ang kapwa naming mag-
aaral na nakilahok at sumuporta para sa pagdiriwang ng ating Buwan ng Wika. Gayundin, ang aming
minamahal na punong-guro, mga guro at mga tagapangasiwa ng ating paaralan na naglaan ng oras upang
makibahagi sa paggunita ng mahalagang pagdiriwang na ito.

HERMES: Para sa pagtatapos ng ating palatuntunan, tinatawagan po naming muli ang ating mahusay at
walang sawang sumusuporta sa ating programa, ang ating punong-guro ng Filipino na si Gng. Gina P.
Sumogat para sa Pangwakas na Pananalita. Bigyan po natin siya isang masigabong palakpakan.

IX. PANGWAKAS NA SALITA

OLIVE: Maraming salamat Gng. Gina sa isang napakagandang mensahe bilang pagsasara ng ating
pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayon.

HERMES: Ang ating pagdiriwang ay magtatapos na, ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang
________________ para ipakita ang ating pagkakaisa sa pagdiriwang ng ating Wikang Pambansa.

OLIVE: At dito na po nagtatapos ang ating munting palatuntunan ngayong araw. At nawa po ay nagalak at
muling nabigyang halaga ang ating Inang Wika, ang Wikang Filipino na siyang kayamanan na hindi maaagaw
ninuman.

HERMES: Muli, ako po si Hermes Lawrence Amparado

OLIVE: At ako naman po si Olive Danielle Gaurana.

SABAY: Maraming salamat at pagpalain pa po tayong lahat ng ating Panginoon.


Mabuhay ang ating Wikang Pambansa, mabuhay tayong lahat.

You might also like